Dear You

38 1 2
                                    

Hi!

Alam ko na isang pagkakamali ang mahalin ka, sa kadahilanang may mahal ka nang iba. Ayokong masaktan ang puso ko sa pagkakataong ito.Hindi maaring makaramdam ng ano mang matinding sakit pero hindi ko ito matuturuang hindi ka mahalin dahil ikaw ang sinisigaw nito.

Napakahirap ng sitwasyon ko sa ngayon dahil araw-araw ikaw ang nasa isip ko.Araw-araw ikaw ang bulang bibig ng mga kasama ko.

Gusto kitang kalimutan dahil nga napaka impossible na mahalin mo ako.

Pero papaano?Papaano ka hindi mahalin?

Alam ko at nararamdaman ko na kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin.

Pasyente,at katrabaho.

Pero masisisi mo ba ang puso ko kung biglang minahal kita?

Sana hayaan mo akong mahalin ka kahit may mahal ka nang iba.

Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako.

Ang gusto ko lang ay huwag mo sang ipagkait yung pagkakataon na maparamdam ko na mahal kita.

Sana kung maramdaman mo na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko sayo ay huwag mo akong layuan.

Huwag mo sana akong iwasan.Huwag mo sana iparamdam na ayaw mo sa akin.

Sana hayaan mo akong mahalin ka,tignan ka, pagmasdan ang iyong mga sa malayuan.

Kahit sa ganong paraan man lang ay mahawi ang lungkot na nararamdaman nitong puso ko pag naiisip ko na walang "chance" na mahalin mo din ako.

Oo, talo ako sa babaeng sinisigaw ng puso mo,
Oo,hindi ako kasing talino niya
Oo,hindi ako kasing sporty niya
Oo,hindi ako kasing sexy niya
Oo,hindi ako kasing ganda niya
Oo,hindi ako isang Doctor na tulad niya
At,Oo,hindi ako ang humahawak ng puso mo ngayon.

Pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita, walang kundisyon na hiniling mula sayo.

Hayaan mo lang sana akong mahalin ka kahit may mahal ka nang iba...

To be continued....

Dear My Endless LoveWhere stories live. Discover now