CHAPTER 9

293 19 1
                                    



Habang tinutungo namin ang daan papunta kila Naze ay hindi magkamayaw sa bilis ang tibok ng puso ko. Ganun din ang aking mga kamay na pinagpapawisan ng malamig.

"Hon, its ok. Mabait si Mama. Wag ka nang kabahan." nakangiting sabi nya.

"Kahit na! Tara, iuwi mo nalang ako." at tumalikod ako para lumakad palabas ng gate nila.

"Hon." pagbabanta nito.

"Ok. Sige! Tara na." at hinawakan nya ang kamay ko. Malaki ang bahay nila. Maganda ang pagkakadesenyo ng garden at pathway papunta sa mismong bungad ng bahay nila. Magara! Yun ang tanging masasabi ko. Pano nalang pala kung di nalugi yung Mama, edi mayaman talaga sila! Shems! Nanliliit ako.

"Naze, baka ayaw sakin ni Mama mo."

"Stop being so negative. Hays! Magugustuhan ka nya. For sure." nakangiting sabi nya.

"Ok. I trust you." at pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay. Pagkapasok palang ay agad na gumala ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. May malaking family picture malapit sa hagdan at ibat ibang abstract paintings. Yaman!

"Mama, nandito na kami!" tawag ni Naze. Maya-maya pa ay bumaba na ang Mama nya galing sa itaas ng kanilang bahay. First impression, mataray. Jusmeee! Nakakatakot!

"Good evening, Maam!" nakangiting bati ko. Hayun na naman ang puso ko. Bilis ng tibok at aminado akong sobra na akong kinakabahan.

"Good evening. Dun na tayo sa dining area." agad na sabi nya at naunang maglakad. Agad namang humigpit ang hawak ko sa kamay ni Naze. Tumingin sya sa akin to give a reassuring smile.

Nang makarating kami dun ay halos di ako makakain. Panay ang sulyap sakin ng Mama nya.

"Ma, she's my girlfriend. Rafina Eam Velasquez." pagpapakilala sakin ni Naze.
Nakakaloka! Diba dapat pakilala muna bago kain. Baligtad si Naze. Nakoo!

"Oh, a Velasquez. Kaano ano mo si Jhon Velasquez? Yung owner ng Real State Company?" agad na tanong sa kanya ng Mama ni Naze.

"Ummm... Di ko po sya kilala."

"Sad to hear that."

"Ma, be nice." nakangusong saway ni Naze. In normal situation baka tatawa sya kaso di nya kaya ngayon na makipagtawanan.

"Ok, baby. Iligpit mo na ang pinagkainan natin at mag-uusap kami ni Rafina sa sala." tumango lang si Naze at sumunod ako sa Mama nya.

"Oh, Call me Tita Elisse. I hate the word Ma'am."

"Ok po, Tita Ellisse." naiilang na sabi ko. Umupo na sya sa sofa at itinuro nya yun kaya umupo na rin ako kaharap nya.

"Gaano na kayo katagal?" agad na tanong nito.

"Umm, isang araw palang po."

"Seryoso ka ba sa kanya?"

"Yes, Tita." seryosong sagot ko.

"Tsk. Tsk. You must not." at umiling iling ito. "To be honest, ayoko sayo para sa anak ko. Wanna know why? Because he deserve someone who's better than you. Hmm... Hahayaan ko ang relasyon nyong dalawa, pero sa oras na dumating ang araw na makita ko ang deserve sa kanya... Ipaghihiwalay ko kayo. Understood?"

"Mawalang galang na po. Pero di po ako sasang ayon sa inyo. I love your son a---"

"Cut that! It is just a lust! Hindi nag i exist ang romantic love sa inyo! You're too young for that!"

"Anong edad po ba ang dapat magmahal?" agad na tanong ko. Napatahimik sya. Matatalim na titig ang binibigay nya sakin.

"Hahaha..." She laugh sarcasticly. "Nonsense. Ayoko sayo. Period!" with that she walked out. Shems! Ang pangit na ng image ko sa Mama nya!

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now