7

29K 671 20
                                    


SI NICK ay sapo ang ulong bumangon at umupo sa carpet. Pilit niyang ipinipilig ang ulo sa sakit. 

Sinulyapan ang nakabukas na bintana. Palubog na ang araw.

Pagkatapos ay biglang may sumagi sa isip. Mabilis na tumayo at nilinga ang paligid. Ano ang nangyari? Niyuko niya ang sarili. His blue jeans unzipped. His briefs—ano ito?May brownish stain sa briefs niya?

Si Alaina! Napanaginipan niya ang dalaga. Napanaginipan nga ba niya o naroon talaga si Alaina?

Did he—did he—? Of course, he did! Nagtatalo ang isip na mabilis siyang lumabas ng library. Nagulat pa siya nang makitang nasa sitting room si Franco at nakatayo sa tabi ng bintana.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Gusto kitang makausap, Nick," sagot ni Franco na hinagod ng tingin ang anak. Gulo ang buhok. Nangingitim ang tumutubong balbas sa mukha. Unzipped and unsnapped jeans and naked from the waist up. "Some executive," matabang nitong sinabi.

"Nag-resign na ako mula sa kompanya bilang assistant vice president, Navarro. It's high time na harapin ko naman ang negosyong naiwan sa akin ni Jerome." Muli niyang sinapo ang tila mabibiyak na ulo.

Tumikhim si Franco. "Alam mo bang ito ang ikatlo o ikaapat na pagtuntong ko dito sa Villa Montaño?" Inikot nito ang paningin sa kabahayan. Hindi pinansin ang isinagot ng anak tungkol sa resignation.

"You seldom come down from your throne, Navarro," sarkastikong sagot niya. Lumakad patungo sa dining room. Nagbukas ng ref at kumuha ng malamig na tubig.

"I did now," ani Franco mula sa likod.

"Ano ang gusto mo?" baling niya sa matandang lalaki pagkatapos uminom mula sa pitsel. Pagkatapos ay unti-unting ibinuhos sa mukha ang natitirang laman. Napapailing si Franco.

"I need you."

"My resignation is irrevocable at..."

"Ako ang nangangailangan sa iyo, Nick," agap ni Franco. "Hindi ang kompanya."

"Too bad, Navarro," pailing niyang sagot. Nasa mga mata ang pagkasuklam. "Dahil hindi kita kailangan. Buong buhay ko'y nasa ilalim ako ng dikta ninyo ni Jerome..."

"Wala akong kinalaman sa paraan ng pagtrato ni Jerome sa iyo. You were under me because you were my employee."

"Huwag na nating pag-usapan iyan. It bores me." Pumanhik sa hagdan ang binata patungo sa sariling silid sa itaas. Kasunod pa rin si Franco.

"Ano ang gusto mong gawin ko, Nick? Lumuhod at humingi ng tawad?"

Tumaas ang kilay ni Nick sa sarcasm na nasa mukha. "Oh, no. Wala kang kasalanan. Sinabi ng Mama. The high and mighty Franco Navarro, laging acquitted sa lahat ng mga kasalanang ginawa dahil sa pag-ibig ng mga adoring females. How lucky can you get." puno ng panunuya ang tinig niya. Hinubad ang maong at briefs at humugot ng tuwalya mula sa closet.

"Shit, Nick! Pinahihirapan ako ni Bea at ganoon ka rin. Ano ba ang gusto ninyong gawin ko sa nangyari?" Tumaas ang boses nito.

"Nothing, Navarro," malamig at walang emosyong wika nito. "Just leave me alone." naroon ang finality sa tinig.

Mahabang katahimikan ang namagitan. Nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Unang nagbaba ng tingin si Franco at nagbuntong-hininga. Humakbang patungo sa pinto. Subalit lumingon bago tuluyang lumabas.

"Alam kong hindi mo pa matanggap nang madali ang lahat, Nick. Pero gusto kong malaman mong hinihintay ka namin and I'm so glad, real glad that you're my son." nanatiling hindi sumasagot si Nick at nakatitig lang. "Sa kabila ng ang alam ng lahat ay si Jerome ang ama mo, in my own ways, have I not loved you, son?" he added softly. Pagkatapos ay tuluyan nang lumabas.

Si Nick ay nagtuloy sa banyo. Binuksan ang shower at itinapat ang sarili. Sinisikap na alalahanin ang nangyari sa library.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon