Chapter 04

31 6 0
                                    


Chapter 04

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ayaw 'ko ng tahimik.

At syempre ako na ang bumagsam sa katahimikan. "Thank you pala sa phone."

"Thank you din. Kung hindi dahil sayo baka hindi ako tinantanan nung matabang yun." sabi nya

Natawa ako sa sinabi n'ya. "Okay na yun basta ilibre mo ako ah!" i said and he just smirked.

Nagpatugtog lang sya habang bumabyahe kami. Medyo lumalayo na kami sa school.

"I need somebody who can love me at my worst,
No, I'm not perfect, but I hope you see my worth."

I heared him singing! "Wow! Ivo ah,"

He laughed at my reaction. Tinuloy nya lang ang pag kanta.

"'Cause it's only you, nobody new, I put you first,
And for you, girl, I swear I'll do the worst."

Libang na libang ako sa kanya hanggang sa makarating na kami sa isang fast food chain.

Nilibre nya nga ako tulad ng sabi nya kanina.

Puro pang aasar lang ang inabot ko nung kasabay ko sya kumain kaya kesa maenjoy 'ko yung pagkain nabadtrip lang ako.

Bwisit talaga 'tong Ivo na 'to! Konti na lang talaga sasapakin na kita!

Hindi nag tagal ay bumalik na rin kami agad sa school dahil late na kami sa susunod na subject.

Sa likod ulit kami ng school dumaan, patakbo na akong pumasok sa gate pero sya chill lang na nag lalakad.

Lumingon ako sa kanya. "Ano ba?! Bilisan mo late ka na rin sa subject nyo!" parang hindi nya ako naririnig kasi patuloy lang syang nag lalakad at hindi man lang nag mamadali.

"Bahala ka nga dyan!" tumakbo na ako papunta building namin.

Kampanteng-kampante yung Ivo'ng yun e late na nga tapos ang layo pa ng building ng mga senior kaya paniguradong late na makakapunta yun.

Argh! Bakit ko pa ba iniisip yun?! Bahala sya kung malate sya!

Hingal na hingal ako pag kaharap ko ng room namin.

Pag dungaw ko wala pa namang teacher! Wala pa palang teacher tumakbo pa ako!

"Oh Crystal bakit ngayon ka lang?"

I smiled at Kyla kahit habol 'ko pa ang hininga ko sa sobrang hingal.

"Hindi naman ako late e, wala pa nga si Sir."

Akala ko talaga mallate na ako! Lumingon ako sa hallway baka kasi nadyan na rin yung prof namin. Mukhang yung prof pa namin yung late ah.

"Huh? Anong hindi late, e dumating na si Sir kanina pa. Nag announce lang syang walang klase."

Gulat akong napatingin kay Kyla. "H-Huh? pero hindi naman nagpa attendance si Sir diba?" sana hindi pa!

"Nag attendance na. Absent ka nga e,"

Halos mapaupo ako sa hamba ng pintuan. Gusto kong mag wala! Eto na ba yung magdudusa pagkatapos ng saya?!

_____

Tapos na ang panghuling subject namin at nakalambitin na naman sakin si Kyla habang naglalakad na kami palabas ng school.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sakin kung bakit ka nalate kanina ha?" sinulyapan ko sya.

"Ayaw ko nga."

She crossed her arms. "What?! Anong ayaw mo na naman Crystal? You need to tell me why diba?! That's what friends shoud do!"

In Love with a HeartbreakerWhere stories live. Discover now