Chapter 2

379 14 0
                                    

"SOBRANG na miss ko kayo!." sabi ko habang nagyayakapan kami nina Miki, Tine at Rafa.

"Sobrang miss ka din namin no.!" si Tine.

"Asus eh bakit dalawang beses lang kayo dumalaw sakin sa Davao." simangot ko sa mga ito.

"Girl, intindihin mo na, sobrang busy lang talaga sa work saka lagi naman tayo nag vivideo call ah." paliwanag ni Rafa.

Sabagay tama naman din naman ito. Iba na talaga ngayong puro na kami may mga trabaho, di gaya nong nasa College pa kami na lagi kaming may bonding.

Nasa loob kami nang isang cafe na malamit sa may Makati Med kung saan na nagwowork si Rafa. Almost 2 years narin itong nagtatrabaho doon bilang Clinical Pyschologist.

"Excited nakong makasama ka sa work Chin! Buti nalang talaga doon ka nag-apply." pahayag ni Rafa.

Nasa Davao palang ako ay nag-apply nako para naman maging ready na ang lahat bago ako makabalik nang Manila. Natanggap ako bilang HR Manager, buti nalang talaga nakakuha ako nang experience sa ospital nang Ninong Daniel ko sa Davao.

"Buti sana kung parehas sched nyo, saka iba naman department nyo Raf." si Miki nagsalita kahit na medyo busy ito sa pagtetext.

"Sino na naman yan Miki?" sita ni Tine dito.

"New boylet ko." ngisi nito at pinakita pa samin ang picture nang guy na ginawa pang wallpaper ang mukha nito.

Hindi rin naman nagtagal sina Miki at Josh. After graduation ay break din ang dalawa, gawa nang nagloko si Josh sa relasyon nila. Hindi agad nakamove-on si Miki, kaya laking tuwa namin nang nakahanap na ito nang bagong boyfriend. At ngayon nga ay may bago na naman itong kinagugustuhan.

Si Tine naman at si Mon ay going strong. Mukhang may forever sa dalawang to, di gaya nila ni Jjong. Napainom ako nang iced tea ko nang maalala ito.

"Alam mo bang maraming mga gwapo dun sa department nyo Chin, kaya ngayon may excuse nako para makapunta don." excited na sabi ni Rafa.

"Mga gwapo talaga?, over ka Rafa ah, saka hindi yan binalik ko dito no."

"Sure ka Chin hindi ka talaga nagkabf sa Davao? I mean wala talaga?." si Miki, nasa amin na ang atensyon nito.

"Nagkaroon naman ako nang mga ka-MU. Ayaw ko kasing magkaroon nang seryosong relasyon." paliwanag ko.

"Mmmmm...alam naman natin kung bakit." pang-aasar ni Tine.

Nagets ko naman ang pang-aasar nito.

"Hindi ah, tagal tagal na nun eh."

"Offensive naman agad."

"Nakamove-on nako no, ni hindi ko na nga maalala pagmumukha nang gung-gung nayun." pagsisinungaling ko.

Nakamove-on na ako kay Jjong. Pero syempre may time na naiisip ko ito. At hindi totoong nakalimutan ko na ang magmumukha nito. Pano ko ba makakalimutan ang mukha nang lalaking unang kong minahal.

MATAPOS ipakila ako ni Mr. Escubar na aming HR Director sa mga staff nang buong HR team ay dinala nako sa magiging office ko.

Napakabait nito at mahinahon kung mag explain. Ang sabi pa nito ay naaalala daw nito ang bunsong anak na babae na nasa America naman nagtatrabaho ngayon.

"Aileen, no need to worry about your team alam na nila ang gagawin. If you have any question, just make a phone call sa office ko, okay?."

"Opo, will do that Sir. salamat po."

At umalis na nga ito.

Nang maiwan nakong mag-isa sa office ko ay iginala ko ang tingin sa paligid. Sakto lang ang laki nito, may dalawang sofa din na pwedeng upuan kong magkakaroon ako nang bisita dito.

Bukas nako magdadala nang mga gamit na pwede kong ilagay dito. Para naman kahit papano ay may konting nakadisplay roon.

Naputol ako sa magmumuni-muni nang may kumatok.

"Pasok." saad ko.

Pumasok si Melanie, incharge ito sa mga pagrerecruit nang mga empleyado sa team.

"Miss Raymundo, heto yung mga handover ni Mr. Reyes."

Si Mr. Reyes ang dating HR Manager nang mga ito.

"Salamat Melanie, and please Aileen nalang." sinabi ko yun dahil halos isang taon lang naman ang tanda ko dito. I'm turning 25 this year. Napasimangot ako nang maalala na hindi nako teenager.

"Okay po Miss, I mean Aileen, sabihan mo nalang ako kung may mga kailangan ka."

"Sure."

HALOS magdadalawang buwan narin simula nang mag-umpisa ako dito.

Tumawag sakin si Mr. Escubar kagabi at sinabing may importante daw itong sasabihin.

After nang meeting ko ay nakipagmeet nako dito sa may cafeteria nang ospital.

"May problema po ba?." tanong ko dito nang makaupo na ako.

"I have a favor to ask Aileen."

Kinabahan ako bigla.

"Ano po yun?, gagawin ko po kung makakatulong ako." paliwanag ko.

"Alam mo kasi my brother's youngest son is such a rebel and a big time headache sa pamilya nang kapatid ko. Malaki nga ang pasasalamat narin nang makagraduate ito 5 months ago. At ngayon nga nakiusap sakin ang Papa nya na ipasok ko sya dito sa ospital, tapos ito nang Computer Science kaso mukhang wala naman itong balak na humanap nang sariling trabaho."

"Freshly grad po pala sya.." saad ko dito.

"Kaya nga please Aileen, work with him. Ayaw ko malaman nang iba na kaya sya nakapasok dito sa work ay dahil sakin. I mean kung magwowork sya under sayo tiyak na marami syang matututunan." paliwanag nito.

"Confidential po pala ito."

"Tama, kaya nga mas okay kung walang ibang makakaalam nito."

"Wala naman pong problema sakin yun Sir. Kelan po ba sya mag-uumpisa?."

"Sa Monday sana, if that's okay."

"Monday is perfect Sir, wala naman po ako masyadong appointment next week. Ano pong pangalan nang pamangkin nyo.?"

"His name is Manuel Escubar."

"Sige po, I will put his name sa listahan for new starter."

"Thank you Aileen, I need to remind you tho that he's a bit of a stubborn young man."

"Thanks for the heads up Sir."

"AT kelan pa napasok sa resume mo ang baby sitter?." pang-aasar ni Rafa.

Kasama ko ito sa sasakyan, color coding kasi nito kaya ihahatid ko to sa condong tinutuluyan.

At dahil nga traffic sa Edsa eh mahaba ang time namin na makapagcatch up.

"Okay lang naman sakin yun, saka mabait si Mr. Escubar, hindi nako nakatanggi."

"Sana gwapo, para kahit papano ay mainspired ka naman."

"Ewan ko sayo Rafa, sabi mo dadalawin mo ko palagi sa department namin. Anyare? saka sabi mo maraming gwapo sa department namin. Sino pa dun ang "mga" gwapo na pinagsasabi mo.?"

"Chill girl, sobrang busy lang talaga, sorry na girl." at nagpacute pa ito sakin.

Ngumisi narin ako.

"May tawag ka girl."

Saka ko lang napansin ang phone ko.

"Si Kuya yan, pakisagot Raf, iloud speaker mo nalang."

"Okay." sagot nito.

"Yes Kuya?."

"Pauwi kana?"

"Opo, bakit?"

"Monica is here."

Parehas kaming nagkatinginan ni Rafa, kaikwento ko na kasi sa mga ito ang tungkol kay Kuya at Monica.

"Okay, I'll be there soon."

Ngumuso sakin si Rafa.

"Ayaw ko na talaga sa earth."

"Baliw."

Because I'm Your Girl 2 | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon