Chapter 3:

6.1K 214 15
                                    




KINABUKASAN ay maagang pumasok si Carissa. Kailangan kasi niyang ayusin pa ang ilang papeles na naiwan niya kahapon. Bago pa may makakita ay kailangan na niyang idespatsa ang mga iyon total ay maayos na niyang nailagay sa data nila ang dummy account ng bawat bogus transaction.

Saktong bubuksan pa lang ng kanilang sekyu ang main gate nila at batid na siya ang una. "Hello po manong.." magalang na bati sa sekyu na si Mang Walter.

Ngumiti naman ito saka kumaway. "Good morning po ma'am.."

Nang makapasok ay mabilis na tinungo ang kaniyang mesa. Nagulat pa siya nang makitang may janitor na naglilinis. Agad na tinungo ang mesa. Napahawak pa siya sa dibdib nang makitang naroroon p rin ang mga papeles.

"Pssst! Psssst!" Sitsit sa janitor na naroroon.

Abala si Travis sa pagkolekta ng basura sa mga basurahan ng bawat desk. Iyon kasi ang sinabi ng kasamang gawin dahil tapos na raw ang mga itong maglinis. Sinabihan pa siyang bilisan niya dahil maya-maya lang ay darating na raw ang mga trabahador.

Mabilis naman siya at dalawang desk na lang ay matatapos siya nang maya-maya ay may sumitsit sa kaniya. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan noon at nakita ang babaeng abala na tila ba may hinuhugot sa ilalim ng desk. Lalapitan na sana ito nang biglang mahulog sa kinauupuan.

Abalang-abala si Carissa sa paghugot ng ilang papeles na nakasiksik sa ilalim ng desk upang itapon nang bigla gumulong ang gulong ng kaniyang swivel chair at malaglag siya doon.

"Anak ng tukwa..." gilalas na turan saka hawak ang ulong tumayo.

"Misss...." turan ni Tristan. Paglingon ng babaeng sumitsit sa kaniya ay tila namukhaan ito. Ito ang babaeng nakita kahapon sa convenient store.

Nabigla si Carissa ng makitang guwapo ang janitor na nasa harap. Hindi alam kung naghahaluccinate pa siya dahil nauntog siya o talagang guwapo talaga ito. Kinusot pa ang mata upang malinawan kung namamalikmata lang ba pero naroroon talaga ang lalaki.

"Okay ka lang ba ma'am?" Turan nito nang mapansing tila nawala sa huwisyo.

"Ah...oo. Pwede bang pakilagay na lang sa basura ito." Aniya sa mga nagkalat na papeles sa ibabaw ng mesa. Siguro naman ay hindi ito marunong tumingin sa mga nakasulat roon. Bumukol pa yata kasi ang nauntog na ulo.

Nagtungo tuloy siya sa pantry upang tignan kung may yelo sa ref doon. Upang hindi mahalatang may bukol siya.

Hahabulin pa sana ni Tristan ang babae ngunit bigla siyang tinawag ng kasamang janitor. Agad na hinakot ang papeles sa ibabaw ng mesa nito hanggang mapansin ang larawang nasa ibabaw ng mesa ito. Nakasulat kasi roon ang pangalang Carissa Marie. Napangiti siya. Maaaring iyon ang pangalan ng babae.

"Bilisan mo. Hindi ka pa ba tapos brod! Turan nito.

"Matatapos na, nagpatulong kasi si Miss Ganda sa kalat niya." Dahilan rito.

Mabuti at tinulungan na siya nito sa dalawang natitira. Saka agad silang umalis. Nang papunta na sila sa may recycling bin nila upang ilagay ang mga papel ay naalala ang papeles na kinakot sa ibabaw ng lamesa ng babae. Hindi alam kung bakit siya na-curious dito.

'Sabihin ko nagandahan ka. Type mo noh.' Tudyo ng isipan.

Naiiling iling na lamang siya saka hinanap kung saan ba sa dalawang plastic na hawak na lagay. Binulatlat iyon at ilang papeles ang pumukaw ng kaniyang atensyon. Napakuyom siya ng kamao ng makita ang nakasulat roon. Nagpapatunay na may anomalya sa loob ng kanilang opisina.

Napamaang siya kung siya nga ba ang gumagawa ng kabulastugan sa negosyo niya pero wala sa hitsura nito ang gumawa ng ganoon. Kinalkal pa niya iyon at kinuha ang ilang detalye.

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic TycoonWhere stories live. Discover now