CHAPTER 51

636 25 23
                                    

LESTER'S POV


"Masyado mo naman atang pinahirapan si Ken. Hindi niya mahahanap ang lugar na to sa isang oras lang. Kahit gaano kalaki ang koneksyon niya ay hinding-hindi niya mahahanap ang lugar na to sa ganoong kaikling oras." banggit ko. "Paano natin siya mapapahirapan?" tanong ko sa kaniya.






"Hmm.. sabagay.. May point ka dyan. Kailangan niyang makita kung paano natin sasaktan ang anak nila. Kailangan niyang malaman kung nasaan tayo." banggit niya kaya agad din niyang tinawagan uli si Ken.








Binanggit niya kung nasaan kami.. at nagbanta na papatayin si Kalvin kapag nagsama siya ng mga pulis.







"Papa Lester.. Anong oras po tayo uuwi kila mommy?" nakangiting tanong ni Kalvin sakin.








Nagulat ako nung bigla siyang hilahin ni Carie at umupo para magkapantay na sila.








"Hindi ka na uuwi sa inyo. Hindi mo na makakasama ang mommy't-daddy mo!" sigaw niya dahilan para umiyak si Kalvin. "Tumigil ka! Tumigil ka!!!" hiyaw niya at tinulak ang bata.








"Orlan!!" sigaw ni Carie at dumating naman ang lalaking tinukoy niya. "Itali mo na sa batang yan yung bomba!!"






"Carie!" banggit ko.






"Tigilan mo ko Lester huh! Ubos na ang pagtitimpi ko sa batang yan!!" galit niyang sabi. "Orlan.. make sure na itatali mo din ng ayos ang batang yan!! Busalan mo ang bibig para hindi makapag-ingay!! Pakakawalan mo lang siya kapag nandito na ang daddy niya!" sigaw niya.





"Yes ma'am." banggit niya at kinuha na ang bata't sinunod ang sinabi ni Carie.


--------------------------------

KEN'S POV

Nakahinga ko kahit papaano nung malaman ko kung saan dinala ni Carie ang anak ko.. Pero binalaan niya ko na papatayin ang anak ko kapag may kasama akong mga pulis.. Kaya mag-isa kong pumunta sa kinaroroonan nila ngayon.






Maaga pa ko ng 10 minutes mula sa pinag-usapan namin.






Pinaghahataw ako ng mga tauhan niya nung dumating ako sa lumang building na yun, at dinala ko sa loob nung makasigurado sila na wala akong kasamang mga pulis.






Inihagis nila ko sa isang parte ng building at umalis din para magbantay marahil sa bukana.








"Daddy!!!" dinig kong tawag ng anak ko kaya napatingin ako sa taas.








Nakita ko doon si Carie na hawak-hawak ang anak ko. May nakatutok na baril sa ulo niya at may nakapulupot na bomba sa katawan niya.









Halos hindi ako makahinga sa nakita kong itsura ng anak ko. Isang maling galaw ko ay tiyak akong mamamatay siya.








"C-Carie.. huwag ang anak ko.. Huwag mong idamay si Kalvin dito.." takot kong banggit na ikinatawa niya ng malakas.









"Aww... bakit parang ang bait-bait mo ngayon?! Hahaha." banggit niya at mas itinutok ang baril sa sentido ng anak ko.







"Daddy!!" sigaw niya habang umiiyak.






"Manahimik kang bata ka kung ayaw mong iputok ko na talaga to sayo!!!" gigil na gigil niyang sabi at mas diniinan ang baril sa sentido ng anak ko.







Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Where stories live. Discover now