Prologue

10.8K 294 17
                                    


PROLOGUE:

"DUDE ANO NA, ikaw na lang hinihintay namin. Ano, Baguio tayo. Sarap makiparty sa Panagbenga festival nito.." tuwang sad ni Zion.

"Yes total may three days vacation tayo after this magiging busy na tayo sa kaniya kaniya nating thesis. Sige na dude!" Pilit naman ni Zach.

Tumawa si Travis. "Kailan pa umayaw iyan sa mga party. Di ba nga, sa ating lahat iyan ang pinakakalat!" Anito sabay akbay sa kanila.

"Sorry guys pero pupunta ako ng Mindoro." Turan sa mga ito.

"Mindoro?" Lahat ay turan.

"Yes Mindoro...don't tell me ngayon niyo lang narinig ang lugar na iyan." Birong turan sa mga ito.

"Well, we just curious why your going to Mindoro?" Bawi ni Zach.

"Fred sister is getting married. Fred invited me.." simpleng turan sa mga ito.

"Wow! So pinagpapalit mo na kami kay Fred?" Tampo ni Travis.

"Nope, just happen na i-commit to him first. Dude, sorry. Next time kahit saan niyo ako yayain game ako. But this one, sorry." Aniya sa mga ito.

Ayaw niya kasi iyong tipong naka-oo siya sa iba tapos babawiin din. Mabuti na iyong tumanggi sa mga susunod na offer keysa bumalinsa kaniyang commitment.

"Okay.." turan na lamang ng mga ito.

Gabi ng sabado ay nagbiyahe na sila ni Fred kasama pa ang dalawa nilang kaklase. Sila kasing magkakaibigan ay iba't-iba ang kursong kinuha at may iba't-iba rin silang circle of friend sa loob ng unibersidad pero at the end of the day. They make sure na nagkikita-kita naman sila.

"Yeahhhh...ang ganda pala dito sa inyo bro.." turan kay Fred.

"Mabuti naman at nagustuhan mo. Naku, kapag nakarating ka sa amin. Mas magugustuhan mo pa.." sabad nito nang makababa sila sa pantalan ng barko.

Nang sumakay naman sila ng maliit na bangka papunta sa isla ng mga ito ay namangha nga siya. Napakaganda ng tanawin, malayong-malayo sa Maynila. Tumayo siya at dumipa. "Yess...this is lifeeee.." sigaw niya na nagtawanan ang iba pang kasama.

Ngayon lang siya kasi medyo nakalayo sa Maynila kaya natuwa siya.

HALOS HINDI makayanan ni Carie na makitang naghihinagpis ang ina at mas lalong nanlulumo habang nakatanaw sa amang nakaratay sa ospital bed at samu't saring aparatus ang nakakabit rito.

"Mahal, ano ba ito. Lahat na ng naipundar natin ay ubos na. Ang lupa natin sa bukid ay nabinta na, ang bahay natin ay nakasanla na. Ang kalabaw natin ay ubos na. Maging ang matagal nating inipon para sa pag-aaral ni Carie sa kolehiyo ay wala na. Hindi ko na alam mahal, hirap na hirap na ako." Hinagpis ng ina habang nasa maliit silang silid ng ama sa ospital na iyon.

Patakbong lumabas si Carie habang hilam ng luha ang mata. Kinausap na kasi sila ng doktor at kinakailangan na talaga nilang isailalim sa operasyon upang matanggal ang bara sa ugat sa puso nito dahilan upang mahirapan ang utak nito na mag-function.

Nang makalabas ng ospital ay iyak siya ng iyak. Hanggang sa mag-vibrate noon ang cellphone niya. Agad na sinagot iyon at ang best friend na si Sofia.

"Hello friend, dumating na si kuya at may tatlong hunk ma kasama. Ayyyy....kakakilig. Ang guguwapo girl.." tili nito. Ngunit hindi siya kinilig o na-excite man lang kahit pa matagal na siyang may crush kuya nito dahil bukod sa guwapo ito. Weird lang itong manamit at pinangatawanan pa ang pagkakaroon ng salamin sa mata pero matalino ito. Bagay na nagustuhan rito kahit limang taon pa ang agwat nila.

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon