16

32.6K 737 80
                                    


ISANG malalim na paghinga ang pinakawalan ni Alaina. Tinanggap siya ni Andrea nang walang pasubali.

At mula noon ay nagbago ang mga bagay sa buhay ni Alaina. Ipinasok siya ni Andrea sa isang kilalang unibersidad sa kabila ng kalagayan niya. Sa loob lang ng ilang buwan ay tuluyang natakpan ang dating Alaina. At sa loob din ng mga panahong iyon ay hindi iilang beses sumagi sa isip ng dalaga si Nick. The pain and the heartaches.

Ibinigay niya ang sarili sa isang lalaking ibang babae ang nasa isip while making love.to her. No. While he had sex with her.

Pinag-aralan niya ang mga kilos at pananalita ng isang sopistikadang babae. Hindi mahirap gawin. Ang inay niya'y pino at de-klaseng kumilos. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito makasalamuha ng mga tagaasyenda. Naiilang sa inay niya.

Alam niyang maaari silang magtagpo ni Nick Gascon. Subalit hindi niya alam na sa araw na iyon mangyayari. She was too busy with her thoughts na hindi niya narinig ang pagparada ng isang sasakyan.

Isang katok ang nagpabaling sa kanya sa pinto. "Bukas iyan, Helen," aniya sa katulong. Bumukas ang pinto at sumungaw si Nick.

"Alaina..."

"N-Nick..."

"Gusto kitang makausap.. Puwede ba akong pumasok?"Umilap ang mga mata niya bago nagsalita. "N-nasa loob ka na." she was trying to control the quiver in her voice. "Maupo ka." Umupo sa katabing sofa si Nick at halos magdikit ang mga tuhod nila. Gusto niyang lumipat ng ibang upuan kung hindi lang siya magmumukhang gaga.

"Kasama mo ba dito si Andrea?" Iginala ni Nick ang tingin sa buong kabahayan.

Umiling si Alaina. "I—occupied this place." hindi siya nagsisinungaling. "Bakit ka narito?"

"Bakit ka biglang nawala, Alaina?" tanong ng binata na ginagap ang kamay ng dalaga.

"I—I had an appointment." alam niyang hindi ang kanina ang ibig sabihin ni Nick kundi ang pag-alis niya sa Sto. Cristo more than a year ago. She tried to pull back her hand pero ikinulong ni Nick sa mga palad nito ang kamay niya.

She was trembling. Nararamdaman ng binata iyon. Her eyes wide in apprehension. And dear lord, she was so pretty that he wanted to kiss her right there and then.

"Alam mong ang tinutukoy ko ay bigla mo na lang pagkawala sa asyenda."She shrugged her shoulders trying to appear casual. "Siguro ay alam mo na ang tungkol sa tita Andrea." Sumulyap siya sa bahagyang nakabukas na pinto.

"Gusto kitang tanungin tungkol diyan pero hindi ngayon. Gusto kong malaman ang naging buhay mo sa nakalipas na isang taon. How have you been, Alaina?"

"Natitiyak kong may nasabi na sa iyo si Bernard tungkol sa akin." Itinaas niyang bahagya ang mukha. At gusto niyang isiping naninigas na ang mukha niya sa kapipilit na maging pormal at balewala ang presensiya ng binata.

"You've changed. You've changed a lot," he whispered huskily.

Isang di-totoong ngiti ang pinakawalan niya. "Of course. Fine clothes and Andrea's money." hindi niya gustong salubungin ang mapanuring titig nito.

She almost sighed her relief nang bitiwan ni Nick ang kamay niya pero muli ring pinigil ang paghinga nang ang baba niya ang hawakan ni Nick at itaas ang mukha niya.

"Hindi ka na ang dating dalagitang kilala ko. Oh, you're prettier, lovelier," pagkatapos ay hinagod ang katawan niya. "You've gain weight at the right places." She blushed but smiled at sinikap balewalain ang huling sinabi.

"I grow old..."

Hindi agad sumagot si Nick at tinitigan siya. "Yeah. Nakikita ko ang malaking pagbabago," nakangiting sinabi nito na may nais ipakahulugan.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon