Confused

19 1 0
                                    

Hi!

Nalala ko, bago kita nakilala ng personal ay nagkita na pala tayo.

Nagkaroon ng konting salu-salo sa Munisipyo, isa tayo sa mga dumalo.

Nagtataka ako kung bakit may lalaking nakatingin sa akin na wari may sasabihin.

Nakatayo sa unahan ng pila,nag aantay sa turno niya.

Nakatitig sa kinakatayuan ko habang ako ay nakikipag usap sa midwife ng health center.

May hawak na plato habang nakatitig sa akin.

Kahit anong iwas ko sa titig mo, ako ay nagtataka kung sino nga ba ang tinititigan mo.

Sa sobrang ilang, nagtago ako sa likuran ng midwife , parang na confused ako.

Ako ba ang tinititigan mo?kung ako,ano kaya ang dapat na sasabihin mo?

Biglang namula ang mga pisnge ko,hindi maka lakad ng maayos, nagtataka kung may dumi ba ang mukha ko?

Nalilito

Iniisip ko kung sino ka, ang familiar kasi ng mukha mo.

May narinig akong tumawag sayo na Doctor pero d ko na matandaan ang iyong hitsura.

Ikaw nga ba yun?

Kung ikaw, bakit ka tumititig sa akin?

Ano ang ibig sabihin noon?

May sasabihin ka ba?

Ako ay nagtataka..

Ayoko magbigay ng kahulugan

Ngunit parang may sasabihin ka kasi..

Sana sa muli nating pagkikita,

Masasagot na ang mga katanungang nasa isip.

Sana tama ang aking hinala

Dahil nga ako ay nalilito

Nahijilo sa kakaisip kung ano ba ang iyong gustong ipahiwatig...

To be continued..

Dear My Endless LoveWhere stories live. Discover now