Effort

13 1 0
                                    

Hello!

Noong una,gusto lang talaga kita pasalamatan sa iyong tulong na binigay.

Pasasalamat sa buhay na dinugtong mo noong ako ay napalagay sa peligro.

Hindi ko alam ano ang gagawin,ano ba ang nararapat na sabihin para magpasalamat dahil hindi kita kilala at hindi pa tayo nagkita.

Naglakas loob akong mag abot ng food bilang pasasalamat sa iyo sa inyong opisina.

Hindi ako personal na tumungo doon kundi nanghingi ako ng tulong sa isang kakilala upang siya ang magbigay sa iyo ng food.

Kinabukasan nalaman ko na wala ka pala doon.

Yung mga kasamahan mo na lang ang kumain ng pinaabot ko.

At hindi mo man lang nalaman na nag bigay ako ng food.

Na dismaya ako.

Pero una, binalewala ko iyon kasi hindi naman kita kilala, at hindi tayo close kaya okay lang.

Umuwi ako sa amin,sinabi ko sa nanay ko na hindi mo na tanggap yung pagkain.

Sinabi niya na magbigay na lang daw ako ulit.

Naisip ko, bakit ako mag bibigay ulit e nakapagbigay na nga ako ngunit hindi mo lang natanggap dahil wala ka doon.

Nasa seminar ka daw kaya hindi mo natanggap.

Pagbalik mo trabaho,hindi pa rin nagkrus ang landas natin.

O sadyang hindi lang talaga kita kilala kaya hindi kita nakita.

Baka nag krus na ang landas natin ngunit hindi ko lang napansin.

Napakaliit ng mundo para hindi man lang tayo ng kaharap lalo na at ang ating opisina ay magkaharap lamang.

Hindi ko naman inaalala na kung kelan tayo magkikita dahil nga hindi kita kilala at hindi pa kita gusto noon.

Kaya ayos lang sa akin na di ka makita.

Ayos lang na hindi kita makita kahit na palagi akong bumibisita sa health center dahil parte iyon ng aking trabaho.

Hindi ko naisip na nasayang ang effort ko para lang mabigay ang regalo ko sayo.

Isang garapon ng cookies na binili ko sa JDs Bakeshop, nilagyang ng sticky notes na may nalasulat na...

"Thank you Doc"

Hindi mo man lang nabasa iyon.

To be continued...

Dear My Endless LoveWhere stories live. Discover now