Twelve: Ang Libro sa Silid ng Karunungan ***

214 13 0
                                    

continuation...

Paano ko nalaman?

Kasi nag ii-sparring kami ni Anika nang hindi ko sinasadyang mapalakas ang aking paghagis sa kaniya upang makapagpahinga din ako kahit papaano dahil napakaliksi at bilis nito. Iba din ang tama ng mga suntok at sipa nito sa akin kaya naman kinailangan kong gawin iyon.

Nagulat ako ng sobra ng bigla na lang may malaking bato ang parating sa akin. Sa sobrang takot, kaba, gulat at pagkataranta ko ay parang may kung anong mainit na lumabas sa aking marka sa aking binti.

Alam kong napansin iyon ni Anika dahil napatingin siya sa binti ko.

Nang maitapat ko ang palad ko sa bato habang nakapikit ay bigla na lang itong bumagsak sa sahig na tila nawala sa kontrol ni Anika.

Kita ko ang mukha ni Anika ng muli niyang pilitin na maiangat ang bato subalit talaga naman di niya magawa.

Kaya naman naghanap siya ng iba pang tipak ng bato at iyon ang ginamit niya.

Pagbato niya ay muli ay naramdaman ko ang mainit na bagay sa aking marka at maya may parang bulak na tumama sa akin ang bato.

Noong una ay inakala namin na Earth Manipulator din ako pero ng makita kong napakatuso ni Anika ay napilitan akong sa kaniya ko gamitin ang kung anumang kakayahan mayroon ako.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang lumutang si Anika na parang papel.

Napansin ko na nagbabago ang gravity ayon sa kumpas ng kamay ko. Pag pataas ay tila gumagaan ang lahat samantalang pag kinumpas ko ng pababa ay nabigat ang lahat.

...at ngayon nga ay nasa field kami nagte-training ni Anika ng humingi nang tulong si James at malaman namin na mabilis na nakarating ito sa silid kung saan una kong nakita si Luna Ethan.

Pagdating sa lugar ay nakapalibot kaming lahat sa Itinakda at kita sa mukha ng lahat ang pag aalala lalo na si Alpha Liam.

Nang yayakapin na ni Alpha Liam ang katawan ni Luna Ethan ay kapwa kaming lahat na nabigla sa sumunod na nangyari...

-------------

KALIX POV

-
Habang nagbabasa sa loob ng silid ng karunungan, napag alaman kong ang lahat ng nangyari sa lumipas na panahon ay may na omit o hindi naitala.

Ang tanging mababasa lamang ay may isang grupo ang biglang naglaho bago pa makompleto ang Propesiya.

Nasabi iyon sa akin ng mahal kong ninuno at Ama na noon nga ay may mga nasabing Tagapagbantay na naisilang upang maisagawa ang nasa Propesiya subalit walang nagtagumpay sa kadahilanang walang nakakaalam.

Isang saglit ay parang nabasa ko ang isipan ng Ika Anim, ayon sa kaniyang isip ay tama nga na hindi nagtagumpay ang mga naunang mga itinakda. Subalit bago pa ako makapag imbestiga ay naisara na niya ang kaniyang isipan.

Ang tanging maliwanag lamang sa akin ay lahat ng mga nakalipas na mga Itinakda ay babae, subalit bakit Lalaki ang Itinakda sa Ngayon.

Kaya naman nagtataka ako kung bakit isang lalaki ang ngayon ay nasa aking kaharian.

Pero mayroon sa puso ko at isipan na nagsasabi na tama ang aking ginagawa.

Sa aking paglilibot ay hindi ko inaasahan na mapansin ang isang libro. Ang libro ay mga ruins o Simbulo na nakaukit aa harapan nito. ***

Makapal at tila nakapabigat nito kung titingnan at pagmamasdan.

Ang pinagtatakhan ko lamang ay halos nalibot ko na ang silid ng karunungan noong bata pa lang ako pero ngayon ko lamang iyon nakita, at sa tagal ko ng nagbabasa sa lugar na ito bakit ngayon ko lang iyon napansin.

Nang hahawakan ko ang libro ay ramdam ko ang napakainit at nag uumapaw na matinding pwersa at kapangyarihang nakabalot dito, kaya agad na nabitawan ko ito. Nagulat pa ako ng kusang bumalik ito sa pwesto kung saan ko ito nakita.

Subalit may napansin akong nakakatuwa sa libro. Nang hawakan ko ang libro ay napansin kong nagliwanag at naging visible na ang isa sa mga Simbulo na nandoon. ***

Muli ko sanang aabutin ang libro pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa aking makuha at muling mahawakan ang libro.

Ginamit ko na ang aking kapangyarihan, nagpatubo ako ng matitibay ay makakapal na mga baging upang makuha ang libro ito ay nababalutan ng esensya o kapangyarihang tanging ako lamang ay mayroon.

Nang gawin ko iyon ay nasisiguro kong mas malakas ang nakabalot at ginamit na mahika sa libro dahil malayo pa lang ay mabilis na natunaw ang baging na aking ginawa.

Nasa ganoon akong mga punto ng marinig ko ang pagsusumamo ni James sa aming mindlink.

Gagamitin ko na sana ang aking kapangyarihan subalit isang iglap lang ay napag alaman kong nasa silid ko na ang Itinakda.

"Oo, noon silid ko iyon subalit ng magsimulang doon ilagak ang katawan ng Itinakda alam kong mas kailangan niya ang silid kaysa sa akinm kaya naman gumawa ako ng bago kong magiging silid."

Pagdating sa lugar ay nakapalibot kaming lahat sa Itinakda at kita sa mukha ng lahat ang pag aalala lalo na si Alpha Liam.

Nang yayakapin na ni Alpha Liam ang katawan ni Luna Ethan ay kapwa kaming lahat na nabigla sa sumunod na nangyari...

---------------
Itutuloy...
JuanDer25





The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Where stories live. Discover now