Chapter 20

46 9 0
                                    

[Threesthan's POV]

Sumililip ako sa sala kung saan naka upo si Kaylle, naka bukas ang T.V ngunit wala ang atensiyon niya roon. Busy ito sa cellphone niya. Pinabayaan ko na lang siya at itinuon na lang ang pansin ko sa niluluto ko. As usual dito kami sa condo ko dumiretso, ang sabi niya next time na lang kami pupunta sa bahay nila since may kalayuan iyon kung saan kami galing.

Pinahiram ko na ang siya ng damit ko dahil bahagyang nabasa kami sa ulan at sigurado namang kasiya ang mga damit ko sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siya pumili sa closet ko matapos niyang maligo. Ayaw niya pa ngang maligo kasi wala raw siyang panloob kesa naman daw mang hiram siya sa akin, pinilit ko siya at sinabing may mga bago akong boxer briefs na hindi pa bukas kaya wala na siyang nagawa.

"Psst," tawag ko sa kainya matapos kong mag luto dahil kakain na kami. "Psst!" hindi niya narinig ang una kung tawag, mukhang abala sa kung ano mang mayroon doon sa cellphone niya. "Kaylle Velasquez!"

Napalingon ito na parang nahuli ko siyang may maling ginagawa. Bigla itong tumayo at deretso sa akin. "Luto na? Tara na kain na tayo." dederetso itong umupo sa hapag. Weird.

Tahimik kaming kumain, walang nagsasalita sa amin tanging ingay lang ng kubyertos. Nasaan na 'yong mapang asar na Kaylle? Tila natahimik ata.

Natapos kaming kumain, nag presenta na ako na lamang ang mag liligpit dahil parang wala siya sa mood, baka pagod lang.

"Sure ka okay lang sa'yo?" tumango na lamang ako.

"Mag pahinga ka na muna roon, okay lang ako." Gano'n ba mapagod ang isang Kaylle Velasquez? Bigla na lang natatahimik.

Natagpuan kong naka hilig ang ulo niyasa sandalan ng sofa sa sala nang mag tungo ako roon, bahagyang naka pikit ang kaniyang mga mata. I heard a little snore. I found myself smiling while watching him sleeping. Anong gagawin ko rito? aayusin ko ba or hahayaan na lang? Kawawa naman kung hahayan ko mukhang hirap na hirap siya.

Kumuha ako ng unan sa kwarto ko. Inilagay ko iyon sa sofa at dahan dahan ko siyang inihiga roon. Nagulat ako sa temperature ng leeg niya nang hawakan ko iyon. It's not normal. Kumuha ako ng thermometer at nilagay iyon sa kili-kili niya. Nilalagnat siya!

Napansin kong nangangatog siya sa lamig kaya napa takbo ulit ako sa kwarto ko para kumuha ng kumot. The Good thing is I have medicines here in my condo. As pre-med student required kami magkaroon nito kahit hindi kami madalas dapuan ng sakit or kung gaano kami ka healthy in case of emergency.

"Kaylle," marahan ko siyang niyugyog upang magising. Nang magising ay umupo ito sa sofa at tumingin sa wrist watch niya. "Ay sorry nakatulog ata ako, sige babe mauna na'ko." aniya nang parang walang sakit.

"No!" pagpigil ko sa kaniya. "Dito ka na mag palipas ng gabi baka kung ano pang mangyari sa'yo at nilalagnat ka pa naman.

Naningkit ang kanyang mga mata, "Uyy concern siya, takot mawala ako,"

"Ikaw may sakit ka na nga ganiyan ka pa, ginising kita para uminom ng gamot." Napaawang ang bibig niya at tumingin sa tablet at isang basong tubig na nasa lamesa.

Kinuha ko iyon upang ibigay sa kaniyan. "Take this para humupa ang lagnat mo," napalunok siya nang tingnan ang tableta.

Pilit siyang ngumiti. "I didn't take any medicine pag nilalagnat hinahayaan ko lang humupa."

Taka ko siyang tiningnan, "Dati 'yon kasi walang mag papainom sa'yo ngayon andito na'ko para painumin ka." Inilapit ko pa sa kanya ang tableta.

Medyo lumayo siya sa akin na parang takot sa gamot na inaalok ko. "Come on Velasquez, hindi mo 'to ikamamatay bagkus ikaka galing mo pa, paracetamol lang 'to oh this won't hurt you."

"Ayaw," umiling iling pa ito.

"Dali na," pagpupumilit ko, bakit kasi ayaw niyang inumin ito? Malinban na lang kung..

"'Wag mong sabihin sa'kin na hindi ka marunong lumunok ng tableta?" ngumiti ulit ito ng pilit.

"Okay, fine," pagsuko ko at tila naka hinga naman siya ng maluwag. Tumayo ako at nag tungong kusina para kumuha ng hot water at kutsara.

"Umupo ka ng maayos Velasquez inumin mo 'to." Tinunaw ko ang tableta sa kutsara gamit ang mainit na tubig. "Ahhh na dali, mas convinient 'to."

Ngumanga siya at isinubo ko ang kutsara sa bibig niya at pinainom siya ng tubig. "Hindi ko 'to naisip ah," komento niya pa.

Puro kasi kalokohan ang nasa isip mo," niligpit ko na ang mga kalat sa sala at hinyaan na lang siyang mahigang muli.

Papasok na ako nang kwarto upang maligo nang tawagin niya ako. "Threesthan," napa atras ako upang silipin siya at tiningnan siya nang mukhang nagtatanong.

"Wala bang mumu rito?"

"Mayroon," humalakhak ako habang papasok sa kwarto ko.

Kalalaking tao takot sa multo, ako nga lang mag isa rito araw-araw eh hindi naman ako natatakot. Pa'no pa kaya kung patitirahin mo siya sa isang bahay na walang kasama tas takot pa sa multo. Nakangiti akong umiling.

After kong maligo nag suot lang ako ng sweat short at sando, habang pinapa tuyo ko ang buhok ko ng tuwalya matapos kong mag bihis ay napag pasyahan kong silipin si Kaylle.

Nakatalukbong ito ng kumot. "Sino 'yan?" nakaisip ako ng kalokohan sa kaniya. It's my turn naman. Dahan dahan ko inilalapit ang kamay ko sa bandang ulunan niya at dahan-dahang hinahaplos ang ulo niya pababa sa kanyang mukha. "Threesthaaaan! Babe!" sigaw nito. Tinakpan niya pa nang una ang mukha niya sa ilalim ng kumot.

"'Threethaaaaan!" Halos sumabog na'ko dahil sa pinipigilan kong tawa. Tumayo na ako sa tapat niya, naka talukbong pa rin ito.

"Sino ka?! Alis diyan?!"

"WooooOOooh mumu 'to," pananakot ko na parang hindi isang malaking katawan na lalaki ang tinarakot ko kung hindi ay nanakot ako ng isang bata. Hinila ko ang kumot niya at inalis ang unan na naka patong sa kaniyang ulo.

"Ang laki laki ng katawan pero takot sa multo."

"Babe naman eh 'wag mo na ulit ako tatakutin ng gano'n ah." napahilamos ito sa mukha niya.

"Okay ka lang ba diyan sa sofa? Baka nahihirapan ka pwede ka namang tumabi sa akin sa kama," tumingin siya sa akin.

"Talaga babe okay lang sa'yo?" Binato ko siya ng unan.

"Ewan ko sa'yo paulit-ulit ka bahala ka riyan may mumu riyan," pumasok na ako sa kwarto para matulog, tumakbo naman siya dala-dala ang unan at kumot na ibinigay ko kanina.

"Threesthan," nakahiga na kami parehas.

"Shhh! Just sleep, Velasquez," pagsasaway ko sa kanya.

Napa balikwas ako ng may maramdamang kamay sa katawan ko. Ang sarap naman sa pakiramdam ng yakap nya.

"Thank you ah," naka talikod ako sa kanya, lumapit pa siya sa akin upang higpitan ang yakap niya at isinubsob niya ang kanyang mukha sa batok ko.

"Phinga na Kaylle, kung aalagaan mo'ko kapag may sakit ako, gano'n din ang gagawin ko sa'yo."

And we both peacefully sleeping. I Love you, my man.

When it all Became WastedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon