Kabanata IX

37 6 2
                                    

[ FATIMAH ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ FATIMAH ]

RAMDAM ko ang lamig na ihip ng hangin sa himpapawid. Sa bawat paghampas ng pakpak ng dambuhalang ibon na sinasakyan namin ngayon ay kaba ang nararamdaman ko. Ito ang unang beses na makasakay ako sa ganito. Patungo kaming anim ngayon sa lagusan papasok sa Tabias.

"Masyado atang mahigpit ang kapit mo Flavio kay Elise." wika ko. Nakakapit kasi si Flavio kay Elise, tila natatakot na baka siya'y mahulog. "Natatakot ka bang mahulog?" tanong ko sa kaniya.

"Tila may kahinaan ata Fatimah ang isang magiting na mandirigma." komento ni Elise na siya namang ikinainis ni Flavio.

"Hindi ba pwedeng takot lang ako sa matataas na lugar." salungat naman sa kaniya ni Flavio.

"Nga pala Ulysses bukod sa kaya mong kausapin ang mga hayop may iba ka pa bang kakayahan? Ganoon din ba ang mga kakayahan ng mga diwata sa Tabias?" Umiiral na naman ang kuryusidad ko. Nais ko lang naman malaman kung ano-anu ang mga kakayahan at kapangyarihan ng mga diwata.

"Iyon lang ang kakayahan ko. Ang bawat diwata ay biniyayaan ng natatanging kapangyarihan na angkop sa kanilang hilig o sa kanilang katauhan. Katulad ko dahil mahilig ako sa mga hayop biniyayaan ako ng kakayahang makausap at mapasunod sila. May mga iba pang mga diwata na kagaya kong kaya pasunurin ang mga hayop. Ang iba naman ay may kinalaman sa mga halaman o tubig ang kanilang kapangyarihan. May mga diwata rin na kayang magbalat kayo o gayahin ang wangis ng ibang nilalang o maging isang hayop." paliwanag nito sa amin. Nakamamangha lang kasi iba-iba ang mga kapangyarihan ng mga diwata.

"Hmmm... Ganon pala." Malapit na ata kami sa lagusan na tinutukoy nila dahil natatanaw ko na ang kalupaan mula rito sa himpapawid.

"Maaari ba akong magtanong sa inyong dalawa?" tanong ni Elise kina Azul at Ulysses.

"Maaari naman, ano ba kailangan mong malaman tungkol sa amin?" Nakangiting tugon sa kaniya ni Azul.

"Paano kayo naging magkaibigan? At bakit sa ilog ng Ghanama naninirahan ang isang diwatang katulad mo Ulysses?"

Sandaling tumingin muna si Ulysses kay Azul bago sagutin ang mga tanong ni Elise.

"Naging magkaibigan kami ni Azul dahil siya ang tumulong sa akin na hanapin noon ang nawawala kong kapatid. Sa kasamaang palad nang mahanap namin ang kapatid ko wala na itong buhay. Simula noong araw na iyon ay hindi na ako bumalik pa sa Tabias at nanatili na lamang dito." paliwanag nito.

"Ganoon pala ang nangyari, sigurado ako na sabik na sabik ka nang makita muli ng pamilya at mga kaibigan mo sa Tabias." Namuo ang kalungkutan sa mukha ni Ulysses sa winika ni Elise. Mayroon ba siyang problema sa Tabias kaya hindi na siya bumalik doon?

MAGWAYENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon