Chapter 6

1.2K 57 9
                                    









-----------------------------

                Pilit ang ngiting nagpatuloy sa pagkanta si Camerone matapos silang i-cheer ng mga panauhin. May iilan pang sumipol at nagfinger heart nang humarap sa madla ang binata. Kakatalikod lang ni August at nakangising bumalik ito sa inuupan. Lingid sa kaalaman, lihim na napamura ang dalaga nang tumalikod na siya. Simula noon ay Hindi na natanggal sa paningin ng binata ang dilag na kumakanta sa entablado.

Camerone sang three more songs and decided to go to the counter right away. Pumwesto siya sa isang upuan at nakangiti siyang sinalubong ni Kacey.

"Kace, do you served lime juice here?" aniyang nakangiti. Sa wakas natapos rin ang pagpapakakapal ng kaniyang mukha. Maaliwalas na ang kaniyang pakiramdam dahil naka-takas na rin siya sa makamatay na titig ng lokong manyakis na iyon. Siguro, hindi alam ng lalaking iyon kung paano magpatakbo ng negosyo. Huh! Syempre kailangan mong aliwin ang mga tao habang pino-promote mo ang isang bagay o serbisyo. Tsk! Such a poor man. Walang business management na alam.

"Margarita , you want?"

"Hehe, ayoko. Pero kung wala kayong lime dyan. Okay na yung tubig."

"Tubig? Diba binigyan ka ni August kanina?"

She grinned and rolled her eyes.

"Tinapon ko na. Hindi malamig. Gusto ko yung icy kasi."

"Ah, hahaha , kaya pala. Sige ipapakuha kita."

Sumenyas si Kacey sa isang crew nila at sinabi nitong kuhanan siya ng tubig na may ice cubes.

Nakapangalumbaba na iginala ni Camerone ang paningin sa mga nakahilerang inumin sa wine rack na naroon. Naaliw rin siyang tumingin sa barista napakagaling magpakitang gilas sa pagtimpla ng inumin na iba-iba ang kulay.

Camerone is not a party girl type. Siya yung smart, sophisticated at business minded na babae. For her, mga mababang uri lang ng mga babae ang pumaparty sa mga bar o kaya'y disco. She always had a conclusion to it. Nagpupunta roon ang mga kababaihan para uminom, makipaglandian or maghanap lamang ng lalaking kakamot sa kati. Pero bilib siya sa resto bar ni Diego. Its quite wholesome naman. Hindi parang pokpok zone ang dating. Disente ika nga. Hindi "marumi" ang ambiance.

Nakangiti siyang nakatingin sa barista nang abutan siya ni Kacey ng kaniyang hinihingi.

"Aliw na aliw ka dyan ah."

"Oo nga. Anyway, thank you for this."

Tinungga niya ang goblet hanggang sa nangalahati ito.

"Infairness doon sa song number mo Camy ha, maraming lalaki ang bumilib sayo. Ang lakas ng palakpakan eh." Ani Kacey. She used to call her Camy.

"Hay naku Kacey! Siyempre ako talaga ang papalakpakan nila kasi wala namang ibang kumunta ng mga sandaling iyon." Natatawa niyang wika sabay sulyap sa suot na wristwatch. Kay bilis talaga ng takbo ng oras. Hindi niya namamalayan alas diyes na pala ng gabi.

"May pa-gimik ka pa talaga ah. Naku baka seryosohin yun ni Augustus."

"Asus Kacey, ako ng bahalang mag-explain doon. Marketing strategy yun oy."

"HAHAHA. Nakakaloka ka."

"By the way, where's Diego?"

"Naghahanda siya ng sisig. Ise-serve niya per table."

"Ah, ganon ba? Sige, pakisabi na lang sa kaniya na umuwi na ako.'

"Uuwi ka na?"

"Oo eh, medyo pagod na kasi ako. Galing pa kasi ako sa shop."

Bulletproof Series 3 Augustus Mondragon "Paint My Love"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora