Siyam: Noon at Ngayon ***

230 15 1
                                    

Continuation...

Nagsmile lang ito at di sinagot ang tanong ko bagkus ay may sinabi pa ito na nagbukas ng isipan ko.

"James, hanggat maaga ay masabi mo na. Dahil bilang mga tagapag bantay maraming sakripisyo ang dapat harapin at alam kong matagal mo din siyang hinintay... siguro ko naman na naririnig mo ang kasabihang ito... "Nasa huli ang pagsisi"... pero James, choice mo naman iyan! Kung saan ka mas magiging masaya!"

"Yes, Luna!... kaya lang, kasi ano..."

Napayuko na lang ako ng bigla itong humawak sa aking balikat at nagsabi ng

"Huwag kang magmadali, maiintindihan naman niya ang lahat and besides sino ba naman makakatanggi sa isang tulad mong napaka gwapo at maalagang binata..."

"... quiet ka lang ha, kasi ni minsan di ko pa nasabi iyon kay Liam... hehehe"

"Yes, Luna..."

Maya maya ay bigla na lang tumahimik si Ethan at napansin ko napahawak ito sa sentido nito. Kita ko nang ma out of balance ito.

Nang mapansin kong babagsak na ito ay agad ko itong sinalo.

Nang mahawakan ko ito ay halos manlaki ang mga mata ko sa mga nakita at narinig sa isip nito.

Lahat ng natakbo sa isip nito ay kitang kita ko sa aking isipan. Maging ang oras na kausapin muli ito ng apat na Oracle para sa susunod na misyon ay nakita ko.

Kaya naman nasabi ko dito na.

"Kaya ba?"

--------------------

ALDOUS POV

-
Nasa malaking hardin ako sa loob ng kastilyo, sa sobrang laki ng lugar ay nahirapan akong mahanap ang magandang pwesto upang sanayin ang aking kakayahan.

Ang pagkontrol ng hangin, halos mamatay kasi ako ng huli kong gamitin ang kapangyarihan ko.

Subalit ang nakakapagtaka ay alam ko na ginamit ko iyon para maligtas ang mga kasamahan ko kaya lang hindi ko matandaan kung saan at kailan dahil ng magising ako ay walang nakakaalala sa amin kung saan namin ginamit ang aming mga kakayahan.

Isa lang ang sigurado ko, simula ng makompleto kaming pito at mag sama sama ay parang naka imprint na sa aming katawan ang Marka o Simbulo bilang mga Tagapagbantay, hindi man ito tally visible ay alam namin nakikita na namin ang mga kapwa Simbulo.

Kaya nga hanggang ngayon ay hindi namin masiguro kung anung Simbulo mayroon kaming mga Guardians.

Ang pinagtatakhan lang namin ay nang simulang magsama sama kami ay nag iba o nalipat ang mga lugar kung nasaan makikita ang mga marka na alam namin na hindi doon iyon nakalagay.

Ngayon nga ay nagulat kami.

Si Alpha Liam o Ika Una, ang marka niya ay nasa Noo na niya.
Si James o Ikalawa naman nakita namin na nasa Kaliwang parte ng leeg na ang Marka.
Si Pierre o Ika Apat naman ay nasa kaniyang batok.
Si Haring Kalix o Ika Lima ang Marka niya ay nasa kaniyang Kaliwang Kamay.
Si Lady Anika o Ika Anim naman ay makikita ang kaniyang Marka sa kaniyang Kaliwang Tagiliran.
Si Annia o Ika Pito naman ay nasa kaniyang Kaliwang binti.
Samantalang ang aking Simbulo ay nasa aking Kaliwang parte ng Dibdib.

Isang beses nga ay nakausap ko si Anika, nasabi niya sa akin na iba ang Simbulo noon sa simbulong lumabas ngayon.

Nang tanungin ko o liwanagin ko ang bagay na iyon kay Anika ay tumahimik na ito, pero isa lang ang nasisiguro ko ng pilitin ko siya ay nagbanta ito... halos kilabutan ako ng marinig ko iyon at hindi hindi ko iyon malilimutan...

"ORAS NA SABIHIN MO SA IBA ANG SINABI KO AY SISIGURADUHIN KONG SUSUNUGIN AT GAGAWIN KITANG ABO... KAYA MANAHIMIK KA!"

Halos mapatawa nga ako dahil hindi ko alam na may ganoong ugali si Anika pero ng titigan ko ang mukha lalo na ang nga mata nito ay tila nag iba ang pananaw ko dahil nasisiguro kong totoo ang sinasabi niya... pero ang totoo ay hindi kami mamamatay kung gagamitin against sa amin ang mga kapangyarihan ng mga kapwa Guardians. Yung tipong may immunity kami sa bawat isa. Pero mararamdaman naman namin kahit papaano.

Kaya naman napaisip ako... "Paanong iba sa Noon at sa Ngayon!".

Nasa ganoon akong pag iisip ng marinig ko ang tinig ni James na humihingi ng tulong.

Nang marinig ko ang tinig ni James ay agad kong ginamit ang kapangyarihan ko.

Isa pa sa napansin ko ay nadagdagan ang kakayahan ko.
Noon pagkontrol lang sa hangin ang kaya ko ngayon mabilis kong mahanap at malaman kung nasaang parte o lugar makikita ang hinahanap ko at ayon iyon sa hanging kanilang hinihinga.

Kaya naman kasing bilis ng kidlat ng makarating ako sa lugar.

Pagdating ko sa lugar ay nandoon na si Pierre, at gamit nito ang pagkontrol sa Oras, dahil lahat ng nilalang o mga nasa Bayan ay nakatigil na parang mga estatwa.

"Aldous, please use your power to help our Luna na madala sa Kastilyo..." utos sa akin ni James

Ewan ko hindi ko alam kung kailan ko natanggap na si Ethan ang next Luna ng Silver Diamond Pack, pero alam ng puso ko na pumapayag ako.

Isa lang ang nasisiguro ko, masaya ako everytime i use my power to help Ethan or our Luna.

Isang iglap lang ay nakarating na kami sa kastilyo at muli lahat kami ay nagkita kita sa loob ng silid kung saan namin nilagak ang katawan ng Itinakda ng una namin siyang dalhin dito.

Sa loob ng dalawang linggo ay kapwa kami nagugulat sa kaniya kaniyang awra dahil simula ng dumating kami muli dito ay nag decide ang lahat na mag focus sa pagsasanay, pisikal at aming mga kakayahan.

Minabuti muna namin na iyon ang gawin dahil hindi pa namin kapwa kontrol ang aming mga kakayahan.

Nakapalibot ang lahat sa Itinakda at kita sa mukha ng lahat ang pag aalala lalo na si Alpha Liam.

Nang yayakapin na ni Alpha Liam ang katawan ni Luna Ethan ay kapwa kaming lahat na nabigla sa sumunod na nangyari...

--------------
Itutuloy...
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Where stories live. Discover now