Kabanata II

77 13 3
                                    

[ WAHID ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ WAHID ]

HINDI KO na kayang lumaban pa kay Gamol-laab. Hindi ko kayang tapatan ang kaniyang kapangyarihan. Tinawag ko si Nuno Esma gamit ang tubig, upang humingi ng tulong sa kaniya.

Hindi pa man ako nakababangon sa aking pagkakahiga dahil sa kagagawan niya ay agad nitong itinuro ang kaniyang kanang kamay sa akin. Iiwasan ko sana ito ngunit huli na hindi na ako makagalaw. Unti-unti niya akong inangat gamit ang itim na usok na lumalabas sa kanyang palad. Ngayon ko lang naranasang maparusahan dahil sa kapangyarihan ng isang mahika.

"Ito na ang huling araw na masisilayan ang Prinsipe ng Ghanama! Wala ka nang magagawa Wahid kaya't tanggapin mo na lamang ang pagkatalo mo, ninyo!" Halakhak nito. Nasasaktan naman ako sa itim na usok na unti-unting pumipilipit sa aking buong katawan.

"Ahhhhhhh!" daing ko. Tunay ngang makapangyarihan ang mga Melano at Melana.

Gustuhin ko man lumaban pero hindi ko magawa. Lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa kong pagpupumiglas.

Nararamdaman ko nang mawawalan ako ng hininga ng bigla ako mahulog sa lupa. Unti-unti naman kumakawala ang itim na usok na bumabalot sa akin. Salamat at dumating si Nuno Esma. Pinuntahan ko siya na kasalukuyang nakikipaglaban kay Gamol-laab.

Ang lakas ng kanilang kapangyarihan, gumawa ng isang malaki at mahabang yelo si Nuno Esma na hugis pako na tinapatan naman ito ni Gamol-laab ng kaniyang espada na unti-unting humahaba. Sinusugod nila ang isa't isa.

"Nevevemon pe nhe zimu," Gumawa ako ng mga maliliit at matatalim na sandata gamit ang yelo. At hinahagis ko ito sa kinaroroonan ni Gamol-laab. Napaatras naman ito sa aking ginawa at sa pag-atake ni Nuno Esma. Gamit ang tubig na lumalabas sa aking palad ay tinulungan ko si Nuno Esma sa pag-atake sa kaniya. May pag-asa pa kami, may pag-asa pang matalo namin sila.

"Ako na ang bahala rito, Wahid!" turan sa akin ni Nuno Esma at nagpakawala ito ng malaking bolang tubig at inihagis niya kay Gamol-laab, para ikulong doon. "Kunin mo ang bolang kristal sa sagradong silid. Huwag mong hahayaang makuha iyon nina Armano at Breccio."

"Ang mahal na hari?" may pangambang tanong ko sa kaniya.

"Wala na siya. Napatay siya ni Haring Armano. Ang reyna naman ay bihag ni Prinsipe Breccio." tila huminto ang aking mundo sa mga tinuran ni Nuno Esma. Hindi maaaring matalo ang hari ng ganun-ganun lang. Hindi ako naniniwala!

"Magmadali ka puntahan mo na ang kinaroroonan ng bolang kristal bago pa nila itong makuha." utos ni Nuno Esma sa akin.

Agad kong ginawang tubig ang aking sarili para tumungo sa bulwagan. Isa sa kapangyarihan ko ang maging anyong tubig, at maaari ako lumabas sa kahit anong lugar basta may tubig. Parang paglalaho kumbaga, maaari akong magpunta sa kahit anong lugar, sa anyo ng tubig. Bumalik din ako sa aking anyo mula sa pagkalagay ko sa isang inumin dito sa bulwagan.

MAGWAYENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon