Chapter 24

32 4 0
                                    

[Threesthan's POV]

"Sarapan mo ah," Nakababa na'ko ng sasakyan ni Audrey at naka silip na lang siya ngayon sa bintana nito.

"Don't worry ipapatikim ko sa'yo dadalhan kita bukas pag pasok sa school." kumaway ako sa kaniya bago siya umalis.

So.. what I'm going to do with these ingredients? Naka latag ito sa harap ko lahat. Since ang kapal ng mukha ko mag plano na gumawa ng homemade cookies nang hindi ko alam kung paano sisimulan kaya ang ending ay nanood nalang ako sa YouTube.

Hindi ako kinulang sa mga sangkap, lahat ng kailangan ay nabili ko buti nalang talaga kasama ko si Audrey sa pag bili, may pakinabang din ang gaga.

Nang ihalo ko na lahat ng dried ingredients sa glass mixing bowl ay nangalay ako sa pag halo gamit ang wooden spoon kaya gumamit ako ng hand mixer.

"Putcha!" napamura ako nang biglaan kong nailagay ang electric mixer sa bowl kaya medyo tumalsik ang mixed ingredients. Pinunasan ko ang parte ng mukha ko gamit ang kaliwang kamay ko at ang kanan naman ay hawak ang electric mixer. After kong maimix ang lahat ay pinag masdan ko muna ang lahat ng naka latag na ingredients baka may nakaligtaan ako.

Napa angat ako ng tingin nang may marinig na katok at agad akong nag tungo sa pinto para buksan iyon.

"Ang tagal mag bukas ng pinto, tara—" hinawakan niya ang wrist ko para hilain palabas nang mapansin niyang naka apron ako ay napa tigil siya at bumaling sa mukha ko. "Bakit ganiyan itsura mo?" tumatawa itong nakaturo sa mukha ko.

I pouted, "I currently making cookies." ngumuso ako. "Saan ba tayo pupunta? Kung makahila ka feeling mo kaladkarin ako." Bumalik ako sa loob para tapusin ang ginagawa ko. Nasaan na nga ba ako?

Sumunod siya sa'kin sa kusina matapos isara ang pinto. "Marunong ka ba niyan?"

"Hindi."

"Oh, bakit ka gumagawa niyan?"

"Para sa'yo," hinahalo ko ulit ito gamit ang rubber scraper. "Magiging marunong ako para sa'yo."

Amusement smile appeared on his face. "Sweet naman ng babe ko," pinisil niya ang pisngi ko.

"Ano 'yang dala mo?" tanong ko sa napansin kong dala-dala niyang kahon na hindi kalakihan.

"Cake, dadalhin sana kita sa bahay, eh kaso mukhang busy ka sa ginagawa mo para sa mahal mo eh." binuksan niya 'yong kahon at nilabas ang black forest na cake.

"Tapos na ba 'yan?" tanong niya nang e-pre-heat ko ang oven.

"Okay na 'yan."

Humiwa siya ng cake at inilagay sa platito habang pinag mamasdan ako sa pag mold ng cookies sa tray.

"May flavor ba 'yan babe?" napahinto ako sa pag momold nang makaligtan kong ilagay ang flavoring. "Hala!"

Sabi na nga ba may nakalimutan ako. Ibinalik ko ang dalawang na mold ko at kinuha ang flavoring. Natatawa ulit si Kaylle sa katangahan ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta ito sa likod ko upang subuan ako ng cake na kinakain niya. "Bubuksan ko sana 'to sa bahay pag dating natin doon kaso gutom na'ko eh," patuloy niya pa rin akong sinusubuan.

"Galit ka ba?" malungkot kong tanong.

"Bakit naman ako magagalit?" Isinawasaw niya ang daliri niya sa flour na naka kalat at ipinahid iyon sa mukha ko.

"Lagyan natin ang isa pa para pantay na." Mukhang hindi niya nga alam na magkasama kami ni Venjoe khapon, hindi naman kasi galit.

"Tanggalin mo nga 'yan, isa!" tinanggal niya ang dampi ng flour sa mukha ko matapos niya akong picturan.

When it all Became WastedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon