Chapter 1

1.2K 17 0
                                    

"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin"

NAPAUPO ako nang marinig ko ang chorus nang isa sa mga paborito kung kanta nang Neocolors.

NakakaLSS naman. Bigla ko tuloy naalala yung College days ko. Minsan talaga ang sarap balik-balikan yung mga ala-ala sa past.

"Chin pahinga muna, meryenda tayo sa baba." narinig kong sabi ni Kuya James sa labas nang pintuan nang kwarto ko.

Sobrang namiss ko tong kwarto ko. Almost 4 years din akong nawala dito.

Pagkagraduate ko kasi sa College ay nagprisinta ako sa mga magulang ko na sumama sa kanila sa Davao kung saan nandun ang family business namin.

Dahil nga graduate ako nang BS Psychology ay hindi naman ako nahirapan makapasok sa isang private hospital na pag-aari nang Ninong Daniel ko.

Bakit ko nga ba naisip na pumunta sa Davao at doon na magstay.?

____________________

January 25, 2016

Magkatabi kaming nakaupo ni Jjong sa may bench nang basketball court nang School namin.

Parehas na kaming nasa Senior year ni Jjong, sa halos 1 year and a half na relasyon namin eh hindi naging madali ang lahat. Ang daming tampuhan, sungitan pero kahit paano lagi naman kami nagkakaayos.

Pero iba na yata ngayon. Pakiramdam ko dito na matatapos ang lahat.

"Bakit ba kasi hindi mo sinunod yung sinabi ko na wag sumama nina Tom?." may bahid nang pagtatampo ang boses nito.

"Jjong naman andun lahat nang mga kaibigan ko, saka diba cool na kayo ni Tom, ang tagal na yung issue nyo." simangot ko.

"Alam naman nang lahat na hanggang ngayon eh may gusto parin si Tom sayo, saka alam ko na kaya lang sya nagpaparty eh para mayaya ka nya."

"Tamang hinala ka rin ah, pati yung simpleng birthday party ni Tom kinaiinis mo. Akala mo ba wala akong alam sa inyo ni Monica?."

Si Monica ay classmate ni Jjong. Matagal ko nang napapansin na dikit nang dikit ang babaeng yun sa boyfriend ko. Napansin ko yun nang makasama ko ang dalawa sa isang subject.

"Oh eh bakit naman nadawit si Monica dito? kasalanan ba namin na maging magpartner kami sa thesis namin.?"  medyo naiinis na ang boses nito.

"If I know talagang gumawa sya ang paraan na maging partners kayo. Gusto mo ba sya?." pagsusungit ko dito. Konting konti nalang at maiiyak nako. Nadagdagan pa ata ang pagkasenstive ko dahil may montly period pako.

"Ano ba namang klaseng tanong yan Chin?, para ka namang bata."

"Ako pa ngayon ang parang bata? Eh ikaw tong nag-umpisa."

"Kung ayaw mong magalit pako sayo makipagpalit ka nalang nang partner sa thesis nyo." dagdag ko pa.

Alam ko napakachildish nang nasabi ko. Pero sa time na yun eh sobrang naiinis nako.

"Ayoko ko nga! Ano ka ba naman Chin, ba't ko naman gagawin yun eh ikaw nga hindi mo sinunod yung sabi ko na wag pumunta dun sa party ni Tom, pero ginawa mo parin tapos ngayon sasabihin mo sakin yan?."

Tumahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na yun.

Tumahimik narin si Jjong marahil ay ayaw narin nitong makipagtalo sakin.

Because I'm Your Girl 2 | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon