Prologue

59 7 0
                                    

Prologue

"Crsytal umayos ka ng upo! Mamaya ka na matulog nandyan na si Miss Cruz!" hinawi 'ko ang kamay kung sino 'man yung nangangalabit sakin.

Kitang natutulog yung tao, mambubulabog, tsk!

"Crystal mukhang papunta sa'yo si Miss! Umayos ka na d'yan!"

Argh! "Ano ba Kyla-- M-Miss Cruz.." napatayo agad ako ng makita 'ko si Miss Cruz na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin. Natutulog lang naman ako e.

"Sy pang-ilang beses ka na bang nag lilinis ng comfort room?! Naparaming beses na dahil lang sa pagtulog mo sa klase ko! At hindi ka 'man lang nadala?! Now, clean the whole gymnasium--"

"B-But Miss!" sa gym pa naman nangyari yung party kagabi ng mga senior kaya paniguradong matatagalan ako sa pag lilinis dahil sa dami ng kalat 'dun.

"No more buts Sy." At tinalikuran na lang ako. Great Crystal!

Inirapan 'ko na lang si Kyla ng makitang tinatawan n'ya ako.

Err! Kaibigan 'ko ba talaga 'yun? argh!

Dumiretso na lang ako sa pinto at nilisan 'ko na ang lugar.

_____

Pag-dating 'ko ng gym samut-saring basura ang nakita 'ko. Ang yaman ng school na 'to tapos wala 'man lang janitor?

Inuna 'ko ang mga mono blocks na nag kalat at sinunod 'ko na rin 'yung mga nagkalat na basura.

Nag mmop na ako ng bigla bumukas 'yung pinto at nagsi-pasukan cheerleader at basketball player.

Syempre bago sila tuluyan makapasok at makita ako, agad akong nag tago sa mga mono blocks.

Nakita 'ko si Marcus-- ang future boyfriend at kung pwede na rin ay future husband 'ko. Pinag papantasyahan 'ko pa si Marcus ng makita 'kong si Belle-- na isang cheerleader na todo kapit sa braso ni Marcus.

Bwisit na babae 'yun inaagaw ang Marcus 'ko!

Nag simula na sila Marcus mag laro. Hindi maitatangging captain s'ya ng team nila sa galing n'ya mag laro. Habang nakatitigtig ako kay Marcus bigla nalaglag ang hawak 'kong mop at lumikha 'yun ng ingay.

Biglang napatingin sa gawi 'ko si Marcus at pati yung iba kaya yumuko ako para hindi nila ako makita.

Yari na! Paano kapag nakita nila ako? Anong sasabihin ko kay Marcus? God please 'wag naman sana akong makita dito.

Nagulat ako ng biglang pumito ang coach nila. Buti naman at bumalik na sila sa pag papractice.

Habang pinagmamasdan 'kong mag laro si Marcus hindi 'ko namalayan na nakatulog ako dala ng pagod 'ko.

_____

Nang magising ako, tinignan 'ko agad ang wristwatch 'ko at 4:32 p.m. na. Ang bilis naman ng oras. Wala ng katao-tao ng mapansin 'ko yung isang bag sa bench.

Kanino naman kaya 'to? Syempre curious ako kaya kinuha 'ko ang bag at binuksan.

Mga damit at tumblr lang ang laman at nakita 'ko yung isang jersey at, "Kay Marcus 'to! Bakit naman n'ya iniwan dito?" nilabas 'ko yung jersey at inamoy. "Amoy na amoy ni Marcus! Ang bango.." ang bango talaga! ang bango naman ng pawis n'ya--

"What are you doing Crystal?"

Nanlaki ang mga mata 'ko at napalingon sa likod ko.

Shit! Si Marcus!

Bigla n'yang hinablot sakin ang jersey n'ya. Inaamoy 'ko pa e, badtrip!

"Bakit mo inaamoy 'tong jersey 'ko? Pwede namang ako na lang amoyin mo." he grinned.

In Love with a HeartbreakerWhere stories live. Discover now