Kabanata 44

1K 60 1
                                    

Xandrus' POV

"Cierra!" sigaw ni Jai at nasara ang lagusan.

Napahinga kami ng malalim dahil muntikan na kaming tuklawin ng ahas na iyon. Buti nakatawid kami sa huli.

Hindi ko talaga alam kung bakit nakawala si Jai at bumalik sa talon ung ahas. Tanging nakita ko lang ung pagliwanag ng mga mata niya, saka nangyari yun.

"Andito na tayo," sabi ni Jai na ikinalingon ko sa paligid namin.

Nasa gilid kami ng isang kabundukan ngayon na puno ng nyebe. Ito na pala ang Hilagang Apache.

Kung may nyebe, of course, malamig dito sa lugar na 'to. Kaya, nagsisimula na akong ginawin.

Kinuha naman ni Jai yung mapa ng Titania sa bag niya at tinignan. "Ilang bundok pa ang lalagpasan natin bago marating yung hangganan. 'Wag na tayong magsayang ng oras, kaya halika na," sabi ni Jai saka nagsimulang maglakad sa nyebe.

Nagsimula na rin akong maglakad at sinusundan ko lang ang bawat hakbang ni Jai. Siya kasi ang may alam sa daan at may hawak sa mapa.

May araw naman sa langit ngayon pero di sapat yung init niya para mawala ung malamig na temperatura ng lupain na 'to. Unti-unti nang gumagapang ang lamig sa aking katawan kaya napahalukipkip na lang ako habang naglalakad.

Napansin ko ring hindi giniginaw 'tong kasama ko at diretso-diretso lang ang lakad nito.

Tao pa ba 'to?

Hindi pa kami nangangalahati sa nilalakaran namin, bigla na lang may sobrang lamig na hangin na dumaan sa amin. Napatigil kami nang saglit habang sumasabay sa ihip ng hangin yung mga cloak namin.

Sa oras na iyon ay gumapang sa buo kong katawan ang lamig at hindi ko na matiis pa. Kaya na lumuhod na lang ako saka napahiga.

"J-jai..."


~●~

Jai's POV

Shemay, ang lakas ng hangin na 'yon ah. Tsaka napakalamig na naman no'n. Oo nga pala, nagnyenyebe pala 'tong lugar na 'to. Nakalimutan ko.

Ewan ko ba, parang hindi ako nilalamig ngayon eh. Sa katunayan nga, parang naiinitan ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Matapos kong damahin ung hangin na dumaan sa amin, nagpatuloy na akong maglakad. Panay tingin lang ako sa mapang hawak ko dahil baka mawala kami sa landas.

Napansin kong wala akong marinig na angal galing sa kasama. Nasa unahan kasi ako at siya naman ay nakasunod lang sa akin.

Lumingon ako sa likuran ko ngunit nagulat ako nang naglaho si Xandrus sa paningin ko. Shemay asan na siya?

"Xandrus?" sabi ko at naglakad pabalik sa dinaanan namin.

Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa may naapakan akong parang bato. Nagtaka ako kasi wala naman 'to kanina. Kaya napaluhod ako at inalis ang nyebeng tumatabon sa bagay na 'to.

Saka ko lang napagtanto na si Xandrus pala 'to.

"Xandrus! Anong nangyari sa'yo?!"

"J-jai..."

Tinig pa lang ay mukhang nahihirapan siyang magsalita dahil sa ginaw. Namumutla na rin siya. Shemay, buti na lang  bumalik ako agad.

Kinuskos ko ang aking mga palad nang kay bilis para magawa ng init. Shemay, alam kong hindi 'yon sapat pero wala akong maisip na paraan.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz