Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

1

21.2K 313 26
                                    

CARLY

SI ZACHARIAS. Isa siya sa mga pinakanakaiinis na tao sa mundo. Or maybe, I was just stereotyping. Alam kong marangal na trabaho ang pagiging isang construction worker, pero may iba sa kanila na dinudungisan ang propesyong iyon.

I was eighteen-a college student. I was named Carly and been called that same name by everyone since birth. That and no nicknames. Nakahawak ako noon sa strap ng sling bag ko. Naglalakad ako pauwi ng bahay sa subdivision na tinitirahan namin nang mapadaan ako sa ginagawang bahay. Nang natanaw ko pa lang iyon, nakaramdam ako ng pagsisisi.

Tinakasan ko kasi 'yong driver na susundo dapat sa akin sa school. Pumuslit ako para makasama sa mga kaibigan ko sa bagong bukas na coffee shop. Siyempre, bukod sa pagtambay at pagtikim ng specialties nila, kasama sa agenda namin ang pagse-selfie. We made a lot of posts on our social media accounts that time.

Back to construction workers, I finally reached the front of that construction site. Malapit nang matapos ang bahay na pinapa-expand ng may-ari. I knew because I've seen how that house actually looked before all this construction thing. Ilang beses na rin akong napapadaan kapag lumalabas ako ng bahay.

At paanong hindi ako mapapadaan, eh isang bahay lang naman ang pagitan niyon mula sa tinitirahan namin? Nadaraanan ko pa kapag may kaibigan akong gustong daanan na tagarito lang din sa subdivision na ito.

Humugot na lang ako ng malalim na paghinga. The show started here.

I walked by. Confident. Fierce mode. A face that said Don't mess with me. You won't like it.

So far, they remained busy with their work.

Akala ko, nagbago na ang ihip ng hangin.

Nakuha ko pang magulat nang makarinig ng pagsipol.

Bwisit talaga. I shouldn't have expected these pervs to change.

Mas binilisan ko ang paglalakad. Pairap ko silang sinulyapan. Pinag-iisipan ko na kung papakitaan ko sila ng middle finger dahil punong-puno na talaga ako sa mga bastos na ito. There were suddenly gasps. May iba na nakuha pang mangantyaw.

Napangiwi ako nang bumangga ako sa muscle.

As in muscle. Pawisang muscle. Hindi ko alam kung anong klase ng tao ito. Kung bakit amoy softdrinks ang pawis na naka-coat sa matigas niyang pecks...at abs.

Yes, my freaking eyes just trailed down before I even decided to check his face.

Matalim na tingin agad ang pinukol ko sa nabangga ko. That's when I realized that...that he's cute. Fudge. Bakit ganito ang pinag-iiisip ko sa...sa madungis na lalaking ito? I felt my feet stepping back. Despite the first impression that he's cute, I could imagine how horrified my face looked when I saw him. At saka ko lang napansin ang bitbit niyang mga nakaplastik na softdrinks na may straw. Sobrang dami niyon kaya siguro 'yung iba, nabagsak niya nung nagkabanggan kami.

Nagsalubong lang ang mga kilay niya. Oo, mukhang nag-alala siya para sa mga binili niyang softdrinks, pero nung pinasadahan niya ako ng tingin, doon na ako naasiwa.

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Miss!" tawag niya sa akin.

Pero hindi ko talaga nilingon ang Zacharias na iyon. I was too occupied earlier with what happened, and I was already home when I noticed the stains on my uniform. Hindi naman makapagreklamo ang mga katulong nang makita iyon. In fact, they became more concerned about me.

The TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon