Chapter 5

1.3K 76 17
                                    


"Merry Christmas everyone!"

"Merry Christmas!"

Halos magkasabay na bati ng lahat ng mga kasapi ng pamilya Mondragon ng sandaling iyon. Its 12 midnight and Noche Buena has come. Masayang masaya ang lahat na may kani-kaniyang regalong binalot para sa exchange gifts na gagawin nila pagkatapos ng salu-salu. Ngunit bago ito ay tinapos muna nila ang kanilang maikling programa sa pamamagitan ng dance number ng anak ni Demitry at Dana na sila Sophia at Inigo. Pinalakpakan ng lahat ang dalawang bubwit pagkatapos ay magkasabay na kinarga njg kanilang lolo sa mga bisig.

"Are you excited for exchanging gifts? Sino kaya ang monito at monita ninyo?" natatawang wika ng abuelo habang hinaghagkan ang dalwang makukulit.

"Halina kayo... Its Noche Buena time. Kailangan sabay-sabay tayong kumain." Pasigaw na wika ng abuela sabay palakpak para agawin ang pansin ng mga anak na naroon at nagtatawan habang nanonood ng kanilang fireworks display.

"Barbeque is coming." Ani Voltaire na dala-dala ang tray ng mga lutong chicken barbeque papasok ng bahay. Magkatulong sila ng asawa ni Manang Helen sa paghanda n'on. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang putaheng inihanda para sa salu-salu. Arizton cooked roasted turkey na pinahiran ng spiced honey also his favorite beef tenderloin steak. Hindi nakatulong si Crystalle dahil abala ito sa pag-aalaga sa kanilang baby. Si Demitry naman at Dana ay naghanda ng mga sweets tulad ng macaroni salad, leche flan at carbonara. Si August ay nagluto ng alimango at maanghang na bulalo kasama niya si Zoie sa paghahanda ng mga iyon. Si Marjorie, ang kanilang bunsong kapatid ay siyang nakatoka sa buong programa kasama na ang mga pakulo sa exchanging gifts. Dumulog silang lahat sa mahabang lamesa at nagdasal bago nagsipagkainan.

"I'm so glad na kumpleto tayo this Christmas." Anang matandang Mondragon.

"Pa, palagi na tayong ganito KADA Pasko." Ani Arizton.

"I second the motion." Bulalas ni Voltaire na nagthumbs-up pa kahit di magkamayaw sa pagkain ng babrbeque na mainit pa.

"Well, let's make this a family tradition since we are expanding. Lalo pa't ikakasal na itong si August." Nakangiting wika ng mama nila.

"Yeah, yeah! Basta bawal ang umabsent sa ganitong pagtitipon." Si Demitry.

" By the way hijo, hows your therapy? Okay na ba? Inip na inip na si Dana oh"

Tumawa lang ng bahagya si Dana na abala sa pag-aasisst sa kumakaing kambal.

"Ma, don't worry. Madadagdagan na yang dalawa next year. Sana kambal rin."

"Dan, may lahi kayong kamabal?" sabat ni Cyrstalle na naroon sa tabi ni Arizton.

"Oo, sa father side ko."

"Crystalle hija, ano nga ba ang explanation ng science tungkol dyan?' tanong ng father-in-law.

"May dalawa kasing klase ng twins pa. As Dana's case dahil fraternal naman sila, ibig sabihin na during that time, nag-release ng dalawang eggs yung katawan niya. So dahil may kontak, dalawang egg ang nafertilize ng dalawa ring sperm."

"Ah ganon pala yun ate.? " si Marjorie.

Tumango si Crystalle sabay subo.

"August, anong plano ninyo ni Zoie?"

Napaangat ng tingin ang binata na busy sa kakapapak ng alimango.

"Actually tita, he already proposed to me." Nakangiting wika ng kasintahan ng binata.

"That's good. Para naman matahimik na itong anak ko at mabigyan na rin kami ng karagdagang apo." Nakangiting pakli ng ama nila.

" Papa naman, hindi pa nga kasal, apo na agad." Angil ni August.

Bulletproof Series 3 Augustus Mondragon "Paint My Love"Where stories live. Discover now