Chapter 03

27 7 0
                                    


Chapter 03

'Thank you pa rin sa phone. Kahit may kasalanan ka din sakin - Crystal.'

'Yun lang ang sinend 'kong message sa kanya kagabi, wala rin namang reply mula kagabi kahit ngayon.

Pagkagising ko wala na si Kuya, mukhang maaga s'yang pumasok kaya mag tatricycle na lang ako.

Paglabas 'ko ng gate, kaysa tricycle ang bumungad sakin, kotse at isang perperktong lalaki ang nasa harapan ko.

"Sabay na tayo." at dahil hindi naman ako makakatanggi tumango na lang ako at pumasok sa passenger seat.

"Did you eat your breakfast? You want to go the restaurant? We still have time to eat hindi naman tayo malelate." sunod-sunod nyang tanong.

Hindi ako makapaniwalang sinundo nya pa talaga ako! "Ah no, I'm full pa naman." he just nodded.

Nang makarating na kami nakita ko agad na maraming tao sa parking lot kaya agad akong tumingin kay Marcus.

"Ang daming tao sa labas oh, paano tayo makakababa? Hindi naman pwedeng makita tayong mag kasama."

Tumingin na rin s'ya sa labas at mukhang nag iisip s'ya ng paraan. "Sa likod na lang, dun kita ibababa." i agreed.

Pagkababa ko nag paalam sya sakin at umalis na. Umakyat na ako sa floor namin.

Napatingin ako sa phone na hawak ko ng mag vibrate to.

Nakita ko ang isang message ni Ivo.

'After your third subject, let's meet.'

'Where?'

Natapilok pa ako sa hagdan habang nag tatype. Bobo ko ah.

'Library'

Bakit sa library? Bahala na nga lang.

'Okay'

Pag pasok ko sa classroom, Napakatinis na boses ni Kyla ang agad na sumalubong sakin.

"Crystal! Crystal!"

Niyugyog n'ya pa ako bago hinila sa upuan namin.

"Ano ba 'yun? Bakit ka ganyan mkareact?" i put down my bag. Mukhang excited na excited s'ya sa sasabihin n'ya sakin.

"Ayun nga girl! Yung kadate ko kahapon, may guy s'yang kasama and guess what? Ang gwapo nung guy!" aish akala ko naman kung anong meron, nakakita lang pala ng gwapo.

"Akala ko naman kung ano." she rolled her eyes.

"God Crystal! Gwapo nga tapos nahuhuli ko rin syang tumitingin sakin kahit nasa ibang table sya!"

"Baka sa likod mo talaga nakatingin."

"Hindi e, Nung nahuli ko nga s'yang nakatingin sakin bigla s'yang umiwas! Ako nga 'yun! "

"Baka curious lang sayo." tamad akong tumingin sa phone ko.

May text kay Kuya at Marcus. Una kong binasa 'yung kay Kuya.

'Tomorrow pa ako makakauwi, don't skip your meals and go home before 7pm okay?'

'Okay take care.' i replied.

Napangiti naman ako sa sunod na nabasa ko. 'I'm sorry hindi kita nahatid sa classroom n'yo.' si Marcus. Nag reply lang ako ng 'it's okay;)'.

"Ang kj mo no! Hindi porque nag date na kayo ni Marcus ganyan ka na." padabog n'ya pang binaba ang bag n'ya.

Tumawa ako. "'Di ka naman mabiro! Syempre type ka nun kaya tumitingin sayo. Ang ganda ganda ng friend ko, hindi pwedeng di ka type nun."

She tried to hide her smile. "Ayun nga e, siguro like n'ya ako no? The way he stare naman kasi halatang like nya ako."

In Love with a HeartbreakerWhere stories live. Discover now