Chapter 1:

7.6K 246 22
                                    



"WHAT DO YOU THINK about my outfit?" Tanong kay Travis na noon ay nasa opisina niya. Napakunot noo ito saka sinapo ang ulo. "Hey...this is my undercover outfit of the day." Tawang dagdag rito nang makita ang pag-iling ng kaibigan.

Sa sinabi ay natawa si Travis. "So, are you going to take that serious?" Susog nito.

"Yeah," aniya sabay turo rito. "I badly needed it! Wanna find who is cheating me.." aniya sabay kindat dito. Saka tinaas ang braso upang umusli ang mga muscles niya dahilan para mapatawa muli ang kaibigan.

"Oh alright...mukha ka nang kargador...so, how you gonna start your undercover boss thing?" Tawa nito.

"I told you...today and I start it on the port." Aniya saka umupo sa harap ng desk niya. Pinasadahan ang lahat ng papers na naroroon. Isa lang naman kasi ang nagsasabi kung nasaan ang anomalya at sa cargo shipment. He did his paper trail investigation. Sa lahat ng negosyo ay maayos. Maliban sa cargo shipment. He talked to the bureau of costume and looked at their records regarding to his business shipment ay may nakikita siyang anomalya. Masyadong malinis ang pagkakagawa kung sinuman ang gumagawa noon sa kaniya.

Mabuti at agad siyang inabisuhan ng operating manager dahil sa ilang nawawalang pera.

Yes, he is not losing millions yet pero hihintayin pa bang maging milyon ang mawala bago umaksyon.

"Ikaw, wala ka bang balak?" Balik tanong kay Travis.

Tumawa ito. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito kaya sumaludo na lang siya rito. "Goodluck to you undercover mission. Agent Tristan.." buska nito.

"Thanks my dear friend.." sabad na kinatawa nilang dalawa. Nang mawala ito ay agad na inaral ang ilang papeles para alam kung saan siya magsisimula.

"Mali yata itong outfit of the day ko. Dapat janitor muna. I think, I should start in the office. Magmamasid-masid at makikinig baka kasi may mag-uusap na empliyado. Batid niyang hindi iisa ang may gawa nito sa kaniyang kompaniya dahil sa linis ng pagkakagawa and worst kapag isang sindikato ang gumagawa noon gamit ang kaniyang negosyo.

Napakuyom ang kamao niya. He can't lose his reputation in logistic business kung hindi ay babagsak siya kasama ng lahat ng pinundar.

Ininat-inat ang leeg saka nagpasyang ituloy na muna ang pagpunta sa port upang magmasid doon. Tutal ay suot na niya ang pinaghirapang gawin ng pamangkin ng kasambahay nila na damit. Well, lumang tshirt lang naman niya iyon na tinanggalan manggas. Tinuruan din siya nito paano umayos bilang cargador.

Agad na sumakay ng sasakyan pero nang paandarin na ito ay naalalang may kargador bang naka-BMW. Agad siyang bumaba at napamaywang. Nag-iisip kung papaano makakarating sa pupuntahan. 'Sumakay ng taxi, alangan namang lumipad ka..' turan ng isipan. Papara na sana ng taxi sa may highway ng maalalang. May kargador bang naka-taxi papasok sa trabaho. Muli napasapo siya ng ulo.

Para siyang tanga na hindi malaman ang gagawin. Mukhang unang sabak pa lang siya sa misyon niya ay failed na siya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.

"Magdi-dyip ako.." aniya saka pumara ng dyip. Siksikan sa loob ng dyip. Feeling pa niya ay pinagtitinginan siya ng mga naroroon.

"Iyong bayad ng hindi pa bayad diyan. Abot-abot na lang po.." turan ng drayber. Napaisip siya. 'Alangan naman kasing libre,' sabad ng suwail na isipan. Never siyang nag-dyip. Nang magpunta siya noon sa Mindoro ay doon lang siya nakasakay pero sa paradahan pa lamang ay kinolekta na noon ang bayad nila. Hindi naman alam na abot-abutan pala ang sistema.

Agad na binunot ang wallet at naglabas ng isang libo. "Bayad po." Turan dito.

"Ilan ito," tanong ng drayber.

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic TycoonHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin