Chapter 14

57 8 0
                                    

[Threesthan's POV]

A little smile appears on my lips while I'm playing my hamsters, they're adorable. Dapat pala aquarium 'yung pinaglagyan ko sa kanila para mas relaxing tingnanhindi gaya ng cage na 'to.

Nilabas ko sila sa kulungan at inilagay sa isang walang lamang kahon para pakainin at pag laruan, wala lang gusto ko lang silang hawak-hawakan. Suddenly, naalala ko bigla na wala pala akong nabiling pagkain nila.

Tiningnan ko ang oras at mag la-lunch time na, binalingan ko ang mga hamsters. Kawawa naman sila hindi pa sila kumakain kagabi pa.

Napag desisyonan kung bumili ng take outs sa isang fast food chain at isabay na rin ang pagkain ng dalawa kong alaga, parang nagkaroon tuloy ako ng mga anak.

Nang makababa ako ng unit saktong pag labas ko ng bukanan ng building ay may isang naka motor na lalaki ang dumaan sa harap ko, base sa pang baklang instinct ko ay medyo malaki ang katawan nang lalaki na naka tago sa maroon nitong jacket. Hunk kung baga, naka suot ito ng itim na helmet na bumabalot sa buo niyang ulo kaya hindi ko makita ang mukha. Nagulat ako nang lumiko ang motor pabalik sa puwesto kung saan ako naka tayo matapos nito akong malagpasan. Hummarurot at bumusina pa ito. Papansin?

Tiningnan ko nang masama ang lalaki. Kahit bakla ako masasapak ko 'to. Hindi pa siya na kuntento, babalik pa talaga at tila uulitin ang ginawa niya kanina. Syempre sa pagkakataong 'yon humarang na ako para pahintuin siya, then boom huminto nga. Buti naman, akala ko sasagasaan niya ako ng tuluyan eh.

"Hoy! Asungot! Anong problema mo? Pinagmamayabang mo ba sa'kin 'yang motor mo? Kung gano'n wala akong pake!" sigae ko sa kaniya.

"Aba! Ano?! titingnan mo lang ako? wala ka bang bibig? Tinatanong kita kung anong problema mo? at umeepal ka rito!" then suddenly, I realized how rude I'm right now, iisang tao lang ang itinururing kong ganito!

"Sige, isang sigaw mo pa at hahalikan ko 'yang mga labi mo," itinaas niya ang kaniyang helmet, bumungad sa akin ang na gulo niyang buhok dahil sa helmet, mapupungay na mga mata matangos na ilong, the jaw line and his beautiful shaped lip's with deep Cupid's bow. Also, his annoying presence.

"Ganiyan mo ba e-welcome ang gwapong mukha ko?" tumaas ang kilay niya at makikita ang mapanlinlang niyang aura.

"'Pag ikaw oo, pero pag iba hindi," iniwan niya ang motor at lumapit sa akin, inihilig niya ang kanang kamay niya sa likod ko at bahagya akong itinulak palapit sa kanya, nagkadikit ang ilong naming dalawa. Iniwas ko ang aking tingin. Ito ka nanaman Threesthan bakit 'pag itong asungot na 'to ang kaharap mo hindi ka maka galaw?!

"Ulitin mo nga ang sinabi mo," may halong pagbabanta sa boses niya.

Itinulak ko siya sa dibdib at agad naman itong lumayo kalaunan.

"Dahil sa oras na marinig ko ulit 'yon sa'yo sisiguraduhin kong hindi ka na malalasing sa alak kundi ay sa mga halik ko na, Threesthan," ngumisi ito at kumindat.

Walang emosyon ko siyang tinititigan na tila binabasa ang mga kilos niya. "Hihintayin mo pa bang halikan kita bago ka muling bumalik sa dati? tulala ka oh," hinawakan niya ang dalwang balikat ko at akma akong hahalikan nang hawakan ko ang isang kamay niya at pinilipit iyon dahilan para mapa upo siya at mapa daing sa sakit.

"Who are you? Do I know you kuya?" pang mamaang-maangan ko.

"Ahh! pwede ba bitiwan mo na ako parang awa mo na, please!" binitawan ko siya dahil mukhang napalakas ang pag pilipit ko ah.

"Ang bilis mo naman makalimot babe, ang sakit naman ng ginawa mo sa'kin," reklamo pa nito habang marahang hinihilot ang bahaging napuruhan ko.

"Sorry kuya hindi po ako kumakausap ng stranger, bye," kumaway ako at hahakbang na sana palayo nang mag salita ulit ito.

"Sige, isang hakbang mo lang palayo, sisisguraduhin kong akin ka na," hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag tuloy-tuloy ako sa pag lakad, binilisan ko rin ang lakad ko.

Nahabol niya ako gamit ang motor niya. "Sakay na!" aya niya.

"Eh?"

"Eh?" he mocked.

"Kusa kang sasakay o gusto mo buhatin pa kita?" pagpupumilit niya pa. Parang gusto ko na lang mag pa buhay. Emz!

"Bakit ka ba andito? Anong kailangan mo?" halos ipag tabuyan ko siya.

"Bakit si Venjamin lang ba may karapatan sa'yo? Siya lang pwede mong kasama? Mayaka- " napahinto siya sa kaniyang mga sinasabi na tila may nasabing ikabubuking niya.

Tiningnan ko siya nang naningkit ang mata at mabusisi siyang sinusuri. Hindi siya makatingin ng desretso at napansin ko ring hindi mapakali ang mga mata niya.

Kalaunan ay umangkas ako sa kaniya, "tara na dalian mo nagugutom na 'yung mga alaga ko, doon tayo sa pinaka malapit na pet shop then bibili rin ako ng pang lunch." Ipinaharurot niya ang motor at bahagyang pumreno dahilan para mauntog ako sa likod niya.

"Pota! Ayusin mo naman ang pagmamaneho baka sa St. Peter punta natin nito," reklamo ko sa kanya.

"Okay lang, kasama kasama namam kita," hinampas ko siya sa balikat dahilan para tawanan niya lang ako.

Kinuha niya ang mga kamay ko na naka lagay sa balikat niya at inilagay iyon sa tiyan niya, nag tindigan ang mga balahibo ko. "Kahit ngayon lang, babe." Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, unti-onting humihigpit ang pagkaka yakap ko kay Kaylle. Kasi takot akong mahulog. Shit feeling ko nagkakasala ako sa ginagawa ko nakakapa ko ang matitigas niyang abs, hunk na hunk ang siraulo, mukhang nag gy-gym.

Matapos naming mamili ay hinatid niya rin ako sa condo ko at ang siraulo hindi pa man ako nag aalok ay inunahan na ako. Kaya wala na akong nagawa kundihayaan na lamang siya.

"Bibili-bili kasi niyan tapos hindi manlang sinamahan ng pagkain, kala siguro niya laruan," pananalita nito sa likod ko.

"Wala kang pake , mag luto ka na roon at nagugutom na ako," hindi kami bumili sa fast food chain kasi itong sira ulong 'to ang sabi niya bumili na lang daw kami ng maluluto at siya na ang magluluto. Ako naman si gaga sa hindi malamang dahilan ay pumayag na lang eh hindi panaman ako gutom that time kaya makapag hihintay pa 'ko, gusto ko ring matikman ang luto ng isang Kaylle Velasquez 'no.

"Yes babe!" tugon nito bago pumuntang kusina para mag luto, tinanong niya ako kanina kung anong paborito kong ulam sabi ko kaldereta edi ayon ang ugok, bumili ng ingredients pang kaldereta iyon na lang daw ang lulutuin niya para sa'kin.

Tingnan ko kung masarap nga iyon at kanina niya pa pinagyaysabang sa akin na masarap daw siya mag luto. Kasing sarap kaya niya? Charot!

When it all Became WastedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon