Chapter 3

1.5K 65 17
                                    


"Hello, this is Eron's Art Shop, who is this please?"

"This is Mr. Augustus Mondragon, the one who tried to book an appointment to your artist for how many times----"

"Ah, oo sir, I remember."

"May vacant ba sa schedule ng artist ninyo ngayon? I've told you how many times na masugid na customer ninyo ang mama ko. At saka, I'm willing to pay whatever the price."

"Sir, kalma lang po kayo. We assure you that you can get an appointment to our artist at the soonest possible time.'

"Alam niyo ba na mawawalan kayo ng mga high valued customers dahil sa ginagawa niyong iyan."

"Sir, pasensiya na po. Pero after holiday ko na po kayo mabibigyan ng schedule for appointment. Kasi as of this time, hindi na po tumatanggap ng kliyente yung artist namin dahil magbabakasyon na rin siya. I'm sorry sir----'

"Who's that Charles?" Tumaas ang kilay ng binata nang marinig ang isang boses na sumabat sa kabilang linya.

"Isa pong kliyente Miss Eron. Gusto pong makipag-appointment sa inyo ngayong araw kaso wala na pong bakante." Bahagyang natuwa ang binata nang matantong ang artist pala iyon. Kahit katiting ay nagkaroon siya ng pag-asa na baka ay mapaunlakan siya sa tanggapan nito ngayong araw.

"Okay, sabihin mo na bakante ako 4 to 5 pm."

"YES!" bulalas ng binata nang marinig ang sinabi ng artist. Pangiti-ngiti na siya nang bumaling na sa kaniya ang sekretarya sa linya.

"Sir, okay na po. You can meet our artist this afternoon at 4."

"Thank you! Thank you talaga. I'll come on time."

"You're welcome sir." Pagkatapos maibaba ang tawag ay agad na tumalima si Augustus.

Kasalukuyang nasa shower si Zoie kaya hindi narinig ang kaniyang sekreto. Huh! Magaling yata siyang loverboy. Alam niyang mahilig ang mga babae sa surprises at doon siya eksperto. Ipinagpatuloy niya ang pagshave sa kaniyang balbas sa harap ng salamin pagkatapos ay nagbihis na agad ng damit panlakad. He is in a hurry. Kinakapos na siya ng panahon. Isang araw na lang ay bisperas na ng pasko at sa tatlong beses niyang pagtangka maka-appoint ang artist ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng pagkakataon.


"Hi babe... may lakad ka?"nakangiting puna ni Zoie nang lumabas ito mula sa banyo.

"Yeah, baka bukas na ako makauwi babe. May biglaang tawag na dumating kanina. Kailangan akong bumalik ng Maynila." Anang binata habang nagbubutones ng maong na pantalon.

"WHAT? Bakit? Iiwan mo ako dito sa inyo? Oh my! Alam mo namang na-aw-awkward pako dito." Kunot noong reklamo ng dalaga.

"Babe, feel yourself at home. Pasasaan ba't magiging parte ka na rin ng pamilya namin. Masanay ka na." Masuyong niyakap ni Augustus ang kasintahang may suot pang roba at hinagkan mula sa likod ang basa nitong buhok.

"Babe...please...dito ka na lang. Huwag mo akong iwan."

"Babe,..kailangan ko talaga pumunta doon. Pero sige para di ka na mag-alala diyan, uuwi ako kaagad pagkatapos kong ma-meet yung kakausapin ko."

"Sino ba kasi yan? Babae bay an o lalaki?"

"Hindi ko alam. Basta I will just meet the artist behind mama's art collection." Napabuntong-hininga si Zoie.

"Baby ko...papayag na yan." Panunudyo ni August sabay silid sa dalawang kamay nito sa loob ng roba.

"Okay, okay... basta umuwi ka kaagad ha."

Bulletproof Series 3 Augustus Mondragon "Paint My Love"Where stories live. Discover now