11

29.2K 663 33
                                    


BISITA ni Nick si Sandra at naliligo sa swimming pool in her string black bikini nang dumating doon si Jenny. Patungo sa pool ang binata nang lumabas ng kotse niya ang dalaga.

"Jenny!" Umaliwalas ang mukha ni Nick pagkakita sa kapatid.

"Hi." Lumapit dito at humalik sa pisngi at ikinawit ang braso sa baywang ng binata. Pagkuway nilingon si Sandra na nasa gitna ng pool at naka-float. Nagsasalubong ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya. "Nakakaistorbo ba ako?"

"Of course not," mabilis na sagot ni Nick. Inabot ang robe at itinapis sa katawan. Inakbayan ang kapatid at dinala sa loob ng bahay. "May kailangan ka sa akin?"

"I just miss you," nakangiting sagot ng dalaga.

"Pinakakaba mo ako, brat," nakangising yuko ni Nick dito. Ang isang kamay ay dramatikong dinama ang dibdib. "Kabisado ko iyang dialogue na iyan. Noong huling sinabi mo sa amin ni Alvaro iyan ay may pinabugbog kang classmate na lalaki."

Natawa ang dalaga. "I really do, Nick. Honest. And I miss my mom, too."

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. "Bakit nasaan ang Tita Bea?"

"Nasa Alta Tierra ang Mama at hindi gustong umuwi, Nick."Huminga nang malalim si Nick. "Old habits are hard to die, ha, brat? I knew you were up to something..."

"Ikaw ang kondisyon na hinihingi ng Mama sa Papa, Nick," agap ng dalaga. "...para magbalik sa mansiyon. Lance wouldn't talk to Franco kahit sa phone hangga't hindi ka nakikipagsundo sa Papa. At malapit nang mahalata ang tiyan ni Kristine. Hindi gusto ni Alvaro na magpakasal sila hangga't hindi buo ang pamilya."

"This is ridiculous!" pagalit na sagot ni Nick. "Why are you making me feel guilty?" Hindi sumagot si Jenny at nakatitig lang sa kanya.

Isinuklay ni Nick sa basang buhok ang kamay. Lumakad patungo sa bar at nagsalin ng alak. He downed two swallows at nilingon si Jenny. Nakikiusap ang mga mata nito. May namumuong luha roon.

"You don't want us all to fall apart, do you, Nick?"

"Ano ang gusto mong gawin ko?" Naghahamon ang tinig niya.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero hindi ba natin maaaring kalimutan na ang lahat, Nick, please? We're family at naaapektuhan tayong lahat sa nangyayari. Kahit ang Papa. Na-confine siya ng tatlong araw dahil sa matinding tension at stress."

Nag-angat ng ulo si Nick doon. Nag-alis ng bara ng lalamunan. "How is he?" Hindi nito gustong lagyan ng concern ang tinig pero iyon ang lumabas.

Patakbong lumapit si Jenny sa kapatid at yumakap. "You don't' really hate him, do you? Oh, please, come back to us, Nick. You have always belonged to us sa kabila ng dalawang pamilya tayo. Ikaw at ang Tita Monica. Somehow, Tito Jerome was the outsider."

"Kumusta si—Navarro?" pormal nitong tanong.

Jenny smiled secretly. "Nasa bahay na siya. Hindi niya gustong ipaalam kahit sa Mama ang confinement niya sa ospital ng tatlong araw."

Huminga nang malalim si Nick at ginulo ang buhok ng kapatid. "Go home, brat. I'll send a radio message to Alta Tierra."

"Oh, Nick!" She tiptoed and planted a soft kiss on his lips. "Thank you! Ibabalita ko sa Papa. Then we can plan Alvaro and Kristine's wedding. Mag-o-overseas call ako kay Lance!"

Nangingiting inihatid ng binata ang kapatid hanggang sa kotse nito. "Don't race, brat."

"Ako pa?"

"Oh, yes. Ikaw pa," pagdiriin ni Nick sa ironic tone.

Nang isara ng boy ang gate ay bumalik sa pool si Nick. Nakapamaywang na nakatayo si Sandra na nakabihis na.

"I can't believe you're doing this to me, Nick," akusa nito. "Nandito ako and yet you entertained another woman!"

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Nick pagkatapos ay ngumiti. "Sandra, Jenny's my sister."

"Sister!" nanlaki ang mga mata ng dalaga na lalong nainis. "That's cheap, Nick. You could have thought of a more convincing alibi. Nag-iisang anak ka, Nick Gascon. And that woman is the Navarro princess!" asik nito quoting the press' reference to Jennifer.

"Right. And she's—" nahinto siya sa pagpapaliwanag. Wala nga palang nakakaalam sa lihim na iyon ng pamilya. Nang mangyari ang iskandalong barilan sa FNC ay ginamit ni Franco Navarro ang connection at pera para mapatahimik ang press at hindi lumabas sa peryodiko ang balita.

"A sister who kissed your lips at yakapin ka as if you're some kind of a hero," sarkastikong dagdag ni Sandra bago padabog na dinampot ang bag at lumakad patungo sa kotse nito.

"Sandra, wait—" gusto niyang habulin ito at paliwanagan pero paano nitong gagawin iyon nang hindi malalantad ang skeleton ng pamilya?

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon