CHAPTER 22

279 13 0
                                    



"Hoy! Natulala ka na naman jan!" nakangiting saway ni Cassy.

"Ah, wala! May naalala lang."

"Weh? Baka naman naiisip mo na naman si Nazer mo?" pang-aasar nito. Napatigil naman ako.

It's been months since the last time  I saw him. It's been months since I left them. Nakakatawang isipin na dahil sa break up namin na walang closure ay lumipat ako ng tirahan at school.

"Hindi!" tanging nasabi ko at napahalakhak naman siya.

"Enjoy!"

"Maya na..."

"Rafi! Masyado kang na-stress nung nakaraan dahil sa exam natin. Ikaw kasi! Masyadong seryoso!" napatawa naman ako sa sa sinabi niya.

"Kelangan eh."

"Kahit na! Enjoy na!"

"Oo na! Mag-e-enjoy na!" sabi ko at tumayo na para sumama sa kanila sa tubig.

Bakasyon na ngayon at nasa Brins Falls kami para magpalamig. Ilang linggo na nang matapos ang school year at ngayon lang naisipan nila Cassy na maligo at magbonding. Isa na rin sa kanilang dahilan ay kawalan ng hang out ng barkada.

Napangiti ako sa isang alaala. Akala ko noon mahihirapan akong makahanap ng kaibigan simula ng umalis ako. Pero nagkamali ako. Sa unang araw ko palang, nakilala ko na agad si Cassy at hindi nagtagal ay nasama na ako sa barkada nila.

"Alam mo girl, ang swerte mo pa rin." bulong ni Cassy ng pumagilid kami dahil nilalamig na kami.

"Bat naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasi naman, ikaw ang first girlfriend ni Nazer! Day! Halos mag-alay ng undies ang kababaihan para mapansin lang niya! Kaso wala! Ikaw lang talaga!" natatawang sabi niya at napatawa rin ako.

"Paulit-ulit mo nang sinasabi yan."

"Oo! Alam ko! Bigyan mo kasi ng chance!"

"Hindi naman na siya nagpakita eh." kibit balikat na sagot ko. Hinampas niya naman ako sa braso.

"Tanga ka talaga! Ikaw na ang nagsabi na wag manggugulo sayo tapos ganyan? Hay! Ang tanga mo talaga!" naiinis na sabi ni Cassy.

"Kahit na!"

"Baliw! Tanga! Buang! Kainis mo girl! Pasalamat ka talaga at ako lang ang nakakaalam niyang sekretong yan! Nako! Kung nadulas ang dila ko baka wala nang makipagkaibigan sayo kasi sinaktan mo ang prisipe ng buhay nila!" madramang litanya niya.

"E di salamat!" sarkastikong sabi ko at inirapan niya ako.

"Ewan ko talaga sayo! Pwede mo naman kasi talagang bigyan ng chance si Nazer o di kaya'y pakinggan mo lang ang paliwanag niya! Nako talaga!" aniya. Paulit-ulit niya na itong pangaral sakin lalo na kapag naaalala niya. At kapag nakikita o nahuhuli niya akong tulala.

"Cassy, mag move on ka na. Ako nga naka moved on na." sabi ko at pinagdiinan ang salitang moved on.

"Talaga ba? Nakamove on? Eh kung sipain kita?"

"Bayolente mo naman Cass! Hindi bagay sa pangalan mo. Dapat mahinhin kasi nga Cassy! Eh kabaligtaran naman eh." pagliliko ko sa usapan

"Kasalanan ng mundo!" aniya at tumawa. Iniwan niya ako sa gilid at muli siyang naligo sa talon. Napatitig ako sa kawalan. Bat ko iniiwasan ang tanong tungkol sa kaniyang kung totoong nakapagmove-on na ako. Hayst!

Hapon na ng makauwi ako sa boarding house na tinutuluyan ko. Agad akong nagbanlaw at nag-asikaso para sa hapunan ko.

Mabuti nalang at napapayag ko sila Mama na hayaan akong  mag-isa. Dahil na rin sa dahilan kong iyon. Napakababaw para sa iba pero sakin hindi. Napailing ako. Nakapag move on na ba talaga ako?

Minsan dumadaan sa isip ko na baka magkadaupang palad kami ulit. Hindi rin malabong mangyari iyon dahil sa San Limaco Acad. ako nag-aaral kung saan dun din siya nag-aaral noon.

Anong gagawin ko? Babatiin ko ba siya? Ngingitian? Dedmahin? Shems! Bat naman yun ang naiisip ko?!

Kumain na lang ako ng aking hapunan. Adobong manok ang ulam ko sa gabing ito. Maaga akong matutulog para sa panibagong gawain bukas.

Kahit na bakasyon ay hindi pa rin ako umuuwi sa La Condeza. It will bring back more memories that I bury on my past. Memories that I called nonsense.

Pero minsan dumadaan pa rin sa isip ko ang sinabi ni Cassy. Pano kung binigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag? Paano kung binigyan ko siya ng isang pagkakataon? Aabot kaya kami sa ganito? Aabot kaya sa pagtalikod ko sa buhay na kinagisnan ko? Kung mapaniwala niya man ako, paniguradong hindi. Dahil alam ko sa sarili ko na magkukumahog ako pabalik sa kaniya. Hahayaan ko na namang mabalewala ang mga limitasyon ko sa sarili. Hahayaan ko na namang maniwala sa kasinungalingang sasabihin niya.

Simula nang dumating siya sa buhay ko, nakalimutan ko na ang mga limitasyon na iyon. Siya rin kasi ang dahilan kung bakit hindi ko na iyon nasusunod. Simula nang dumating siya, gumulo na rin ang payapa kong mundo.

Maaga akong nagising dahil sa isang tawag mula kay Cath. Nami miss ko ma talaga ang babaeng ito!

"Cath?" bungad ko at dahan-dahang bumangon sa kama.

"Buksan mo yung pinto! Nandito ako!" maligayang sabi niya.

"Sige!" masayang tugon ko at nagmadaling lumabas ng silid para mabuksan ang pinto sa labas. Nang marating iyon ay agad kong binuksan ang pinto.

"Cath!"

"Rafi!" maligayang bati namin sa isat-isa kapagkuwan ay nagyakapan. Now, I feel Im home even not. At least, nandito siya.

"Tuloy ka." at agad naman siyang tumalima.

"Babae ka! Uwi ka na!" aniya at umupo sa couch.

"Ayoko—"

"Ayaw mong umuwi dahil di ka pa nakapag move on?" putol niya sa sasabihin ko.

"Nakamove on na..." mahihinang tinig na sabi ko.

"Bang! Hindi pa! Hindi ka pa nakakapag move on!" litanya niya.

"Yan ba talaga ang pinunta mo dito?" nakangusong tanong ko.

"Hindi! Nami miss lang talaga kita!" aniya at sinugod ako ng yakap.

"Cath!" saway ko nang mapansin ang higpit ng kaniyang pagkakayakap.

"Bat kasi dito ka pa?! Mahigit isang oras ang byahe patungo rito! Kainis mo talaga!" aniya at naramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang luha sa aking balikat.

"Cath..." sambit ko at niyakap rin siya ng mahigpit. Napaluha dahil sa pangungulilang nadarama. Nanatili kaming ganun hanggang sa humupa na ang nararamdaman naming nag-uumapaw na emosyon.

"Hanggang kelan ka dito?" tanong ko sa kaniyang habang naghahanda ng agahan.

"Buong bakasyon!" masayang sagot niya at napatili kaming dalawa.

"Buti pinayagan ka?" tanong ko nang makabawi.

"Syempre! Alam nila Papa na sayo ang punta ko!" mayabang na sabi niya.

"Kumusta?" tanong ko, may pinapakahulugang iba.

"Siya?" tanong niya na may halong pang-aasar. Nagpaikot ako ng mata.

"Bakit dini-distinguish mo pa?" naiinis na tanong ko sabay lapag ng plato at kubyertos sa lamesa.

"See! Di pa nakakapag move on!" akusa niya.

"Im just checking!" I reasoned.

"Checking, checking! Pa-english english ka na! Ang sabihin mo, gusto mo pa ring malaman kung anong ganap sa buhay niya!" litanya niya at napailing nalang ako. Nagpatuloy sa pagluluto ng ulam dahil tapos ko na ang fried rice.

"Wala namang masama!" depensa ko. Napailing nalang siya at tumalikod na ako sa kaniya para ipagpatuloy ang pagluluto.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now