Kabanata 22

1.4K 78 0
                                    

Jai's POV


Nakaupo kaming dalawa sa isang upuan. Natural.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi dahil ang natitipuhan ko ay nasa tabi ko,

kundi dahil ang bilis kumalat ng chismis. Lagot talaga yung Ate Myreen na yun sa akin.

"Jairovski ang pangalan mo 'di ba?" paninimula ni Kaiser.

"Oo, pero pwede mo naman akong tawaging Jai," sabi ko naman.

"Kaiser Baille Grellega nga pala," sabi niya sabay abot ng kamay.

Nagkipagkamay ako sa kanya. Takang-taka ako dahil ang taga-Hilagang kagaya niya ay hahatak sa akin papunta rito.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ayos lang naman," sagot ko.

"Alam ko kasing narinig mo ung mga pinagsasabi nila."

Ehem, nag-aalala siya sa akin. Dapat na ba akong kiligin?

"Wala naman akong magawa kung ako ung sinisisi nila. Totoo naman eh."

"Mas mabait ka pala kumpara sa inaasahan ko."

"Bakit mo pala ako dinala rito?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin mula sa pagtanaw ng mga naglalaro sa di-kalayuan.

Hindi ko aakalaing makikita ko siya nang malapitan. Mas nakita ko kung gaano ka perpekto ang kanyang mukha mula sa kanyang makakapal na kilay hanggang sa maninipis niyang labi.

Shems, ano ba 'tong napapansin ko?

"Gusto kasi kitang kaibiganin, kung pwede lang sa'yo," sabi niya.

"Eh kung gusto lang pala makipagkaibigan, bakit naman hindi?"

Sabay kaming napatawa sa sinabi ko.

Tumayo siya nag-uunat ng katawan. "Ilang oras na lang bago maghapunan, bumalik na tayo sa dormitoryo para makapagpalit."

"Sige," sabi ko.

Sabay kaming bumalik sa dormitoryo habang pinagpatuloy namin ang pag-uusap.

Napag-alaman kong isa sa siyang ulirang anak na galing sa silangang bahagi ng Dezpasa, pero nakagwapo niyang uliran ha.

Ang mga magulang daw niya ay namatay sa isang sunog habang bitbit daw siya ng kanyang Inay sa loob ng kanilang nasusunog na tahanan. Isang himala raw na nabuhay siya pagkatapos ng isang trahedya.

May kapangyarihan raw siya gamit ang tubig at nagagamit pa niya noong kabataan pa niya ngunit noong ipinasok siya rito ay biglang nawala ang kanyang kapangyarihan.

Halos magkaedad na rin kami. Mas matanda pa siya ng isang taon sa akin pero nasa parehong taon na kami sa pag-aaral.

Nakarating na kami sa loob ng dormitoryo at umakyat sa hagdanan. Parehas naman kami ng palapag pero magkaiba lang ng direksyon ang patutunguhan namin.

"Pa'no ba 'yan, hanggang dito na lang muna tayo sa ngayon, o kung pwede lang sa'yo na ihatid kita sa silid mo," sabi niya pagkarating namin sa ikatlong palapag.

"Huwag na, ayos na. Malapit lang naman eh," sabi ko.

"Oh sya, kita na lang tayo mamaya sa hapunan, Jairovski!"

May nadaan pa akong mga chismosang kapwa estudyante bago ako nakapasok sa silid ko.

Napahiga ako sa kama ko. Maraming naganap ngayong araw na ito, at nakapapagod isipin ang lahat na iyon.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant