Ayako

Lunch time. Ang weird man tignan kasi nasa reality kami, pero nasa iisang table kami ng naging kagrupo ko sa game sa Koete.

"So?" Anjelou broke the silence. Kain kasi nang kain na parang gutom na gutom ang boys. Well, wala naman kaming sinisisi. Anyone stuck in a virtual world for three days without food will be extremely hungry, lalo na at napipiga ang kanya kanya naming utak. "Anyway, don't ever think na close tayo dahil dito pero uhm.. Any ideas kung bakit tayo napunta doon?" Sunod na pag-ingay ni Anjelou.

Napalunok ang iba. Ang iba naman ay napailing. Nagtaas ako ng kamay. Pinagtinginan nila ako.

"Uhm, well, ang last na naaalala ko ay nadulas ako." Sabi ko nalang.

Napatango naman ang iba. "The last thing that I remember is ininom ko ang tubig ni Arabelle. Pagkabigay ko sakanya ng tumbler ay andoon na ako." Dagdag ni Anjelou.

"Since you're all speaking about water. Boys ang pinaassign ko sa pagsarado ng mga bintana. It was raining hard at pumapasok ang tubig sa bintana." Explain ni Atler. Tumango na rin lang ang dalawang lalake na parang naalala na nila.

"So is this related about some water then?" Tanong ni Ammony habang puno pa ang bibig.

"Eew. Don't talk when you're mouth is full." Diring sabi ni Anjelou at nag-usog ng tubig para sakanya. Kaso imbes na makuha niya ito ay natapon ang tubig kay Anx.

Napasigaw si Anx nang malakas at napatalon sa upuan niya. Nagpanic rin ang ibang tao sa paligid pero napairap nalang nang makitang natapunan lang naman ito ng tubig. Agad na nag-abot si Anjelou ng tissue para kay Anx at natatarantang kinuha niya naman ito.

"W-well you don't have to overreact." Kinakabahang turan ni Anjelou.

Inirapan siya ni Anx. "If water is the cause then I'm doing my best to avoid it. Tapos, tatapunan mo ako?"

Napatawa nalang kami sa kaartehang pinakita ni Anx. Taob na taob ang kaartehan ni Anjelou sa ginawa niyang pag-arte. Inirapan na rin ni Anjelou si Anx dahil sa paggaya nito sa kanya.

Habang tawang tawa sila ay kinalabit ko si Anjelou na nagtataray. She mouthed 'what' and nagsalita lang ako ng mahina. "Hindi mo ata kasama si Arabelle?" Tanong ko nang mahina pero narinig pa rin naman pala.

"Oo nga miss bitch, asan kambal mo?" Tanong rin ni Ammony na nagpupunas na ng bibig ngayon.

"Well, she rushed to the restroom agad after classes. Baka naiihi. Master of pagpigil 'yon." Sabi nalang ni Anjelou habang pinaglalaruan ang straw sa inumin  niya. Napatungo nalang kami at nagsikain na. Tumutunog na pala ang tiyan ko hindi ko man lang napansin. Lahat kami gutom and traumatized dahil sa small event na nangyari saamin kaya ibabaling nalang namin sa pagkain 'to ngayon.

Susubo palang sana ako kaso biglang bumukas ang pinto sa cafeteria namin. Naagaw ng eksenang iyon ang atensyon ng lahat ng tao sa loob, including kami. Tumambad doon ang hingal na hingal na si Arabelle. Nilibot niya ang paningin sa lahat ng tao at nang magtama ang tingin niya saamin ay bigla siyang tumakbo palapit saamin. We were shocked na makita siyang pasugod and pawis na pawis habang papalapit. What's gotten into her?

"A-arabelle..." Agad na napatayo si Anjelou nang maabot na ni Arabelle ang table namin. "What happe--"

"Paano kayo nakalabas doon?" Halatang pagod na siya.

"H-ha saan?" Ammony retorted, confused.

"Paano kayo nakalabas sa putanginang kuwarto na 'yon?" Ulit ni Arabelle na medyo nanghihina na.

Napatayo na rin si Atler para pakalmahin si Arabelle. "We're confused, Arabelle talk clear--"

"I saw you guys there!" Bulyaw ni Arabelle. Tumutulo na ang luha niya. "You were in the game! W-we were in the game... pero... how come na nakagalaw kayo when I can't? "

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now