20 | Losing It All

562 31 15
                                    

 

Maraming mamahaling mga antiques ang nawala sa shop, pati ang cash register ay natangay, ang mga devices na naroon at ilang mahahalagang mga kagamitan. But what concerned him the most was the fact that his father was already dead even before his body was charred by the fire.

According to the forensic investigation, his father had two gunshot wounds in the chest, causing him to die minutes before the fire broke out that burnt the shop. And it was later identified as an arson attack.

This means his father was murdered— and Haruki tried to save him but failed to do so.

Ayon sa mga saksi ay pinilit na Haruki na pumasok sa shop sa kabila ng malaking apoy. He tried to save his employer— and eventually died when his way was blocked. The forensic physician stated that the cause of his death was due to carbon monoxide poisoning. Nakalanghap ito ng usok na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito, bago tuluyang nasunog ang katawan.

Haruki had been a loyal servant of the Takano family for years, kaya naman inasikaso niya ang mga labi nito pauwi sa Japan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay maaaring pagnanakaw ang pangunahing motibo ng mga suspek, dahil na rin sa mga nawalang gamit, pera at mga devices sa shop. Maaaring nanlaban ang kaniyang ama kaya nabaril ito, at upang pagtakpan ang ebidensya at sinunog ng mga suspect ang buong shop. Iyon ang resulta ng inisyal na imbestigasyon ng mga pulis.

He wanted to know who killed his father— but he couldn't ask the police to investigate further because he was worried they'd learn something about him. Hanggang maaari ay ayaw niyang may malamang katiting na impormasyon ang otoridad tungkol sa nakaraan niya. Nag-aalala siyang kapag nalaman ng Yllanas police na nagkaroon siya ng koneksyon sa isa sa malalaking gangs sa lungsod ay hulihin din siya at imbestigahan. Hindi pwedeng mangyari iyon dahil walang maiiwan sa pamilya niya— Eva's condition might get worse. At paano na lang ang mga anak nila?

Kahit mag-ingat siya ay hindi pa rin siya nakasisigurong ligtas na manatili siya sa Yllanas para sa imbestigasyon— lalo at pinag-hahahanap siya ng Nexus at Rage. Kaya pinili niyang bumalik na kaagad sa Canbera matapos maasikaso ang mga labi ng kaniyang ama at ni Haruki. Ang pag-aasikaso sa mga naiwang ari-arian ng ama niya ay inihabilin na muna niya sa abogado nito.

"Shin, anong oras kang makararating? Kailangan kong umuwi ngayong gabi dahil graduation ng anak ko bukas. Maaari ko bang iwan ang kambal sa ina nila?"

Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tinig ni Ana sa kabilang linya.

"No, please stay a little bit more, Ana. Kalahating oras pa bago ko marating ang Canbera," aniya rito. Naka-loudspeaker mode ang cellphone niya para madali sa kaniyang makipag-usap sa telepono habang nagmamaneho.

"Kung ganoon ay hihintayin ko hanggang sa makarating ka," sabi ni Ana. "Kalalabas ko lang sa silid ng kambal dahil ngayon pa lang nakatulog. Aba'y buong araw na may sumpong, hindi pumasok sa eskwela dahil wala ka."

Napabuntong-hininga siya. Tatlong araw at tatlong gabi siyang nanatili sa Yllanas upang asikasuhin ang lahat ng kailangan niyang asikasuhin bilang nag-iisang pamilya ng mga biktima.

Sa mga oras na iyon ay wala pa siyang planong gawin sa bahay ng ama— pero isa ang nasisiguro niya— hindi niya iuuwi roon ang pamilya niya. Kaya naisip niyang i-benta na lang iyon para tuluyan na siyang walang balikan sa Yllanas.

"Kumusta si Eva?" pagkuwa'y tanong niya sa matanda.

Si Ana ay napa-buntong hininga.

"Hindi talaga niya ini-inom ang mga tabletas niya, Shin. Nagagalit kapag pinipilit ko. Ang kambal ay ayaw na ring lumapit sa kaniya."

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon