Kabanata 53

941 58 0
                                    

Xandrus' POV




Napalingon kami kay Leia na nakatayo sa may pintuan. May benda pa siya sa ulo, kaya nagtaka ako kung bakit andito siya imbes magpagaling muna.

Buti na lang talaga, nailigtas namin siya doon sa kaharian ng Silangang Serentos.

"Leia, magpagaling ka muna doo--"

"Magaling na ako," pagpuputol niya sa sinabi ko.

"Sige, hija, ipakilala mo siya sa akin," sabi ni Haring Harold.

Umupo siya sa tabi ni Jai at humarap sa amin. Inayos muna niya ang kanyang sarili bago nagsalita.

"Siya si Jai. Jairovski Oclamidos ang totoo niyang pangalan.

Siya ay ulila at lumaki sa La Escuela de lo Pecularia kung saan kami nag-aaral. May mga tauhan daw ng eskwelahan ang nakapulot sa kanya sa labas ng eskwelahan. Kaya doon na rin siya lumaki at minsang inaalagaan ni Master Yves, punongguro namin.

Ayon rin sa kanila, wala raw nakakakilala sa totoo niyang mga magulang. Wala raw angkan ng Oclamidos sa Pecularia kahit na sa ibang karatig lupain.

Tanging nagpapabigay-kilanlan lang sa kaniya ang suot niyang kwintas kung saan na naukit na buo niyang pangalan.

Ako naman ang una niyang naging kaibigan, kaya gano'n na rin kalalim ang pagkakakilala sa kanya. Buong buhay niya ay wala siyang naging kapatid o sariling pamilya kaya kaming mga kaibigan niya ang nagparamdam sa kanya na itinuturing rin naming siyang kapatid.

Sobrang bait po niya talaga sa amin, kahit na halos nilalait sa noon dahil wala siyang kapangyarihan at nagtataka ang lahat kung bakit naroroon siya sa eskwelahan.

Mahal po namin siya, higit pa sa inaakala niya."

Natapos ang pagkukwento niya sa buhay ni Jai. Hindi ko alam pero ang sakit pala ng pinagdaanan ni Jai. Ang hirap na lumaking walang magulang, at mas naging mahirap dahil hindi pa niya kilala.

"Kung gano'n siya nga si Jairovski Oclamidos..." sabi ni Haring Harold.

"Opo--"

"Ang nawawalang anak ni Prinsesa Jainia."


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Dad.


"Si Prinsesa Jainia Hanne. Ang yumaong nakakatandang kapatid ni Reyna Valentina," dagdag pa ni Haring Harold.

"Kung gano'n, tama rin nga duda ko, Ama," sabi naman ni Prinsipe Leo.

"Parang siya talaga ang yumaong Prinsesa na nasa ibang katauhan," sabi ng Hari sabay tingin sa mahimbing na natutulog na Jai.

"Wait, ibig sabihin, siya ang pamangkin ni Reyna Valentina?" tanong ko na siyang ikinatango lang ng Hari.

Ba't parang ang layo ng itsura ng Reyna kay Jai?

"Naging tsismis noon ang sikretong pakikipagrelasyon ng Prinsesa sa isang mang-aalahas na galing sa angkan ng Oclamidos doon sa bayan nila na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang angkan.

Balak pa sana ng kanilang Ama at Ina na ipakasal siya sa isang Prinsipe mula sa ibang kaharian ngunit nabigo sila dahil nabuntis na siya ng karelasyon niya.

Dahil nalaman na nila ang sikreto ng Prinsesa, bigla siyang naglayas at sumama sa lalaki. Nagtago sila malayo mula sa kaharian at namuhay nang mapayapa.

Nang naipanganak na nila ang kanilang anak, saka raw sila natunton ng mga kawal ng kaharian. No'ng panahong iyon, si Reyna Valentina na ang namumuno sa kaharian.

Ayaw niyang maagaw sa kanya ang trono kaya ipapapatay daw niya ang kapatid niya pati ang lahat ng nabubuhay na angkan ng Oclamidos kasali na roon ang anak ng Prinsesa," pagpapaliwanag niya.

"Kaya pala, laking gulat nila ng marinig nila sa siya ay Oclamidos no'ng nakarating kami sa palasyo," singit naman ni Prinsipe Leo.

Kaya rin pala kahawig ni Jai yung Prinsesa na nasa malaking frame doon sa palasyo. Kasing ganda niya yung nanay niya.

"Bukod pa roon, wala na rin daw nagawa ang Prinsesa pati ang kinakasama niya dahil kung saan man sila magtago, mahahanap at mahahanap rin sila. Kaya ang ginawa nila, nilagay nila sa isang basket ang kanilang sanggol at tinapon sa Ilog Eowa.

Natagpuan naman raw ang mga bangkay nila sa isang isla sa Enchares ngunit ang dinala lang raw doon pabalik sa Silangang Serentos ay ang katawan lang ng Prinsesa at naiwan ang katawan ng Ama ni Jai sa Enchares," dagdag pa ng Hari.

Parang lalong sumasakit ang kwento ng buhay ng mga magulang ni Jai habang tumatagal.

"Teka nga, saan mo yan nalaman?" sabi ni Dad sa kanya.

"Narinig ko lang. Chismoso ako eh, hehe," sabi ng Hari.

"Tsaka gumamit pa sila ng ipinagbabawal na salamangka upang makalimutan ng sinumang nakakaalam sa totoong nangyari kay Prinsesa Jainia.

At no'ng nakalimutan na ng lahat, pinalabas ni Reyna Valentina na namatay dahil sa isang sakit ang Prinsesa. Nakalimutan rin ng lahat na may angkan ng Oclamidos noon.

Hindi naman ako naapektuhan sa salamangka na ginamit nila para makalimutan ang nangyari dahil may agimat ako hehe. Kaya hanggang ngayon, may alam pa rin ako sa tsismis."

Napakasama naman ng ginawa ni Reyna Valentina. Hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Jai. Hindi ko alam kung kakayanin ba 'to lahat ni Jai kapag malaman niya ang lahat nito.

Pero saan naman nanggaling yung kapangyarihan ni Jai?

"Kung totoo nga ang sinasabi mo, Tito, saan naman po nanggaling ang kapangyarihan niya?" tanong ko kay Haring Harold.

"Hmmm, sa kanyang ama siguro. Wala naman akong narinig na may nagkaroon ng kapangyarihan ang angkan ng Grellega," sagot naman niya.

Wait, Grellega? Parang narinig ko na yan doon sa eskwelahan.

"Grellega po? Kaano-ano po nila si Kaiser Baille Grellega?" tanong ni Leia.

"Siya naman ang kasalukuyang nawawalang anak nina Reyna Valentina at Haring Gabriones."

"Eh nasa eskwelahan po siya noon pa," dagdag pa ni Leia.

"Buhay siya?"

"Buhay na buhay at tinangka pa akong patayin," singit ko.

Takte, nagiging mas magulo na ang istorya ng pamilya nila ngayon. Pati pa naman yung hayop na Kaiser, sisingit bigla.

Pero yung istorya ni Leia at yung istorya ni Haring Harold, parang konektado. Yun nga lang parang may kulang.







"Kung totoong isang Grellega nga ako, ibig sabihin, pinsan ko pala si Kaiser."

Huli na nang malaman naming kanina pa pala nakikinig sa amin si Jai.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz