Chapter 1

740 46 23
                                    

"Mom bakit po palaging nasa underground ng bahay si kuya?" tanong ko kay mommy.

"Doon kase nakatago ang ilan sa mahahalagang bagay at mga pinag iexperementuhan ng kuya mo." sagot naman ni mommy.

"Ah ganon po ba." tanging na sambit ko lamang.

Si kuya ay may pambihirang talento kung saan nagagawa nyang makabuhay ng mga bagay sa pamamagitan ng angkin nyang talento sa agham.

Siya ang iniidolo ko sa maraming bagay.

Nakakalungkot lamang ng mamatay ang kanyang girlfriend sa kadahilanang may sakit ito sa puso at pawang nawalan ng saysay sa kanya ang lahat.

At dahil don palagi na syang nasa underground.

Nang magkasakit si Daddy sa bato ay si kuya ang nagpagaling sakanya hindi ko alam pero parang may nag iba kay Daddy hindi na sya nakakaramdam ng lungkot kundi saya nalang parati seryoso din ang kanyang muka kung hindi ito masaya.

Nakakapag taka lamang na maging ganon si Daddy samantalang siya ay isang masayahing tao at palaging naka ngiti.

"Oh baby girl ko sabihin mo sakin kapag naninikip ang dibdib mo okay?" sabi ni Mommy saakin.

Kaya't tumango lamang ako.

Mag kasama kami ni Mommy na nag lalaro ng Lawn tennis ng biglang sumakit ang kanyang tiyan.

Sumisigaw sa sakit si Mommy at hindi ko alam ang aking gagawin.

"Ahhhhhhh!!! Ang sakitttt!" sigaw ni Mommy habang namimilipit siya sa sakit.

Maya maya ay dumating si kuya at inakay si Mommy papunta sa underground?

Dahil sa koryosidad ay hindi ko napansing sinusundan kona pala sila papunta sa underground ng bahay namin.

Nakita ko ang ibat ibang hugis ng bote kung saan may ibat ibang laman ito.

Nakita kosi kuya na sinira ang damit na pang taas ni Mommy.

Teka anong gagawin ni kuya!?

Nakamasid lang ako sa gilid ng kabinet kung saan nakalagay ang maraming libro.

Nakatingin kang ako sa gagawin ni kuya kay Mommy.

Nang bigla kong makita na kumuha ito ng screw driver?

At biglang may lumabas na usok sa katawan ni mommy.

Maya maya ay tumigil ang pag galaw ni Mommy.

Pumunta si kuya sa kanyang mga gamit at nakita ko ang kanyang girlfriend na naka tali sa itaas?

Hindi maaari patay na ang girlfriend ni kuya dalawang taon na ang nakakalipas.

Nakita ko rin ang mga likidong nakalagay sa malaking glass.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang aking sarili doon.

Biglang may nag flashback sa aking isipan ang pangyayari na matagal nang nakalilipas.

Mga pangyayari kung saan bago palamang ako mabuo ay nakita ko si kuya na kinuha ang puso ng kanyang minamahal upang ilagay saakin.

Naaalala ko wala akong sakit sa puso.

Ang puso ng girlfriend ni kuya ang ipinalit sa puso ko kaya ako nag kasakit sa puso.

Si Mommy ay matagal ng patay.

Pati narin si Daddy.

Nakita ko ang mga katawan naming tatlo sa isang gilid napaka raming kapareho.

Gawa ito sa bakal.

Ginawa kami upang maging robot.

Kami ay binigyang buhay lamang at nang mamatay ang girlfriend ni kuya kinuha nito ang puso niya at inilipat saakin para mabuhay

At ako gawa lamang din sa bakal.

Na dapat ay matagal nang patay.

Si kuya ay isang Human maker.

Bago paman mag init ang katawan ko ay nakita kong bumagsak ako dahilan para magkaroon ng malakas na ingay.

"Shet naputol na naman ba ang wire sa loob mo" sambit ni kuya at yun ang huli kong narinig sakanya.

---To be continue---

Tuloy o delete na?

Comment and Vote guys

Human makerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu