How to unlove you?

13 0 0
                                    

Hiii!!!

Sa totoo lang, araw-araw akong nananalangin na kung pwede sana ay mahalin mo din ako.

Alalm kong napakahibang ang isang gawain na hilingin sa Diyos na mahalin mo ako dahil napaka impossible.

Kahit na nadudurog ang puso ko habang iniisip na tayo ay walang pag-asa na magkatuluyan.

Tila may tumutusok sa aking puso, nakakaramdam ng pananakit na waring ako ay naiiyak.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Minsan naman kasi ay gusto ko na lang na mawala ka sa isip ko.

Hinihiling ko na sana isang araw ay hindi na kita naiisip,

Napapanaginipan,

Naaalala.

Dahil ang sakit, sobrang sakit na minsan ay napapaluha ako.

Alam mo ba?

Alam mo ba na walang araw at gabi na hindi kita naiisip?

Alam mo ba na tuwing pag-gising ko ay ikaw ang unang laman ng aking panalangin,

Na sa tuwing ako ay tutungo sa opisina, napaptingin ako sa bintana ng iyong klinika na nasa ikalawang palapag ng Health Office?

Na sa tuwing dadaan ako sa harapan ng inyong opisina ay nag-aasume ako na andyan ka sa naka upo, at ako ay iyong nakikita kaya ako naman itong si tanga ay umiiwas hangga't maari para hindi mo makita?

Na sa pagpatak ng alas singko ng hapon ay ako'y lumalabas ng dali-dali sa opisina , nagbabakasakali na ikaw ay makita din habang papasok sa iyong sasakyan upang umuwi na sa iyong tirahana?

Na sa tuwing nakikita ko ang iyong sasakyan ay lumalakas ang tibok ng aking puso, naninikip at tila may balahibong pilit na kinikiliti ito, na nag dudulot ng aking pag ngiti na hanggang tenga.

Na sa tuwing ikaw ay nakikita ako ay nakakaramdam ng init sa pisnge, nagpapawis na kasing laki ng butil ng palay, nanlalamig na tila may yebe sa aking paligid at nanginginig ang buo kong katawan na tila nininerbyos.

Na sa tuwing tayo ay nagkakasalubong ay gusto kong biglang mag invisible sa sobrang hiya.

Na sa tuwing tinutukso ako ng aking mga kasamahan sa iyo ay napapangiti ang aking mga labi hanggang tenga, nag sha-shine ang aking itim na itim na pupils at ngumingiti sa tuwa ang aking mga mata.

Hindi ko ma intindihan, dahil minsan gusto kitang makita, minsan naman ay tila may malaki kang kasalanang ginawa sa akin na gusto ko na lang na hindi ka makita at kalimutan ka ng tuluyan.

Hindi ko ma intindihan dahil ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng pag-ibig sa taong kakakilala ko pa lang.

Paano ka nga ba hindi mahalin?

Paano ka nga ba kalimutan?

Paano?

Para matapos na itong kahibangan at pangarap na gising ko.

How to unlove someone you love?

When my heart says that I love you but my mind wants to just forget you?

How?

Paano?

Magulo..

Hindi ko alam..

Hindi ko maintindihan..

Nakakabaliw...

Ito ba ang tinatawag nilang LOVE?

Ito pala ano?

Masarap siyang ramdamin pero masakit isipin.

Dahil alam ko na wala tayong pag-asa kahit akong pilit ko.

Hindi kita pwedeng hindi mahalin..

Ewan...

Dear My Endless LoveWhere stories live. Discover now