Kabanata I

148 16 5
                                    

[ WAHID ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ WAHID ]

KAY GANDA talaga pagmasdan ang kulay asul na karagatan. Napakagandang likha ni Bathala, kamangha-mangha. Itinapat ko ang aking kanang kamay sa tubig at hinila ko ito pataas patungo sa mga natutuyot na halaman para diligan. Itinaas ko na ang dalawa kong kamay para magpakawala ng ulan upang mapaliguan ko ang lahat ng mga halaman na nasa hardin. Nakatatamad kasi kung iisa-isahin ko pa.

"Isang magandang araw, mahal na Prinsipe Wahid!" Napahinto naman ako sa aking narinig. Lumingon ako sa aking likuran ngunit walang ibang nilalang na naririto sa hardin. Kaya nagtungo ako malapit sa may dagat.

"Ikaw pala, Fatimah." sabi ko sa babaeng lumalangoy sa dagat. Isa siyang sirena, nilalang ng karagatan. Bahagi sila ng aming kaharian na nasasakupan namin. Isa siya sa mga kaibigan ko rito sa Ghanama, matalik na kaibigan.

"Anong kailangan ng isang magandang sirena sa akin?" tanong ko sa kanya habang inilulusob ko ang aking mga paa sa dagat.

"Gamitin mo naman ang kapangyarihan mo para magkaroon ako panandalian ng mga paa, kung maaari lang, nais ko lang sana maglibot sa hardin." pakiusap nito sa akin.

"Pero—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang ilapat nito ang kanyang hintuturo sa aking bibig.

"Huwag kang mag-alala, gagamitin ko ang kapangyarihan kong itago ang aking sarili." oo nga pala may kapangyarihan siyang magtago sa hangin. Hindi ko batid bakit iyon ang kapangyarihan niya, hindi naman siya isang Ardana. Napatango nalang ako sa sinabi niya, "Sige gagawin ko."

Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang buntot at dahan-dahan ko itong hinimas.

"Inuutusan kita! Kapangyarihan ng tubig ako'y iyong dinggin. Buntot ni Fatimah pansamantalang palitan ng mga paa. Ang aking kahilingan ay sundin." pagkasabi ko nung mga katagang iyon ay biglang nagliwanag ang aking kamay at ang buntot ni Fatimah.

Ang kulay asul nitong buntot ay unti-unting naglaho at unti-unti rin siya nagkaroon paa na gawa ng aking kapangyarihan. Ilang sandali lang ay umahon na sa tubig si Fatimah. "Salamat, Prinsipe Wahid!"

"Walang anuman," Sana naman hindi siya mahuli ng kaniyang ina. Masungit pa naman iyon, tiyak na lagot ako pag nagkataon.

Si Fatimah na ata ang masasabi kong pinakamagandang likha sa buong Ghanama, maging sa buong Magwayen. Iyong kaniyang mga mata kulay asul kay gandang pagmasdan lalo na kung matatapat ito sa liwanag o sikat ng araw sa pagkat ito'y kumikinang. Sa tuwing ngingiti siya'y bubungad sa'yo ang kanyang mapuputing ngipin. Kay gandang nilalang, walang katulad sapagkat nag-iisa lamang ang katulad niya. Nagtungo na ito sa hardin upang libangin ang kanyang sarili.

Ilang sandali lang ay natanaw ng aking mga mata ang ibang mga Nam na nagsisitakbuhan. Ano'ng mayroon? May kaguluhan bang nangyayari o sadyang gusto lang nilang maghabulan?

MAGWAYENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon