Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

7

9K 209 45
                                    

CARLY

I GOT MY CAR BACK THE NEXT DAY. Natanaw ko sina Ian at Jack na naghihintay sa labas ng LTO building na iyon. Malayo-layo sila sa hanay ng mga upuang inuupuan ng iba pang naghihintay. I gave them a thanking smile. Ian just nodded, while Jack seemed a little uneasy and returned me an awkward smile. Kumaway pa si Jack bago ko inalis ang tingin sa kanila. Sinundan lang nila ako ng tingin, may kasama kasi akong officer. Hinatid niya ako sa kotse ko bago ko pinuntahan ang dalawang lalaki.

Palabas pa lang si Ian ng kotse nang pigilan ko. Nag-alok akong ihatid sila sa kantong patungo sa apartment. He glanced at my hand on his arm before meeting my gaze.

"Please, hayaan mo nang ako ang mag-process ng ticket mo." Mataman kong titig sa kanya.

Umiling siya. "Kanya-kanya tayo ng processing. Gusto ko rin makasiguradong may makukuha talaga akong ticket."

Nagbaba na lang ako ng tingin. Mukhang malayo pa ang inaasahan kong paggaan ng loob ni Ian sa akin. O iyong kaunting tiwala man lang na magkakampi kami pagdating sa paghahanap kay Zacharias. Two people with the same purpose were supposed to be in an allyship, right?

Pero, hindi ko naman siya pwedeng pilitin. Huwag na at baka magbago ang isip niya sa pagtulong sa akin...

"Okay." Ngiti ko nang makabawi mula sa bahagyang paghina ng loob. "I'm going then. Bawal pumarada rito."

Tuluyan nang nilisan ni Ian ang upuan sa tabi ko. Isasara na niya ang pinto nang matigilan.

"Mag-iingat sa pagmamaneho." May kung anong pakikiusap sa mga mata niya nang sabihin iyon.

I managed a smile. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili na igawad iyon kay Ian. Nahihiya ba akong ngitian siya? Sinabihan niya ako na mag-ingat, anong masama kung mapangiti ako niyon?

Bakit may malisya sa akin kapag ginawa ko 'yon?

I still smiled though. "Of course."

He gave me a nod. Bago pa niya nasara ang pinto, nagpahabol ako.

"Ian, thank you."

He met my eyes. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Salamat, sinamahan niyo ako ni Jack sa LTO." Nahihiya kong ngiti. "Thank you sa hapunan kagabi. Ang sarap ng ginisang munggo at..."

Ang sarap mong tingnan kahit natutulog ka na...

Oh, no!

As I lifted my eyes back on his, Ian remained stunned. Shocked.

"Thank you ulit." Abot ko sa handle ng pinto para maisara agad. Nahihiya na ako sa mga tumatakbo sa isip ko kapag nakatingin kay Ian.

He stepped away from my car, yet stared through the dark-tinted window.

Parang nanghihinayang pa akong umalis, but I finally did.

•·················•·················•

MAINGAY ANG PAGTAKATAK ng keyboard. It could be pretty annoying to hear, but there was urgency within me. Ako lang naman ang mag-isa sa kwarto, pero natatakot akong may makahuli sa akin.

I sighed in relief when my cellphone rang. Dinampot ko agad.

"Kanina pa ako naghihintay!" bungad ko kay Ian.

"Pasensya na. Naghanap pa ako ng comshop dito, eh. Hindi na yata uso ang comshop at ang hirap makahanap-"

I waved my hand. "Okay. Okay," pagmamadali ko. "Nasa website na ako. Naka-fill-up na rin ako ng online form nila rito. Ikaw na lang ang hinihintay ko."

The TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon