19

173 20 8
                                    


Ayako

After the encounter with Anx ay hindi ko siya masyadong pinapansin, sila ni Aliyah. I felt awkward at wala akong mapagsabihan. Iniiwasan ko sila in purpose kasi hindi ko alam kung paano ko sila itatrato. Alam kong nakita ko 'yon pero kapag sinabi ko kay Aliyah, then what does that make me then? And if sinabi ko kay Anx, ofcourse kay Aliyah siya kakampi. This is so twisted and I hate it.

Ilang araw na rin akong hindi naglalaro ng Koete, at ilang araw na rin akong napagtitripan nila Arabelle at Anjelou. Hindi ko na rin sila pinapansin kaso tuwing sila ang nauutusan ay binibigay nila saakin ang inutos sa kanila.

Like for example, ngayon.

Here I am standing in front of the principal's office. Maulan and tinititigan ko lang ang basang sahig na katapat ng bintana sa tabi ng office ng principal. Ang bintana ay nakabukas kaya pumasok ang tubig. I clearly can hear the sound of rain na sumasayad sa floor. Inutusan ako nila Arabelle na ibigay ang mga activity sheets sa room ni sir.


Pero I was stunned and left shocked again. Pinapakinggan ko lang ang ulan pero I can also clearly hear the faint sounds of moans coming from the room... again.

Napahawak ako sa sentido ko. Walang point na magsumbong ako. He's the head and I'm just a mere spectator na hindi malalaman if nagsisinungaling ako o hindi. Walang maniniwala saakin, so.. maybe, let's just pretend na nothing happened.

Lalampasan ko na sana ang pinto kaso pagkadaan ko palang ay napasilip agad ako sa awang. Fuck! Aliyah suddenly turned and saw me. Shit! Trouble! Kailangan ko ng tumakbo.

Tatakbo na sana ako ng super bilis kaso nadulas ako sa basang sahig na tinititigan ko lang kanina. Natapat ang mukha ko sa ulap na nakakasilaw at nabasa ng raindrops ang mukha ko. Mas lalong lumakas ang ulan at nawalan ako ng lakas na para tumayo.

Before I can even react dahil naririnig ko ang tarantang boses sa office, biglang may kamay akong nakita sa harap ko. "A-Aiden... I mean A-Angelobrix. N-no, Aide---"

"Shhhh." He gestured me to be quiet. Bigla niya akong hinila palayo at natapat kami sa pulang pinto. "Pasok bilis" i was too dumfounded too disobey kaya agad akong pumasok. Kasabay ng pagsarado niya ng pinto ay nakita ko sa maliit na awang ang katawan ng principal at ni Aliyah na natakbo. That.. Was.. close..

Tinitigan ko siya and I was about to burst in tears. Niyakap niya agad ako and pinatahan. He was caressing my hair. Tinatry kong kumalma.

Pero fate was cruel.


"Ms. Solamiceca? Open this door now!" Bigla kong narinig ang sigaw ng principal namin sa labas. Sinusuntok niya ang pinto and I was beyond scared. Pinipilit niya itong buksan.

Nanginig ako bigla sa takot. Ano nang gagawin namin ngayon?

Aiden looked at me and signed me to be quiet still. "Hey, listen. I'm with you. You're safe." Pabulong niya na sabi to calm me pero hindi yun sapat para patahimikin ang nasa labas. Bigla niya akong binitawan at pumunta sa likod ko. Akala ko bubuksan niya ang pinto pero siniguro niya na lock ito. Agad siyang umikot sa cabinets at sinundan ng mata ko ang ginagawa niya. He was opening the cabinets one by one.

No, don't tell me na dito kami magtatago? The cabinets were as small na ni hindi siya puwedeng-----

The huge crash sound stole my attention. Tinignan ko ang pinto and wala namang nangyari. The principal continued to wreck the door. Tinignan ko naman si Aiden and to my shock ay nakabukas ang cabinet na 'yon pero wala siyang dulo.

I meant.... it lead to another room.

Tinignan niya agad ako at hinila. He pinched my cheeks. "Listen, I don't understand you pero alam kong ito ang mas nakabubuti. Don't forget about me okay? It's A-----" Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil sa biglang pagbukas ng pinto at sa biglang paghigop saakin ng cabinet. The last thing I saw was the principal raging in anger bago kainin ng kadiliman ang paningin ko.

-------

"Well, is she awake now?"
"Wait where are we?"
"Malay mo she's also frozen."
"No, she's also aware last time"
"Last time? You mean this ain't the first?"
"Uy gumagalaw na siya."
"Transferee wake up!"
" Ayako! "

Unti-unti kong nabuksan ang mata ko sa ingay na narinig ko sa paligid. From a small space na ginawa ng mga mata ko ay tumambad saakin ang puting ilaw. It was like the light was illuminating the area. Pumapasok ang ilaw sa mata ko sa pamamagitan ng mga pagitan na ginawa ng tao na nakapalibot saakin. As I open my eyes wider, I saw....




avatars.




"AHHHHHH!" Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko. I started reading the names of the avatars in front of me.




Anjelou

Ammony

Atler

Anx

BEYOND // KOETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon