CHAPTER 23

272 14 0
                                    



"Sa Brins Falls ba tayo?" tanong ni Cath habang binabaybay namin ang daan patungo sa bundok.

"Mamaya. Panuorin muna natin yung sunrise." nakangiting sabi ko. Isang linggo nalang at uuwi na siya namg La Condeza kaya naman minabuti kong maipasyal siya rito.

"Sige. Ikaw ang bahala." aniya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating kami sa tuktok ay napangiti ako. Malamig ang simoy ng hangin, dala ng malamig na panahon at hamog sa tuktok ng bundok. Nakatitig ako sa kalangitan habang hinihintay ang paglabas ng araw.

"Rafi? Kapag ba nagpakita siya sayo ulit at magpaliwanag o kaya manghingi ng chance, bibigyan mo?" tanong niya sa gitna ng katahimikan. Unti-unti na ring lumalabas ang araw.

"Sa totoo lang, hindi ko alam." tanging sagot ko dahil yun ang katotohanan.

"Imagine! Pano kapag nagkita kayo ngayon?" pamimilit niya.

"Cath, hindi ko talaga alam." mahinang tinig na sabi ko habang halos kalahati na ang sikat ng araw.

"Rafi..." puno ng simpatya ang boses niya.

"Ayos lang. Hayaan nalang natin ang panahon na maghanda sa atin." bawi ko. Hindi na siya umimik pa kaya inubos ko na lang ang oras sa panunuod ng pagsikat ng araw.

Sun, it always reminds me of how things are not permanent. Dahil pagdating gabi ay mapapalitan ito ng dilim. It always reminds me that everything will change no matter how you tried to make it the way you really want.

Alas-otso na ng makarating kami sa Brins Falls. Napatitig ako sa bumabagsak na tubig. Paniguradong malamig ang tubig dahil hindi pa ito nasisikatan ng araw, dahil na rin sa mga naglalakihang puno na bumabalot sa talon.

"Darating ba ang kaibigan mo rito?" tanong ni Cath habang nakatanaw rin sa talon.

"Oo, siguro maya-maya ay nandito na rin. Saktong pagdating nila ay may sapat na rin tayong pahinga galing sa paglalakad." sagot ko.

"Kelan mo balak umuwi?" bigla niyang tanong sa akin. Natigilan ako.

"Hindi ko alam..." mahihinang tinig na sagot ko.

"Siguro naman, sapat na sa kontrabidang ate mo yung panahon na wala ka. Uwi ka na."

"Oo, uuwi ako." sagot ko at nagliwanag ang mukha niya.

"Pagkatapos ng graduation." dagdag ko at napawi ang kaniyang papasibol na ngiti.

"Nakakatampo ka rin." aniya

"Cath, hindi ko kaya..." pagsuko ko.

"Inamin mo rin!"

"Hindi naman sa ganun. Ang akin lang, ayoko muna... muna Cath." depensa ko.

"Ang babaw mo kasi Rafi! Ang babaw babaw!" inis na sambit niya at napayuko ako.

"Kung sayo Cath, mababaw. Sakin hindi. Sobrang lalim,Cath." nabasag ang aking boses.

"Sorry!" aniya at agad akong dinaluhan.

"Wala ka namang kasalanan. Wag mo lang babanggitin sakin." napatango siya. Mayahabang katahimikan ang bumalot sa amin.

"Rafina!" matinis na boses ang bungad sakin ni Cassy ng dumating sila at niyakap ako. Ngumiti ako.

"Cassy, siya si Cath at Cath, siya si Cassy." pagpapakilala ko kay Cath at tumango siya.

"Hello! Nakwento ka na sakin ni Rafina! Ang ganda mo pala talaga!" maligayang sabi ni Cassy at hinila na si Cath para makausap.

Tumulong ako kila Elle sa paghahanda ng pagkain. Tahimik lang sila kaya ganun rin ako. Kahit na nasasama ako sa barkada nila, alam kong may mga bagay na sila-sila lang ang nagkakaintintidan. Mabait sila sa akin at yun ang importante sa akin

"Nagdala ba kayo ng junkfoods?" tanong ni Elle habang naghahanda sa pag-ihaw ng karneng baboy.

"Oo. Maraming dala si Cath." sagot ko at muling natahimik.

Saan kaya dinala ni Cassy si Cath? Paniguradong pagbalik ng dalawang yun ay magkakasundo na sila. Isa sa mga dahilan kung bakit ako napalapit kay Cassy, halos magkatulad kasi sila ni Cath ng pag-uugali. Makulit at maingay.

"May gossip akong naririnig galing sa ibang school... totoo bang naging girlfriend ka ni Nazer?" biglang tanong ni Lia na nagpatigil sa ginagawa ko.

"H-Huh? Hindi!" pagtanggi ko nang mapagtantong hindi nila maaaring malaman yun.

"Sure?" Lia playfully asked.

"Oo." sagot ko at tumahimik na siya.

Biglang nagising ang kaba sa aking sistema. Paano kung kumalat yun? Hindi pwede. Pero bakit hindi? Napailing ako. Wala rin akong makuhang sagot.

"Nako! Nagdala ba kayo ng softdrinks?!" tanong ni Elle at agad akong napailing.

"Sige, ako na lang ang bibili." sabi ko at pumunta na sa kinalalagyan ng bag ko para kumuha ng pera. Nagpaalam ako sa kanila kaya naman ng matapos yun ay tumulak na ako pababa ng bundok.

Sampung minutong rin bago ako makarating sa tindahan na naroon sa daanan bago makarating sa falls. Nang makalapit ako ay may nakita akong isang bulto ng katawan. Nakatalikod ito sa akin ngunit pamilyar ang hubog ng kaniyang katawan. Bumilis ang pintig ng puso ko. Bumuntong hininga ako para alisin sana ang pakiramdam na yun ngunit mas lalong lumala.

"Ate, pabili po ng softdrinks, yung 1.5 liters po." sabi ko at luminga ako para makita ulit ang taong yun at hindi ako nabigo. Nakita ko siya sa di kalayuan at nakatagilid na siya.

"Naze..." mahinang usal ko at hahakbang na sana palapit.

"Neng, ito na." aniya at agad naman akong natauhan.

"Salamat po." sagot ko at nagmadaling umalis. Ano naman ang naisip ko para lumapit sa kanya?!

"Tanga!" bulong ko sa sarili ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Pinipilit na huwag siyang maalala para hindi magtaka sila Cath. Pero hindi ko mapigilan. Bakit ba siya nandito? Tanga! Taga dito siya dati!

"San ka galing?" bungad ni Cathnang makarating ako. Iningat ko ang dala kong softdrinks at tumango siya.

Masaya silang naligo habang ako nasa gilid patuloy na iniisip ang nakita kanina. Akala ko ba moved on na? Shems! Hindi pa pala talaga.

Hapon na ng makauwi kami galing sa Brins Falls. Tulala ako habang nagluluto ng hapunan namin. Matagal pala kami sa falls pero di ko man lang napansin.

"Sunog na!" natatarantang sigaw ni Cath na siyang nagpagising sa sistema ko. Agad kong pinatay ang gas stove.

"Kanina ka pa ganyan? Ano bang nangyayari sayo?" puna ni Cath. Napabuntong hininga ako. Wala akong maiitatago sa kaniya kaya mabuti rin na sabihin ko to sa kaniya.

"Nakita ko siya." sabi ko at agad naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin.

"That explain why you're like that." aniya.

Tumahimik na lang ako dahil wala na akong masabi pa.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now