Kabanata 11
THE CITY LIGHTS are gradually igniting making the street alive and busy. The sound of the vehicles, the noise of the people coming from the crowded supermarket, the aroma of a newly brewed coffee from a coffee shop and the scent of her that fill my lungs- makes me so alive.
“You hungry?” Finally, she said those words. Medyo natagalan kami ng uwi kasi nga nasiraan kami ng gulong.
“Hmm sa bahay nalang ako kakain, nagluto kasi si mama.” Pagdadahilan ko pa. Pero ang totoo, ayoko lang talaga na makasama pa siya nang mas matagal baka kung saan pa aabot ang pag-uusapan namin.
“I insist. Libre na din kita.” Wala na akong ibang magawa nang hawakan niya ang kamay ko at nagsimulang hatakin ako papunta sa isang fastfood chain.
Our hands are still intertwined when we entered the fastfood chain. She grinned widely at me. Medyo pinagtitiginan kami ng mga tao sa sobrang clingy niya sa akin.
“Really Joana, jollibee talaga?” I asked in disbelief. Sa dinami-dami ng fastfood chain, dito talaga sa pambata?
“Abat aangal ka pa talaga? Libre ko kaya to kaya ako ang masusunod kung saan tayo kakain.” Agad namang sabi niya habang nakisiksik sa pila.
“Sinabi ko bang ilibre mo ko ha?” Bulyaw ko sa kanya. Ayon, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
She instantly hold my hand firmly habang minamasahe niya ang palad ko.
“Hey, ayaw mo dito? Lipat nalang tayo.” Kalmado niyang tanong.
I look into her eyes, she looks at me with her eyes pleading.
“Sige na nga, dito nalang tayo.” Matagal na din naman hindi ako nakakain sa Jollibee.
HALOS TATLONG MINUTO din ang itinagal namin sa pagpipila at nang umorder na siya ay pumunta na ako sa second floor para maghanap ng mauupuan. Agad namang sumunod si Jo sa akin at ang service crew na dala ang order namin.
“Thanks, kuya.” Aniya at ngumiti naman si kuyang service crew.
Dalawang order ng chicken with rice, tatlong burger, dalawang large fries at tatlong sundae. Woah, andami naman ng inorder niya.
“Eh, tayo lang ba kakain nito?” Humalakhak siya sa itsura ko.
“Yeah. Nakita mo bang may iba tayong kasama?”
Inirapan ko nalang siya at nagsimulang kumain, medyo nagugutom na din kasi ako. Habang siya, maingat niyang nginunguya ang pagkain. Psh, arte naman nito!
“Try this one. I swear masarap to.” Kumuha siya ng isang pirasong fries at isinawsaw niya ito sa sundae imbis na sa ketchup.
“Ayoko nga. Weird mo.” Pero ininis niya lang ako at isinubo sa akin ang fries dip with sundae.
“Masarap?” Tumango lang ako sa kanya at ngumiti siya.
Matapos naming kumain ay pumunta muna kami sa pharmacy, bibili daw siya ng gamot para sa lola niya at sinamahan ko naman siya.
It's already 8 pm, at pauwi pa rin kami. Tinext ko din si mama na pauwi na ako para hindi siya mag-alala sa akin.
Ang ingay ng mga saksakyan lamang ang maririnig. Walang umiimik, walang gustong magsalita. Ang lamyos ng hangin lamang ang paulit-ulit na naririnig sa tenga. Hindi pa umabot ng limang minuto ay nakauwi na rin ako. Mabilis kong ni-ring and doorbell nang makalawa at maya-maya pa ay pinagbuksan din kami ni mama ng gate.
Niyakap ako ni mama, “Thanks God, you're home.” Nginitian ko lang si mama.
“May bisita ka pala, anak. Papasukin mo na sa loob. Dito na kayo mag dinner, di na ako nakapagluto kasi late ako umuwi pero nagpa-deliver naman ako ng foods.” Tsaka siya naunang pumasok sa loob.
YOU ARE READING
Borrowed Time (GirlxGirl)
Teen FictionKung may pinaka martyr sa buong mundo, iyon na siguro si Shanelle Rodriguez. Iniwan siya ng kanyang nobya sa hindi niya alam na dahilan at matapos ang dalawang taon ay bigla itong bumalik at nagparamdam sa kanya. Wala kang magagawa kapag ang puso n...