Kabanata III

58 10 2
                                    

[ WAHID ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ WAHID ]

NAGULAT ako ng iniabot sa akin ni Azul ang isang bagay na dapat hindi niya ibinibigay ng basta-basta lamang. "Bakit ibinibigay niyo sa akin ang bagay na iyan. Iyan ay pagmamay-ari ninyo na hindi niyo dapat ipinagkakaloob kanino man." turan ko at hindi pa rin kinukuha ang iniaabot niya sa akin.

"Nakita ko!" Naglakad ito paikot sa amin ni Fatimah. "Ikaw Wahid ang magliligtas sa buong mga Magway. Ikaw ang magpapabalik sa dating anyo ng Magwayen."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, naguguluhan ako sa sinabi nito sa akin. Paanong ako ang magliligtas sa buong mga Magway?

"Nakita ko ang hinaharap. Ikaw ang pag-asa namin, Wahid para maibalik sa lahat ang dati. Ikaw lamang ang makatatalo kay Haring Armano." tugon nito sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Masyadong malayo ang agwat ng kakayahan at kapangyarihan ko sa hari ng mga Malan.

"Pero paano ko naman magagawa iyon kung hindi ko sila kayang labanan?" Sinasabi niyang ako ang pag-asa, pero hindi ko manlang nagawang ipagtanggol ang aming kaharian. Anong klaseng propesiya iyon?

"Kaya nga't ipinagkakaloob ko sa'yo ito." Muli niyang iniabot sa akin ang mata na simbolo ng kanilang kapangyarihan at ng kanilang kaharian, kaya kinuha ko na ito. Nakamamanghang pagmasdan ang kulay ube na mata na ngayon ay nakalutang na sa aking palad.

"Ano naman ang gagawin ko rito?" malamig kong tanong sa kaniya.

"Ito ang misyon mo. Para matalo ang kasamaan ay kailangan mong makuha ang mga ibang simbolo ng kapangyarihan dito sa Magwayen, ang pitong simbolo. Na sa iyo na ang bolang kristal at ang mata kaya't gawin mo ang lahat para makuha mo ang iba pa. Sa oras na makompleto mo na ang mga simbolong iyon ay maaari mo nang kalabanin ang mga Malan!" paliwanag nito sa akin.

Medyo naguguluhan pa ako sa tinuran sa akin ni Azul. Kailangan kong makuha amg pitong simbolo. Sa anong paraan? Kakalabanin ko ba ang mga Magway na kasalukuyang nangangalaga sa mga simbolo? Hindi naman nila basta-bastang ibibigay iyon sa akin ng walang kapalit o dahilan.

"Sinasabi niyo ba ni si Wahid ang dakilang tagapagligtas ng mundo natin?" tanong sa kanya ni Fatimah.

"Tama ka, Fatimah. Si Wahid ang itinakda na maging susi upang makaisa muli ang lahat ng mga kaharian." Nakangiti ito sa amin.

"Sa pamamagitan ng simbolong iyan ay magkakaroon ka ng lakas na kapangyarihan katulad ko, Wahid. Maaari mong makontrol ang isang nilalang." ani ni Azul sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kapag nasa akin ang isang simbolo ng kapangyarihan ay magkakaroon ako ng kapangyarihan ng simbolong iyon. Hindi ko alam kung magagawa ko ba ang mga sinabi ni Azul patungkol sa akin.

Walang kasiguraduhan sa mga oras ngayon kung ano ang una kong magiging hakbang para magapi ang mga Malan. Pero isa lang ang alam ko kailangan ko silang pabagsakin hindi lang dahil gusto kong maghiganti kung 'di pati na rin sa magandang kinabukasan ng Magwayen.

MAGWAYENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon