Sad Truth

8 1 0
                                    

Hi!!

Ayan feeling masaya maka say HI may pa tili pa ha?

Pero ang totoo niyan ay nasasaktan talaga ako deep inside.

Makikita mo akong naka ngiti palagi,tumatawa,bungis-ngis pero sa totoo lang sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Nasasaktan ako sa bagay na alam ko ay hindi naman akin.

Hindi ko pag-aari.

Alam mo ba kung ano yon?

Hindi?

Pwes sasabihin ko.

Ang puso mo.

Oo, hanggang ngayon umaasa pa din ako.

Umaasa na sana ay magkaroon ng puwang yang puso mo para sa akin kahit alam kong may nag mamayari na nyan.

Minsan kasi nakakalimutan ko na hindi ka na pala single.

Na may girlfriend ka na.

Minsan akala ko may pag-asa pa.

Na magustuhan mo din ako.

Habang tumatagal, lalo akong umaasa sa wala.

Sabi ng iba,okay lang na magka crush ako sa iyo, para may inspirasyon naman daw ako.

Sorry ha?

Hindi na kasi crush ito eh,Love na kasi ito.

Ewan ko ba kung bakit ako nahulog sa iyo.

Hindi ko naman kasi sinasadya.Kusa ko na lang naramdaman na mahal na pala kita.

Masakit pala ang katotohanan ano?

Ang katotohanan na hindi maaring magmahal ng dalawa ang isang tao.

Na walang puwang ang puso mo sa taong hindi mo pa lubos na kilala at nakakasama.

Alam ko, alam ko na hanggang kaibigan lang talaga tayo.

Alam ko na pagkakaibigan lang talaga ang ma-offer mo sa akin.

Yan lang at walang iba dahil mahal mo siya.

Hindi ko naman pipilitin na mahalin mo ako eh.

Kahit na gustung-gusto ko na mahalin mo din sana ako, pero hindi maari dahil ang pagmamahal ay hindi mapipilit.

Madami ang nagsasabi na trabahu-in daw kita, na may pag-asa pa.

Pero hindi naman ako disperada masyado para gawin iyon,though gusto ko ang idea na iyon hindi ko pa din magagawa.

Taliwas sa prinsipyo ko ang  gawaing iyon.

Gustong gusto kita alam mo ba yon?Kaso iba kasi ang laman ng puso mo.Yang ang isang masakit na katotohanan na pilit kong tatanggapin.Pero hindi muna sa ngayon.Maaring months or years.Balang araw matatanggap ko din na hindi tayo pwede.Kahit masakit,pipilitin kong kalimutan ka.Kahit masakit, pipilitin kong hindi ka na mahalin dahil patuloy akong nasasaktan pag pinipilit kong mahalin ka kahit may mahal ka nang iba.

Basta gusto ko lang malaman mo na mahal kita, mahal kita kahit may mahal ka nang iba.

Mahal kita higit pa sa pagmamahal na pinapakita niya.

Hindi ka man akin, pero gusto ko lang malaman mo na ikaw lang ang nilalaman ng puso ko,wala nang iba.

And ..

No matter how blandly you treat me,I can't stop loving you..

Dear My Endless LoveWhere stories live. Discover now