CHAPTER 46

613 25 16
                                    

RITA'S POV





"Mommy, I want an apple." banggit ni Kalvin habang sumusunod sakin.






Nandito kami ngayon sa Supermarket ng isang mall.





"Okay baby." banggit ko at tinulak na yung cart papunta sa fruit section.




Namimili na kami ng mansanas nung makaramdam na naman ako ng sakit ng ulo. Kaninang pagkagising ko pa talaga to. Naiinom ko na ng gamot kaya umokay na.. pero bumabalik na naman..





Napahawak ako ng mahigpit sa cart dahil feeling ko ay umiikot ang paningin ko.





"Mommy?" alalang banggit ni Kalvin.





Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Ken.. pero hindi ko na alam kung nasagot ba niya yun dahil bigla na lang nagblack-out ang paningin ko.





----------------------------------

KEN'S POV



Kapapasok ko lang sa office ko mula sa isang meeting nang biglang tumunog ang cellphone ko.





Napangiti ako nang makitang si Rita yun. Naisip kong lokohin ang babaeng to. Madalas kasi akong sungitan eh. Ang bilis mainis nitong mga nakaraan.. pero ang sweet-sweet naman kapag nakikita ko ng personal, hahaha.




Sakin na rin sila nakatira ni Kalvin.. kaya sobrang saya ko dahil sila ang una kong nakikita sa umaga at mga huling taong nakakasama ko sa gabi. Haaaaay.. Para ngang wala na kong hihilingin pa sa buhay namin ngayon..




Muli akong napatingin sa cellphone ko nung hindi pa pala tumitigil sa pagtunog yon.





"O, Ta.. namimiss mo ko noh?" tukso ko sa kaniya.




(Mommy!! Mommy!!)





Bigla akong kinabahan nang marinig ang iyak ni Kalvin.




Anong nangyari sa kanila??





"Kalvin?! Kalvin!!" banggit ko at agad na kinuha ang susi ko't mabilis na lumabas ng office.




(Hello, sir)






"Who's this?" tanong ko nung may sumagot ng cellphone ni Rita.






(I'm Julius Dela Cruz po, sir. Bagger po ako dito sa Supermarket ng ******* Mall. Asawa po ba kayo ng may-ari nitong phone? Nahimatay po kasi siya. Dadalhin po muna namin siya sa clinic nitong mall)






"Okay. Papunta na ko diyan. Pakiasikaso siya ng maayos, pati na rin ang anak namin." aniko at pinatay na yung call at pumasok na sa elevator.







Halos takbuhin ko ang parking area para lang makapunta agad sa kotse ko.





Mabilis akong nagmaneho para lang makapunta sa mall na tinukoy nung lalaki.






Pagpunta ko sa Supermarket ay agad akong nagpakilala sa mga tauhan doon para madala nila ko kung nasaan ang mag-ina ko.






"Daddy!!" umiiyak na tawag agad ni Kalvin nung makita ako.





Agad ko siyang binuhat nung makalapit siya sakin.






"Daddy, bigla na lang hindi gumising si mommy.." umiiyak niyang sabi.






Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon