CHAPTER 2

605 24 1
                                    

KEN'S POV

Nakakainis! Hindi ko talaga maalis sa isip ko yung inis ko sa pagkakabanggit ni Rhoniel sa babaeng yun. Nakaka-badtrip talaga.


Iniwan niya muna ako para makipagsayaw uli sa bago niyang nakilalang babae kaya tumango na lang ako dahil wala talaga ako sa mood ngayon.


"Hi." banggit ng isang boses ng babae at umupo sa tabi ko.


Tinignan ko lang siya at uminom na uli. Si Rita pala. Yung nakabunggo ko kanina malapit sa cr.



"Gusto mong sumayaw?" tanong niya at sinilip ang mukha ko.


"No." banggit ko at hindi na siya pinansin.



Wala akong panahon sa kaniya.

"Bakit ayaw mong sumayaw?" pangungulit na tanong niya.



"Will you please leave me alone?" inis kong banggit at kinuha ang baso na sinalinan ko ng alak.


Nagulat ako nung bigla niyang kunin iyon at inumin. Nakaramdam ako ng inis sa kaniya dahil sa ginawa niya.




Napakakulit niya at talagang naiinis na ko sa kaniya dahil kung anu-ano pang mga pinagsasasabi niya pero mukhang tuwang-tuwa pa siya na naiinis niya ko. Tss... Kakaiba talaga tong babaeng to.



"Bakla ka siguro noh?" banggit niya dahilan para mapatingin ako uli sa kaniya.




"What?!" inis kong banggit sa kaniya.



I don't give a d*mn sa mga taong kume-kwestiyon sa kasarian ko pero hindi ko alam kung bakit sobrang nainis ako nung banggitin niya yun.


"Sabi ko bakla ka siguro kasi ayaw mong makipagkaibigan sa babae tapos parang diring-diri ka sakin hahaha. Bakla ka siguro." natatawa pa niyang sabi na mas ikinainis ko talaga.



"Hindi ako bakla! Umalis ka na nga dito!" pagtataboy ko sa kaniya.


Ewan ko ba, hindi naman sa nakakainsulto pero gusto ko lang ipagdildilan sa kaniyang hindi ako bakla!



Nagsalin ako uli ng alak pero kinuha lang niya uli yun at ininom. Matindi din tong babaeng to dahil matapang yung alak na iniinom ko.



"Asus... Mamsh, huwag ka ng magkaila. Tanggap na naman ngayon sa lipunan ang mga katulad mo noh. In fact marami nga akong friends na part din ng LGBTQ+ Community... Pwede kitang ipakilala sa kanila, mars."



The f*ck talaga! Bakit ba ang kulit niya?! Sinabi na ngang hindi ako bakla eh! Grrr.



"Tumigil ka na. Hindi ka nakakatuwa! Sinabi nang hindi nga ako bakla eh." nangigigil ko nang bulong sa kaniya.



Ang sarap niyang saktan sa totoo lang dahil napipikon na talaga ko sa kaniya pero parang tuwang-tuwa pa siya sa pagkainis ko.


"Mamsh, hindi mo naman kailangang ikaila pa eh. Ako personally wala akong against sa mga ka-federacion. Kaya wag ka ng closeta mars. Gusto mo tulungan kitang mag-out?" banggit niya.




~ Argh!! Ken Chan think of something to make this girl shut her mouth bago mo pa siya masaktan sa inis mo!! ~ Kausap ko sa sarili ko.


"Isa pang pagpipilit mong bakla ako hahalikan na talaga kita." banta ko sa kaniya.




Sabi nila effective daw na pananakot yun sa mga babaeng tumutukso ng bakla sa isang lalaki, pero parang hindi tumalab sa kaniya ang banta ko at patuloy pa rin siyang nagsalita.


Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Where stories live. Discover now