Chapter 01

37 6 0
                                    


Chapter 01

Napa-upo ako ng muntik na akong bungguin ng kotse na 'to. Bwisit! Ang sakit ng pwet 'ko!

"A-Aray.." dahan-dahan akong tumayo habang hawak 'ko pa rin 'yung pwetan 'ko.

Nakita 'ko ring may gasgas ang braso at hita 'ko.

Pinulot 'ko ang cellphone 'ko at kitang lalo s'yang nabasag. At ayaw na ring mag-on. Pinagka-ingat-ingat 'ko pa naman 'to kasi hindi pa naman agad ako bibilhan ni Kuya ng cellphone.

Kita sa peripheral vision 'ko na lumabas na 'yung bwisit na driver. Inis 'kong nilingon ang pwesto n'ya pero napalitan agad 'yun ng gulat ng makilala 'ko kung sino 'yun.

Si Ivo slash heartbreaker.

Nilapitan n'ya ako at kaysa mag sorry, iba ang sinabi n'ya. "I need your help,"

"Hindi ka 'man lang nag sorry! Muntik mo na akong patayin ta's hindi ka mag ssorry?! Ang sakit ng pwet 'ko! At anong 'I need your help' ang pinag sasabi mo?!"

Napa-pikit ako ng maramdaman 'kong kumikirot talaga sa sakit 'yung pwet 'ko. Argh! Paano na ako makaka-uwi neto!

"Please I just need your help." napaigtad ako ng hawakan n'ya ang braso 'ko. "Take me away from that chubby and crazy girl." Lumingon pa s'ya kotse n'ya kaya lumingon rin ako.

May naka-upo 'dun sa passenger seat na matabang babae at ng makitang lumingon kami ngumiti pa ang gaga at mukhang nag papacute pa. Kadiri.

Paano nag kasya ang balyena sa kotse?

Binalik 'ko ang tingin 'ko kay Ivo na mukhang diring-diri habang nakatingin 'dun sa balyenang nag papacute pa rin sa kan'ya.

"Ngayon 'ko lang nalaman na isa din sa type mo ang mga balyena--"

Kita 'kong inis na inis at diring-diri s'yang tumingin sa'kin. "What the?! Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo?! Baka nga 'yan pa pumatay sa'kin, simpleng yakap lang hindi na ako makahinga! Tss."

"Bahala ka d'yan, uuwi na ako." tumalikod na ako sa kan'ya at paika-ikang nag lakad. Ang sakit talaga ng pwet 'ko at kung pwede lang titirisin 'ko 'tong Ivo na 'to e.

Pero bago pa ako makalayo hinablot na ng bwisit na mokong na Ivo na 'to ang braso 'ko.

"Please Miss, if you want I'll paid you.. j-just pretend that you're my girlfriend," parang luluhod pa s'ya basta mapalayo lang s'ya 'dun sa balyenang 'yun.

Kaya bago pa s'ya lumuhod, "Palitan mo 'tong cellphone 'ko ng bago." sabi 'ko at pinakita pa sa kan'ya ang basag-basag 'kong cellphone.

"Sure, basta mag panggap ka lang na girlfriend 'ko para umalis na 'yang babaeng 'yan." panay tango pa s'ya.

Ika-ika ako ng lumakad na kami palapit ng kotse n'ya. Nagulat pa ako ng hawakan n'ya pa ako sa baywang pero hindi 'ko na lang pinahalata hanggang sa makalapit kami sa kotse n'ya.

Binuksan n'ya ang passenger seat at kitang-kita 'ko na ang balyena. Lumabas s'ya at taas-noo pang tumingin sa'kin.

"Who are you? Babe, who's that girl?" galit na galit s'yang tumingin sa'kin kaya galit rin akong tumingin sa kan'ya. Aba papatalo ba ako? Syempre hindi 'no.

"Me? I'm his girlfriend," nginisian 'ko pa s'ya at nilingon 'ko pa si Ivo na nakatingin sa'kin.

Tumingin s'ya kay Ivo na parang hindi naniniwala. "No, you can't do this to me Ivo. You said you loved me.." parang naiiyak na s'ya.

"I never said that!"

Siniko 'ko si Ivo ng bigla tumingin ang balyena sa'kin at sinamaan pa ako ng tingin at ngumisi. Baliw nga, "Oh I knew, she's your playtoy right dear?"

In Love with a HeartbreakerWhere stories live. Discover now