CHAPTER 6

397 22 2
                                    



"Good morning, Eam!" nagulat ako sa bigla nyang pagbati. Nasa harap sya ng bahay namin upang sabay kaming pumasok. Ilang buwan nang ganito pero nagugulat padin ako.

"Good morning." nakangiting bati ko rin.

"Kelan mo kaya ako sasagutin? Tatlong buwan na rin pala ano, hmmmm. Di naman sa nagpaparinig ako pero parang ganun na nga."

"Nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya at umangkas na sa motor nya.

"Hindi! Kahit gaano katagal, maghihintay ako." sagot nya at pinatakbo na ang motor at napangiti nalang ako. Malapit na Naze, malapit na.

"Kelan mo ba sya sasagutin?" tanong ni Denver.

"Shhhh! Ang ingay mo! Sikreto lang to!" pabulong na sigaw ko kay Denver. Nandito kami ngayong tatlo nila Cath sa Canteen, wala si Naze dahil may aasikasuhin pa sya sa group namin.

"Kelan nga, Raf? Baka pinapaasa mo lang sya ah?" si Cath.

"Hindi noh! Di ko sya pinapaasa. Gusto ko lang makasiguro na sya na talaga!"

"Susss!" si Cath

"Sige, kelan ba talaga?" tanong ni Denver

"Sa Wednesday, promise!"

"Ayiiiieeeee!" impit na tili ni Cath at napatango tango naman si Denver.

"Aasahan ko, namin yan, Raf." sabi ni Denver.

"Oo nga!"

"Ito yung gagawin nating role playing," panimula ni Misty, group leader namin.

"Nazer! Ikaw yung lalaking asawa! Si Cath naman yung anak... Ummm.. Yung asawa mo Nazer, ay si Sherie... Denver! Ikaw yung anak din! Basta dalawa kayong anak. Ako naman yung nanay mo Nazer!" nakikinig lang ako sa pag a-assign ni Misty para sa role playing namin.

Ano kayang role ko at di pa nasasabi ang part ko? Hayst! Dapat ako yung asawa eh! Alam naman ni, Misty na may something samin ni, Naze. Dun pa talaga sya napunta sa higad na Sherie! Kung si Cath sana, ok lang.

"Uyy! Si Rafi pa, Misty! Kinakalimutan mo bestfriend ko eh!" sigaw ni Cath, napatingin ako sa kanila at tama nga ang hinala ko. Nakalimutan ako ni Misty! Bwesit sya!

"Ummm... Ano.. Ah tama! Ikaw ang gagawa ng script! May nabasa kasi akong gawa mo na story, so ikaw yung gagawa ng script namin." nakangiting sabi ni Misty at halos bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya pero ngumiti nalang ako ng pilit. Ganda nyang sakalin.

"Practice tayo mamayang hapon! Raf, gawin mo agad ang script. Sige alis na ako." at umalis na sya.

"Rafi, ok ka lang?" tanong ni Cath.

"Oo naman." sabi ko habang pinipilit na ngumiti.

"Sinungaling!"

"Sya yung leader, sya yung masusunod. Peram ng ballpen at nang makagawa na ako ng script." walang ganang sambit ko.

"Yan na,"

Nagsulat na ako ng script nila para makapractice na mamayang hapon. Biglang lumapit sakin si higad na Sherie.

"May I love you ba yan? Lagyan mo ah! Para sweet!" malanding sabi ni Sherie, bwiset!

"Nilagyan ko na." kalmang sagot ko habang pinipigilan ang inis.

"Salamat!" sabi nya at umalis na. mabuti naman.

"Ok ka lang?" halos mapaigtad ako nang makita na si Naze yun.

"Yeah,"

"Bat nakabusangot ka?"

"Wala lang." pagsisinungaling ko.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now