Chapter 2:

6.4K 227 14
                                    



KAHIT PAPAANO ay naginhawaan siya sa stroke na ginawa ni Manang Goring sa likod niya. Nabigla yata ang katawan dahil sa mabibigat na trabaho sa pantalan.

"Hoy Lilay, makatili ka akala mo ginagahasa ko itong amo mo." Banat ni Manang Goring na umalis na sa ibabaw ni Tristan. "Mukhang, may napilipit na ugat sa likod mo hijo. Hopefully ay maayos na." Turan nito.

Napabangon si Tristan. Kahit papaano ay naginhawaan siya. Sa huling ginawa kasi ni manang Goring na stroke sa likod ay tila nagkalasan ang mga mucles tension sa likod.

"Pasensiya na po senyora, senyor...akala ko kasi ano ginagawa ni manang Goring." Hinging pasensiya ni Lilay nang makitang wala naman silang ibang ginagawa.

"Iskandalosa ka talaga.." sikmat ng isa pa nilang kasambahay kay Lilay nang makalabas na ito ng silid ni Tristan.

"Oh ano anak, di ba. Maayos magmasahe itong si Goring." Pagmamalaki pa ng ina. Tumango siya dahil totoo namang medyo gumaan ang pakiramdam. Bakas sa susunod na niya gawin ang pumunta naman sa outgoing shipment nila. Kailangan niyang ipahinga ang nabiglang katawan.

Nang matapos ng masahe session nila with manang Goring ay nagpahinga na siya at nag-ayos para makababa para sa hapunan ngunit nabigla siya ng makitang tila napakaraming pagkain ang nakahain.

"Happy fiesta kuya.." masiglang bati ni Lilay. Kunot noo siyang tumingin rito.

"Anong meron?" maang na turan sabay pulot sa egg roll nang may nagsalita.

"You didn't changed. You can't wait for everyone to be on the table?" Turan ng tinig.

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig at ganoon na lamang ang gulat ng makita roon ang ate niya.

"Ate!" Gulat rito. "Kailan ka umuwi. Kasama mo ba ang mga pamangkin ko?" Sunod-sunod na tanong rito. Naka-base na kasi ito sa London kasama ang asawa nitong Briton.

"Yes, nasa sala. Kararating lang namin. Sabi ni mommy ay nagpapahinga kanina when we arrived kaya hindi ka na namin ginambala. Mom told me that you're doing a bit of undercover mission?" Ngisi nito. Marahil ay nakuwento na rin ng ina ang nangyari kanina.

"Well, I learned a lot from my people. So far, hindi ko pa nahahanap ang culprit pero okay lang kasi first day pa pang naman." Turan dito.

"Good, glad your doing good in your career but I'm waiting for you to settle down. Gosh, ilang taon ka na ba?" Pagtatanong nito as if hindi nito alam. Halos eleven months lang kasi ang agwat nila. Nabuntis agad ang mama nila ng maipanganak ang ate niya.

"Well—."

"Hep! Don't tell me sasabihin mo na namang lalaki ka and its fine. Come on....baka kapag nagkaanak ka eh parang apo mo na." Tawa nito.

"Grabe naman sa apo.." aniya rito.

"Well, kung hindi mo bibilisan. My eldest is ten years old see and we're just a year apart." Giit pa rin nito.

Maya-maya ay dumating na ang magulang kasama ang mga pamangkin niya. "Hey uncle. Wazzzup!" Turan ng pamangkin na si Steven. Pitong taong gulang ito habang ang ate nitong si Samantha ay sampung taong gulang.

Napapailing siya. "Hey man, how are you doing.." turan dito. Iba talaga ang bata kapag laking abroad lalo na sa pag-uugali.

"Anong pinag-uusapan niyong magkapatid at mukhang seryoso kayo." Turan ng ina.

"Ma, just remind him to settle down soon if he don't like his son call him grandpa." Turan ng kapatid na iniglish talaga para maintindihan ng mga anak.

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon