Chapter 27

453 16 31
                                    

RITA'S POV


Napatingin ako sa cellphone ko nung bigla iyong tumunog. Ibinaba ko muna ang binabasa kong magazine para masagot iyon.







Galing kay Carie ang tawag kaya agad ko iyong sinagot.








"Hello, Carie, Bakit?" alala tanong ko.





(This is Fred, yung friend ni Carie. Pwede ka bang pumunta dito sa hospital?)








Nagulat ako sa sinabi niya.









"May nangyari ba sa kaniya?! Sige! Papunta na ko diyan!" banggit ko at pinatay na yung call bago mabilis na nag-ayos at pumunta na sa hospital kung saan nandoon si Carie.








Alam ko kung saan siyang hospital dinala dahil binanggit yun ni Carie sakin last time na magkausap kami sa chat.








Inabot ako ng 45 minutes bago nakarating sa hospital.. pero buti at accomodating ang mga nurse dito kaya nakita ko agad ang private room niya.








"Carie!" alala kong banggit at agad siyang pinuntahan.







Naka-dextrose na siya at may manipis na tube sa ilong niya. Malamang na para yun sa paghinga niya ng ayos.










"Rita." mahina niyang sabi at pilit na umupo.






Agad naman siyang tinulungan ni Fred at inadjust ang hospital bed niya.










"Anong nangyari sayo?" alala kong tanong.







Mas nakakaawa na ang itsura niya ngayon. Hindi ko maisip na makikita ko siya sa ganitong kalagayan.









"Mas humihina ang puso niya sa paglipas ng mga araw." banggit ni Fred para tignan ko siya.







"Wala pa rin ba siyang heart donor?" tanong ko.







"Sa lagay niya ngayon, kahit operasyon ay baka hindi na niya kayanin. Masyado nang mahina ang katawan niya para mag-undergo ng transplant." banggit niya dahilan para mapatakip ako ng bibig ko gamit ang kamay ko.








Ganun na kalala ang kalagayan niya? Ganun na kahina ang puso niya?






"Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa kaniya.





"Rita." banggit ni Carie at hinawakan ang kamay ko.







Napatingin ako sa kaniya. Umiling siya habang lumuluha.







"May taning na ang buhay ko." banggit niya na parang ikinahinto ng puso ko.






Hindi kami totally magkaibigan ni Carie pero isa ako sa mga piling tao na napagsasabihan niya ng sakit niya kaya hindi ko mapigilang maawa at maki-simpatya sa kaniya.







"Sigurado ba kayo? Baka naman may magagawa pa tayong paraan." banggit ko kay Fred.







"I'm sorry pero katawan na rin niya mismo ang kusang bumibigay at nanghihina, Rita. Mas ikapapahamak niya kapag inoperahan pa namin siya." banggit niya.






Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin