Ayako

Nagising ang diwa ko nang makaramdam ako ng malamig na hampas ng tubig sa pagmumukha ko. Refreshing sana 'to only if wala ako sa room.

But I am...

And Anjelou's standing infront of me with an empty water bottle on her hand.

"Bullied." At natawa siya. "I never thought you were so bad at games." Napaismirk siya sabay punas ng kamay niya na natalsikan ng tubig bago magwalkout.

I heard some boys cheering and 'yong iba napa-ooh nalang. I'm soaking wet yet di ko nga alam kung anong nangyari?

Habang busy si Aliyah sa pagpunas saakin ay napatingin ako sa phone ko na may nakalagay na 666 points while everybody got 10 thousand plus. I creased my forehead. Saan naman galing 'to? Parang kanina lang nasa virtual world ako at bubuksan na naman sana ang pinto pero bakit nasa real world ulit ako? As time goes by nakapagtataka na talaga. Am I the only one aware of that red door and itong skip sequence na nangyayari saakin?

"Ayako samahan na kita magbihis. Anx, bantayan mo gamit namin h---"

"Err Aliyah, I can manage" tanging sagot ko nalang. Wala ako sa mood magpasama. It's like I'm too occupied with things na di kaya iprocess ng utak ko ang mangyayari na sunod. Napatango nalang si Aliyah at hinayaan ako na lumabas kasama ang bag ko na may extra shirt ko.

Habang naglalakad ako sa labas ay parang natutunganga ako. Ni hindi ko na tinitignan kung saan ako papunta. Para akong hinahatak ng paa ko kung saan pero nagpapahatak naman ako. Ah ewan. Basta naglakad nalang ako. Kailangan kong magbihis kasi basang basa ako.


Pero nakapagtataka...

Bakit hindi ko maramdaman ang pagkabasa ng damit ko?


Biglang lumaki ang mapupungay kong mata nang tignan ko ang suot ko na tuyong tuyo. Paghawak ko sa buhok at mukha ko ay tuyo rin. P-paano? Wala naman akong maalala na pumunta ako sa cr. Actually papunta pa nga lang diba?

Matatakot pa sana ako kaso biglang may tumulo sa harap ko. Tumingala ako para tignan kung saan galing ito pero wala naman akong nakita. Hindi naman umuulan at imposibleng may butas ang bubong. Baka may butiki? Pero grabe, di naman ata ganon. Lumingon ako sa sahig at nakitang may malaking bakas ng tubig. Ah. Ngayon ko lang napansin, may trail na basa sa harap ko.

Ewan ko ba kung bakit sinundan ko ito kahit halatang it screams danger. Parang kusa akong hinihila at hinihigop ng atmosphere. Parang may mangyayari.

At hindi nga ako nagkamali dahil napadpad ako sa hallway na napuntahan ko dati, and there again--- ang pulang pinto.

Is it really the door I saw before? May something ba kaya talaga? Or for props lang 'to? Well, to see is to know. Nilapitan ko ang pinto na pula na nakita ko kanina. I knocked three times bago sana hawakan ang knob pero before I can even touch it ay may naramdaman akong presence sa likod, and from my peripheral vision is a man wearing something black. Nanlaki ang mata ko. It can't be...

Oh my god. Realization hit me. This is real... and if mangyari ang nasa isip ko then---

"Huwag kang magkakamaling buksan 'yang pinto." A voice similar to Aiden spoke behind me.

BEYOND // KOETEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora