Chapter 7

114 17 0
                                    

[Threesthan's POV]

"Kailan mo malalaman na in love ka sa isang tao? Alam mo bang pagmamahal 'yang nadarama mo? Paano mo masasabi kung pagmamahal nga ba ang nararamdaman mo?"

Our professor discussing in front of us kasabay ng pagbabato niya ng mga tanong all about love. Actually it's an interesting topic para sa mga gaya namin, kahit kasi ako hindi ko alam 'yang love-love na 'yan. Ang nakatatak lang lagi sa isipan ko is mahal ko si Venjoe. Ayon din ang laman ng bunganga ko, palagi ko 'yang sinasabi kay Audrey noon without knowing kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa isang tao. Family love is given, ang pinag uusapan dito ay 'yung loving someone, as in someone na pwede mong makasama habang buhay hanggang sa mamatay.

"Uhh sir," one of my classmates interrupting the discussion to ask some questions.

"How about you sir? Kailan ninyo po nalaman na inlove kayo sa asawa ninyo ngayon? and may mga past po ba kayong naging girlfriend bago ang asawa ninyo?" Tumikhim si sir bago sumagot.

"Masasagot ba ng tanong ang isa pang tanong? Ako 'yung nag tatanong eh," bahagyang nagsitawanan 'yung mga kaklase ko at napakamot sa ulo 'yung classmate ko na nagtanong.

"Pero sige sasagutin kita," para kaming mga bata sa sabik sa story telling ni sir.

"Hindi ko alam," simpleng sagot niya.

"Ang tanging alam ko lang is mahal namin ang isa't-isa, walang dahilan. Kung ang isang tao ay sinabi sa'yo na mahal ka niya kasi ayon ka, ganito ka, ganiyan ka.. That's not love. Kasi kung magmamahal ka o kung may magmahal sa'yo ay dapat walang dahilan, kasi dapat pag nagmahal ka ang tanging nasa isip mo lang ay mahal ko 'yan eh wala akong pake sa lahat. Kapag kasi nag mahal ka ng may dahilan, paano nalang kung sa pagsasama ninyo ay mawala ang mga dahilan kung bakit mo minahal ang isang tao edi kasabay din no'n ang pagkawala ng pagmamahal mo," natahimik ang lahat at tila may mga na realized dahil alam ko sa iba rito ay may kanya-kanyang special someone. "Kung magmamahal ka dapat walang dahilan para wala ring dahilan para iwanan mo s'ya." Dagdag pa niya.

"Sir, totoo po bang pag nawala na 'yung spark at kilig ay wala na ring pagmamahal?" tanong naman ng isa kung classmates.

"Like what I've said erlier, 'wag kang magmamahal ng may dahilan, kung mahal mo siya dahil sa mga bagay na 'yan hindi pagmamahal ang tawag diyan, that's what we called.. infatuation. 'Yang sinasabi ninyong crush crush? maaring puppy love lang 'yan- physical attraction kasi gwapo o maganda siya o 'di naman kaya ay magaling sa ganito, sa ganiyan."

"Sir hindi ni'yo pa po nasagot 'yung isa ko pang tanong kanina kung may naging girlfriend nap o ba kayo bago 'yong asawa mo ngayon." Apila ng kaklase kong nag tanong kanina.

"Mayroon naman kaso hindi nag work eh," bahagyang natawa si sir.

"Natural lang kasi na may dumaang mga tao sa buhay natin bago natin makamit 'yung special someone natin. Kailan may magpa realized sa'tin ng mga bagay-bagay. Kasi 'yung mga taong past natin ay sila 'yung mga pagkakamali natin na magiging lessons." Grabe ang deep ni sir, kahit na wala akong jowa nakuha niya attention ko. Siguro infatuation lang ang nararamdaman ko kay Venjoe? Ay no! Infatuation lang talaga. Napasapo ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko. May pa bigay-bigay pa'ko ng kung ano-ano sa kanya. Oh well hindi naman ibig sabihin na binigyan ko siya ng kung ano-ano ay mahal ko siya, for appreciation lang 'yun dahil sa gwapo niyang presence.

"Hoy!" napatalon ako sa gulat nang sa biglang pag sulpot ng ugok na 'to sa tabi ko, nagawa niya pa akong gulatin.

"Pota ka!" Sinapak ko siya sa braso.

"Aray," daing niya.

"Kasalanan mo 'yan gulat-gulatin mo 'ko eh. "Ngumisi pa ang gago.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sinusundo ka," kinindatan pa niya ako. "'Wag mo 'kong kindatan ng ganiyan nakakadiri, tsaka wag mo 'kong ma sundo-sundo kasi may mga paa ako para mag lakad," lumabas ako ng room ng hindi siya binabalingan.

"'To naman makapag salita ng kadiri parang hindi nalasing sa halik ko no-,"

"Kaylle Velasquez!" Pag babanta ko.

Napaatras ito nang tangka kong ihampas 'yung bag ko sa kaniya.

"'Wag mo 'kong ma sundan-sundan baka mapatay kita!" abat ang walang hiya tinakbuhan lang ako nang nakangisi. Napailing na lang ako sa kawalang hiyaan ni Kaylle, ewan ko ba kung saang lupalot 'yan ng mundo galing bigla nalang dumating sa buhay ko.

"Natural lang kasi na may dumaang mga tao sa buhay natin bago natin makamit 'yung special someone natin. Kailan may magpa realized sa'tin ng mga bagay bagay. Kasi 'yung mga taong past natin ay sila 'yung mga pagkakamali natin na magiging lessons."

Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isipan ko 'yung mga sinabi ni sir kanina like.. I don't care if someone's leaving kasi kung aalis sila baka ihatid ko pa sila kung saan sila patungo, at kung magiging lessons lang naman eh why not? Sana maraming taong dumating sa buhay ko. Natawa nalang talaga ako sa mga iniisip ko.

"Felling better?" Binalingan ko ng tingin ang taong na sa tabi ko habang sinasabayan ako mag lakad.

"Yup, and thank you ulit ah," I smile to him.

"Okay lang 'yun pambawi ko sa mga atraso ko sa'yo," napakamot siya sa ulo. Kitang-kita ko ang kagwapuhan niya nang bahagya akong napatingin sa kanya.

"Atraso?" tanong ko kahit alan ko ang mga pinupunto niya.

"Mga pang ga-gago ko sa'yo noon, pang e-snob at pag re-reject." Tinanguan ko na lang siya and okay lang naman ang lahat sa akin. Kasalanan ba niyang nagpakatanga ako sa kanya dati. Ay wow Threesthan ang ganda ka?

"May laro kami bukas nood ka ah, kung hindi ka busy," anyaya niya.

Hindi ko alam kung anong swerte 'to sa buhay, 'di ko alam kung swerte bang matatawag 'to. Kasi look-- 'yung dati kung lubos na hinahangaan andito sa tabi ko at niya-yaya ako na manood nglaro niya. Isa pa 'to na akala ko umuwi na, andito pa pala nakatayo sa gate na seryosong nakatingin sa'min ni Venjoe.

"Akala ko-" hinawakan niya ako sa kamay at hinigit papunta sa kanya. "Tara na uuwi na tayo, ako kasabay mo."

Nakangisi si Vemjoe nang binalingan ko ng tingin, kitang-kita ko ang earrings niyang kumikinang. Omjii ang gwapo niya talaga.

"Sige na Venjoe mauna na kami."

"Ingat," aniya.

"Iingatan ko talaga siya kahit 'di mo sabihin," sagot ni Kaylle na halos matawa ako kasi kung maka asta siya ay parang boyfriend ko, sige bahala ka, diyan ka masaya hahayaan kita. 

When it all Became WastedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant